THE MAFIA OBSESSION THIRTEEN


Mabilis na nakabalik si marsie sa bahay ni ralp dahil sa mga tauhan nitong sumundo sakanya mula sa mansion ni bruno ,papasok palang sya sa mejo madilim na sala ay bumungad na sakanyang mga mata ang mga gamit na nagkalat sa lapag gayun din ang mga bubog sa paligid ngunit ang nakaagaw ng atensyon nya ay ang mga nagkalat na bulaklak pati ang isang chocolate na cupid style ang pagkaukit ,napakaganda ,mukhang masarap at mamahalin
“Saan ka galing?” Makapangyarihang tinig na kahit hindi nya lingunin ay alam nyang si ralp
Tumayu sya saka ito inaninag pero sa malas ay hindi nya masyadong makita dahil patay ang ilaw dito sa sala na tanging mapusyaw na ilaw lamang ang nakasindi “ralp ,gising kapa?”
“Sagutin mo ang tanong ko!” Tigas ang pangang saad nito halata ang pagtitimpi
“Kela miss hailey pinuntahan ko ang ate ko” ani ko dito habang nakayuko sa pagaalalang baka makita nito ang mugto nyang mga mata
“Anong ginawa mo doon at talagang hindi muna ipinaumaga pa!”
“Hmm emergency kasi may pinagusapan lang kami..” di makatingin nyang sabi ,naglakad sya patungo sa hagdanan dahil sa takot na gumapang sa katawan nya ,iba ang lalaki ngayun parang wala ito sa tamang huwisyo kaya tinangka nyang iwasan muna at baka maiyak pa sya sa harapan nito ,masakit na nga ang loob nya dahil sa ate nya ,tapos gagatungan pa ni ralp na mukhang umuusok nanaman ay talagang magshashutdown na ang puso’t isip nya dahil sa masamang pakiramdam na kanina pa daladala ,ihahakbang na lamang nya ang paa sa unang baitang ng hagdanan ng bigla syang hiklasin ni ralp
“Sinabi kunang manatili kalang dito sa mansion napakahirap ba talagang sundin yun.” Galit na saad sakanya ng lalaki halos mamilipit sya sa sakit sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa braso nya ngunit hindi nya iyun ininda dahil mas masakit ang pakiramdam nya ngayun na nagmumula sa puso nya kesa sa physical na nararamdaman nya
“Babe….please ,wag ngayun ,masama yung pakiramdam ko ,masakit yung pakiramdam ko..” dina napigilan ang butil na mga luhang pakiusap nya dito ,unti unting lumuwag ang pagkakakapit nito sakanya na sinamantala nya ,agad syang tumakbo patungo sa itaas sa silid nila ni raffy naabutan nyang tulog na na ang kanyang alaga kaya malaya syang umiyak habang sapo ang dibdib ,ito ang unang pagkakataon na nag away sila ng kapatid nya ,nasanay syang laging binibaby nito at laging iniisip ang kapakanan at kabutihan nya ,inuuna sya sa lahat ,ibinibigay lahat ng pagmamahal ,atensyon at pang unawa nito ngunit bakit ngayun tila kayhirap nitong umunawa at intindihin sya…
Muli syang napahagulhol dahil sa isiping magagawa sya nitong itakwil bilang katapatid dahil lang nagmahal sya ng tulad ni ralp ,napakasakit dahil mas pinili nitong saktan sya kesa ang hayaang maging masaya sya ,ang taong inaasahan mong unang magiging masaya para sayu dahil nahanap muna ang tunay na pag ibig ay ang taong maguudyok pa palang layuan ang iniibig mo dahil lang sa nakaraang pagkakamali nito… patuloy ang pa iyak nya hanggang sa mapagod ,nang magising si raffy ay agad nyang inasikaso ,isa pa itong bata na ito ,napamahal narin sakanya kaya ayaw narin nyang umalis pa dito ,mahal na nya ang mag ama “mahal kona kayu!!!” Pipi nyang iyak habang kinakamot ang likod ni raffy dahil iyun ang nakasanayan nito “i love you baby ,mahal ka ni...


