Kapag si papa ang nangako, hindi niya yon pinapako


BY:Miss Sy,,,
“Y-esh-a anong gusto mo nga ngayong b-irthday mo?
“Papa gusto ko po iyon”
“Sai-sailor moon bag ba a-nak?”
“Opo papa”
“H-uwag kang mag aalala a-nak, pagsi-sikapan ni papa sa t-rabaho mamaya pa para maka b-ili tayo niyan ha?”
“Papa, okay lang naman po. Basta nandyan ka lang po sa birthday ko. Ayos na ayos na po”
“P-ara sa prinesesa ko, i reregalo ni papa yan ha?”
Dahil sa sinabi ni papa ay hindi ko mapigilan ang maging excited. Bukas kasi birthday ko at mag se seven years old na ako.
Umalis na si papa para mag trabaho, ako na lang ang na iwang mag isa sa bahay. Ang aking papa ang nag silbing nanay at tatay ko.
Kahit halos magka edad lang ang isipan namin ay hindi ito naging hadlang sa pagiging papa niya sakin.
Da best lang naman ang papa ko.
11:57 pm na. Tatlong minuto na lang at birthday ko na. Nasaan ka na po, papa? Gabing gabi na at bakit wala ka pa rin?
In-on ko ang aming tv at bumungad sakin ang mukha ni papa.


/> B-akit maraming pulis? Bakit may dugo? Bakit sinasktan nila ang papa ko?
Biglang nag ring ang telepono.
“Hello-”
“Y-esha, a anak. L-abas ka.”
“Papa asan ka po? Bakit nasa tv ang mukha niyo? Pumasok ka po ba sa tv at naging artista?”
“Ba basta anak, labas ka muna. M-ay i-bibigay si papa s-ayo.”
Akala ko nasa labas si papa pero tanging bag lang na may design na sailor moon ang nakita ko sa sahig.
“Ha happy birthday Yesha anak. M-ahal na mahal ka ni p-apa. Lagi mong t-atandaan yan ha?”
“Papa–
Naputol iyong tawag. Hindi pwede, kailangan ko pang malaman kung nasaan si papa.
Bago ko pa ma dial ulit ang number ay nanginig ang aking kamay sa nakita sa tv.
Dugo, bakit andaming dugo?
“Patay ang isang lalaking may deperensya sa pag-iisip nang mang laban ito sa mga pulis. Ani pa nito ay wala daw siyang kasalanan at kailangan ng umuwi.”
H-indi totoo ang sinasabi mo, darating pa ang papa ko. Alam kong uuwi si papa ko, nangako siya. At kapag si papa ang nangako, hindi niya yon pinapako.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top