YUNG MAY BIGLANG LUMAPIT NA BATA SAYO AT GUSTO KANG GAWIN NA MAMA NIYA


Nandito ako ngayon sa park, nakaupo sa bench habang nagcecellphone ng may biglang kumalabit sa likod ko.
Nilingon ko kung sino yun at nakita ko ang isang cute na batang babae, nakangiti ito sakin kaya ngumiti rin ako pabalik.
“Ate ganda single ka po?” Tanong niya sakin.
“Bakit mo naman tinatanong yan?” Natatawa kong sabi.
“Gusto po kasi malaman ng daddy ko.” Aniya.
Kumunot naman bigla ang noo ko at nilibot ang paningin sa buong park, “Asan ang daddy mo?”
“Mamaya ko na po sasabihin kong nasaan siya kapag sinagot mo po ang tanong ko. Single ka po ba?” Tanong niya ulit.
“Oo.”
“Edi pwede po pala kitang maging mommy.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, “Ha?”
Ngumiti siya ng malapad, “Dito ka lang po ah? Tatawagin ko lang si daddy.”
Agad siyang tumakbo papunta sa— isang gwapong lalake?! Shit ang gwapo! Daddy niya yun?
Binuhat siya ng gwapong lalake at naglakad papunta sa gawi ko. Oh no!
“Daddy, siya po yung gusto kong maging mommy.”
Gagss bat ako?
“Okay.” Lumingon sakin yung gwapong lalake, “You’re single right?”
Tumango ako, “Oo.”
“Payag ka bang maging ina ng...


anak ko?”
“Ha?”
“At maging asawa ko?” Dagdag niya.
Para akong hindi makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa tanong niya. Seryoso ba siya?
“S-seryoso ka?”
“Yes. I’m serious.”
“Bakit ako yung gustong maging ina niya? Ako ba nagluwal sakanya?”
“Tss. Just answer my fucking question. Payag ka bang maging ina ng anak ko at maging asawa ko?” Parang naiinip niyang tanong.
“Ate ganda payag kana po please?” Nakapout na saad ni baby girl.
Napakamot ako sa batok, “Bakit kasi ako?”
“Kasi ikaw yung babaeng nakakuha ng atensyon ko.”
“Pero hindi mo ako kilala.”
“Alam ko namang mabait ka.”
Ayiii kinilig ako, mga wanport!
Huminga muna ako ng malalim, “Sige na nga.”
“Payag kana?” Nakangiting tanong niya. Mas lalo tuloy siya naging gwapo.
“Hindi.”
Agad namang nawala ang ngiti sa labi niya.
“Charot lang! Oo, payag na ako.” Saad ko.
“Good. Sa bahay kana titira mula ngayon.”
“Uuwi muna ako sa bahay—”
Pinutol niya ang sasabihin ko.
“Saka kana umuwi kapag kasal na tayo.” Inakbayan niya ako at yumakap naman sakin ang anak niya.
“Sige.” Nasabi ko nalang.
May asawa nako! I’m getting married na! Bye.
@abo
-END-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top