yaya marsie ,mahal korin ang daddy mo.” Anas nya dito habang patuloy sa ginagawa.
Naisipan nyang maligo ,magbabad sa bathtub at ipahinga ang isipan pero hindi ang dibdib kung nasan ang puso dahil nanatili iyung mabigat ,makirot.. kinusot nya ang mga matang nagbabadya nanamang lumuha ,bago tumayu at tuluyang nagbanlaw ,naisip nya si ralp galit ito kaninang dumating sya at nasisiguro nyang ito ang dahilan sa lahat ng kalat kanina sa sala kaya lumabas sya upang tunguhin ang silid nito, nasa harap na sya ng silid ng lalaki ngunit hindi nya magawang katukin ,nagdadalawang isip sya ,huminga sya ng malalim at tinalikuran ang pinto saka tinungo ang hagdanan upang pumunta sa kusina at magtimpla ng gatas.
“Bakit gising kapa?”
Halos mapatalon si marsie dahil sa tinig na iyun “r-ralp b-bakit nandyan kapa?” Tanong nya dito dahil gabing gabi na’t hindi pa pala ito natutulog
“Makakatulog kaba gayung nasayang ang effort at saya mo dahil hindi mo nagawa ang surprise moment na gusto mo..” saad nito sakanya kaya napatingin sya sa mga nagkalat na bulaklak at chocolate na inilagay nya sa ibabaw ng upuan kanina
“Ralp…sorry!” Hinging paumanhin nya dahil parang alam na nya ang mga tinutumbok nito ,naglakad sya papalapit sa kinaroroonan nito saka tumayu sa harapan nito ,nagtaas ito ng tingin bago lumagok ng alak at hinila sya paupo sa kandungan nito
“Masama paba ang pakiramdam mo?” Bulong nito sa tenga nya na parang naglaho na ang galit base sa magaang boses nito
Nilukot nya ang hita saka sumiksik sa malapad na dibdib ng nobyo ,ikinulong sya sa mga bakal na braso nito at panakanakang hinahalikan sa buhok ,ramdam nya ang labis na pagmamahal ng lalaki kaya hindi nya napigilan ang pag agos ng kanyang luha “mahal kita! Mahal kita! Mahal kita!” Paulit ulit nyang sambit kahit na garalgal ang sariling tinig
“Mahal na mahal din kita marsie ,mahal na mahal..” bulong ni ralp inabot nito ang bote ng alak saka nagsalin ,halos punuin ang baso bago iniharap kay marsie “subukan mong inumin makakatulong ito para makatulog ka agad” bulong nya sa nobya na agad namang pinatulan ,inubos nito ang laman ng baso kahit na nagkasamidsamid na ito hanggang sa muli itong sumiksik sakanya na parang nakikiamot ng pagmamahal na ipinagtaka nya kaya muli nya itong pinainom upang malasing at masabi sakanya ang problema
“Si ate ko hindi na nya ako mahal” lasing nitong wika sakanya at nakinig lang sya “ayaw nya sayu masama kadaw kasi ,baka daw saktan moko ,baka daw manganib ako sayo..” muli nitong sabi na sakanya na ngayun ay umiiyak na ,marami pa itong sinabi na talagang masasakit ngunit tumatak sakanya ang mga huling sinabi ng nobya “pero wala akong pakealam kahit pa dem*nyo ka ,kahit pa saktan moko o buntisin tas iwanan ,basta ang alam ko mahal na mahal kita.” Haplos nito sa pisngi nya ,lumapit ang mukha nito sa mukha nya’t kusa syang hinalikan na tinugon nya ng mas maalab pero naramdaman na lamang nya ang paglaylay ng ulo nito kaya sinalo nya at pinakatitigan doon lamang nya napagtantong tulog na ito
“Walang kahit na sino ang makakahadlang o makakapaglayu sayo mula saakin ,akin kana noong umpisa palang kaya mananatili kang akin dahil hindi ako magdadalawang isip na patahimikin lahat ng taong kukuha ng pagaari ko….” ngitngit nyang wika dito bago ito binuhat at tuluyang umakyat..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top