IT WAS ALWAYS YOU Chapter 14


Mabilisang pinatakbo ang Van na sinasakyan nina David at sa may kagubatan tumigil sila at ibinaba ang dalawa.Itinali nila sina Galvin at Clarence sa malaking puno.
“Mamamatay kayo sa gutom diyan!!” sigaw ni David
“Hayop ka!!tarantado!!!” sagot ni Galvin
Habang si Clarence ay wala pa ring malay.
“Pakawalan mo lang si Clarence..nakuha mo na ang halaga na gusto mo!!”
“At para ano Galvin Santiago?!!matatakasan pa ako?kasalanan mo ‘to,hindi ka sana nagdala ng back up..maayos sana ang naging usapan natin..”
“Sige na!!ayusin niyo ang pagkakatali diyan!!!” utos nito sa mga tauhan
At pinaandar na nila ang Van,naiwan sa kagubatan ang dalawa para ipakain sa mga mababangis na hayop.Nanatiling nakatali ang mga paa at kamay nila.
Habang sa Van naman ay tuwang-tuwa si David na tiningnan ang mga pera sa bag.Makapagsimula ulit siya sa kanyang negosyo.Matagal na panahon siyang nagtago.Hindi rin siya makalapit sa Pamilya niya dahil tiyak ibabalik din siya sa kulungan ng mga ito.
“Hahahaha..hahahaha” tawa niya nang isa isang hinawakan ang makakapal na thousand bills..
“What the F*ck!!!!!???” gulantang niyang bigkas ng sa ilalim ng bag ay mga puti puting piraso ng papel.
Naisahan yata siya ni Galvin!!!
“Boss,may mga pulis...


na sumusunod sa atin?!!” sabi agad ng tauhan niya
“Bullsh*t!!!!!bilisan mo sa pagpatakbo para mailigaw natin iyang mga l*ntik na mga pulis na iyan!!!!”
Lumiko sa ibang daan ang Van nila para mailigaw ang mga pulis.
“Nailigaw na natin sila Boss!hindi na nila tayo masusundan!!”
“Baba!!!walang kikilos!!”
“Itaas ang mga kamay!!!!” sigaw ng mga pulis
Nagsikilusan din ang mga tauhan ni David para lumabas sa Van.
“This is Bullsh*t!!!” bigkas na lang ni David
Kinuha ang mga armas nila at pinusasan silang lahat.
******
Samantala sa gubat,papalapit na ang gabi at wala pa ring tao na mahihingan ng tulong nina Galvin at Clarence.
Gamit ang bibig ni Galvin,kinuha niya ang panyo na nakatakip sa mata at bibig ni Clarence.
“Nasaan tayo?” hinang hina na sabi ni Neri o Clarence nang matanggal na ang takip sa bibig at mata niya.
“Nandito tayo sa isang gubat Neri..kailangan nating makatakas dito..kaya mo pa ba?”
“O..oo..ikaw?ok ka lang ba?ang dami mong pasa..sinaktan ka ni David?”
”Kilala mo na siya?bumalik na ang ala-ala mo,Neri?”
“Oo” pag-atubili niyang sagot
“Siya si David,dati kong boyfriend..isa siyang Drug Lord,at tumakas siya sa kulungan at umuwi dito ng Pilipinas..” pagsasalaysay ni Clarence






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top