THE KILLER.


THE KILLER.
“Babe! Bakit ba tulala ka na naman diyan?! Anong binabasa mo?” Napakurap ng dalawang beses si Josh bago inangat sa akin ang tingin.
Inagaw ko ang dyaryong hawak hawak niya.
“B-babe… May bago na namang biktima.”
“A-ano?!” Dumapo ang tingin ko sa headline ng dyaryo.
Napalunok ako dahil sa nabasa.
May bagong biktima ulit.
Dalawa.
Kumalat ang dugo ng mga ito.
Pugot ang mga ulo.
Karumal dumal.
Nabitawan ko ang newspaper at nanginginig na napatingin sa kasintahan ko.
Kagaya niya ay alam ko. Natatakot din ito.
Laganap na ang krimen.
At hindi pa rin nahuhuli ang tunay na may sala.
Mailap ang gumawa ng pagpatay.
Hindi ito basta basta.
Tuluyan ng pumatak ang ilang butil ng mainit kong mga luha.
Napayuko ako at mahinang humagulhol.
“B-babe…” Tawag ko sa mahal ko.
“B-babe. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako.” Mahina kong saad.
Tinignan niya ako na puno ng pagtataka.
“Babe.” Sambit kong muli.
“Stop that, you’re creepy.” Suway niya sa akin.
“W-what? Ano bang sinasabi mo?”
“Jeez, babe! How come?” Napalunok ako at inangat ang luhaan kong mukha sa kanya.
“H-hindi kita maintindihan, Josh!” Malakas kong saad ngunit napailing lamang ito sa tinuran ko.
“You’re really good at killing people, babe. Hanggang ngayon hindi...


pa rin ako makapaniwalang hindi ka pa nahuhuli at nakukulong.” Napatigil ako sa pagluha at unti unting nagbago ang anyo ko.
Ang kaninang umiiyak na mukha ay napalitan ng malawak na pagngisi. Umalingawngaw sa buong silid ang nakakakilabot kong tawa.
Pinunasan ko ang luha ko.
“They will never gonna find out, babe. Trust me.” Ani ko bago siya hinalikan. Sabay kaming natawa at binasa ulit sa dyaryo ang kumakalat na balita.
Yes. I am the killer.
I love killing people.
I love seeing blood.
I love hearing them screaming in pain.
Matapos kong patayin ang tatay kong paulit ulit akong ginahasa noon ay nagustuhan ko ng pumatay.
Nangangati ang kamay ko.
Nagkakasakit ako kapag wala akong nabibiktima.
At mamaya…
Mamayang pagpatak ng alas dos ng madaling araw.
Isasakatuparan ko na ang isa sa mga plano ko.
Isusunod ko na ang biktima ko.
Isusunod ko na siβ€” Josh.
Ang lalaking mahal ko. Ngunit mahal din kaya ako?
Hindi.
Hindi niya ako maloloko. Alam ko…. Alam kong may relasyon sila ni Janine.
Ang matalik kong kaibigan na pinatay ko kanina ngunit hanggang ngayon hindi pa rin natatagpuan ang katawan niya. Ang bangkay niya.
Mamaya.
Pagpatak ng alas dos.
Wawakasan ko na ang buhay mo, Josh.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top