IT WAS ALWAYS YOU Chapter 13:


“Hindi pwedeng hahayaan ko lang si Neri sa mga hay*p na iyon!!kailangan kong gumawa ng paraan..” sabi ni Galvin nang makapag-isip isip siya kung ano ang gagawin niya para mabalik si Neri nang ligtas.
Kinontak niya ang kanyang Private Investigator at nalaman niyang si David Ocampo ang nagpadukot kay Neri na dating nobyo ng dalaga.
Kailangan niyang makipag-ugnayan sa Kapulisan dahil nanganganib ang buhay ni Neri o Clarence.Tinawagan din niya ang bangko para makapaghanda siya ng limang milyon at mapuntahan ang nasabing lugar kung saan sila magtatagpo ng mga kidnaper at ng h*yop nitong ex-boyfriend.
“Abandoned Pension house malapit sa dating Sugar cane beach..ang layo nito sa kinaroroonan ng resort niya..”
“Kailangan ko ng back up..” nasabi na lang ni Daniel at nakipag-ugnayan siya sa mga kapulisan.Sinabi niya lahat ng nangyari at ang pagkakita niya kay Clarence Mendoza.
*****
“Sisiguraduhin mo lang na wala kang kasamang pulis..” pagbabanta ni David kay Galvin
“Mag-isa lang ako..at tumupad ka sa usapan!!pakawalan mo si Neri kapag nakuha mo ang gusto mo..” sagot ni David
“Correction,she is Clarence..mababalik ‘to sa iyo kapag hindi naging palpak ang lahat..nagkakaintindihan ba tayo Galvin Santiago?”
****
“Pumayag si Galvin sa pakiusap ni David?..hindi ito pwede..bakit pumayag si Galvin? baka mapahamak lang siya..” alalang sabi ni Neri sa sarili.
Maya-maya’y bumukas ang pinto at inakay siya ng mga lalaki palabas ng silid na iyon.
“Saan niyo ako dadalhin?bitiwan nyo ako!!ano ba?”
“Huwag ka nang umilag Miss,malapit ka ng makawala dito kaya behave ka muna ngayon..” sabi into
Tinakpan ang mga mata niya,ang bibig at nakatali ang mga kamay niya sa likuran.
“Hmmm!!hmmmm!!!hmmmmmmmm;!!!!!” pagpupumiglas niya at naamoy niya ang mabahong perfume kaya nawalan siya ng malay.
****
“Nandito na ako sa nasabing lugar..” sabi ni Galvin sa katawag
Ang galing nito,nandito siya sa isang lumang pension house at malayo sa mga kabahayan at walang katao-tao ang lugar.
Sa...


may di kalayuan nandun naghintay ang mga kapulisan na anumang oras ay handang aatake para rumesback sa kanya.Hawak na niya ang limang milyon na nasabi nito.
Bumaba ang mga tauhan ni David sa isang Van at huling lumabas doon si David.May mga baril ang tauhan niya.
“Nandito sa loob ang magandang girlfriend mo..ilabas muna ang mga milyones!!” sabi agad ni David
“Ilabas mo muna si Neri..”
At pinalabas ng tauhan niya si Neri na nakatakip ang mata at bibig.
“Boss,may mga resback ang lalaking ‘to..may mga pulis sa di kalayuan..patay tayo nito Boss..” bulong ng tauhan ni David
“Hawakan niyo ng maigi si Clarence..” mahinang sabi ni David
“Akin na ang limang milyon at papakawalan ko ang babaeng ‘to!!” sabi ni David
Maya-maya’y sinenyasan niya ang ibang tauhan na atakihin ang mga nasabing pulis.Nakahalata agad si Galvin kaya kinuha niya ang baril at binaril si David.Nakailag ito pero natamaan sa braso.Nabaril niya ang tatlong tauhan nito na nanlaban din sa kanya.
Habang ang mga kapulisan at mga tauhan ni David ay nagbabarilan din sa kalayuan.
Tumakas si Neri at palakad lakad nang nakatakip pa rin ang mata.
Habang sapo ni David ang sugatan niyang braso at nakuha pa nitong suntukin si Galvin.Bigla namang hinawakan ng mga tauhan ni David si Galvin at binugbog ng husto.
“Ipasok niyo na iyan sa loob!!..” utos ni David
Hinang-hina na si Galvin sa mga bugbog na tinamo niya laban kay David at sa mga tauhan niya.
“Hanapin niyo si Clarence!!bilis!!hindi pa iyon nakakalayo!!”
Bigla ding nagkilusan ang mga tauhan niya.Kinuha niya agad ang bag na nasa sasakyan ni Galvin at tumawa dahil hawak na niya ang milyones.
Agad namang nakita ng mga tauhan niya si Clarence kaya dali-dali nilang tinali ang dalawa sa sasakyan at pinaandar agad ito.
Sugatan ang mga naiwang pulis at di nila nahabol ang papalayong Van!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top