His Lola’s last will Chapter 7


‘No way! Thats the craz*est condition I’ve ever heard!
I will never do such stup*d thing para lang sa mana!’
‘Tama si sir! ,No way!’
Saglit na nagkatitigan pa kami ni sir Federico bago namin muling binalingan si Sir Liam.
‘ Hey can you please calm down, ‘ tanging naisagot lang ni sir Liam, habang pilit ko paring pinopreso ang mga inpormasyong isiniwalat nya kanina sa amin ni sir Federico.
‘What?! Calm down? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Do you really think na ka kalma ako after what I just heard?!’That is bullsh*t! ‘ Nagpupuyos sa galit na bulalas ni sir Federico dahilan para bigla akong makaramdam ng di maipaliwanag na takot.
‘Um sir naman.. pwede po bang hwag nyu lang akong idamay sa will na yan.. wala naman akong alam jan eh..’ iwas ko sa isyu.Hindi ko gusto ang pakiramdam na para bang nakikihati ako sa mana nila Sir.
Mahirap na baka isipin pa ni Sir oportunista ako.
‘Im sorry, but i really cant do anything.. and you dont need to feel guilty about it, kung feeling mo hindi mo deserve ang mamanahin mo sa ginang, nakakitaan ka nya ng mabuting puso kaya marahil nagawa nya ito, yun nga lang.. she did it in a very unusual way..’
Narinig ko ang muling pag m*ra ni Sir Federico sa tabi ko. Obviously masamang masama ang loob ng lolo nyo.At malamang sa oo ako ang pagbubutungan nya ng galit pagkatpos nito. Naku delikado! Nasa poder pa namn nya ako ngayon! Baka kung anong gawin nya sakin! I need to say something before its too late!
‘Um..What if tanggihan ko po yan, um.. magagawa pa bong ibalik ang manang iyan sa pamilya nila si Sir?’Kunway suhestyon ko, nagbabakasakaling malusutan ang napasok kong problema.
‘Walang magagawa ang pagtanggi mo ,in return lalo lang nito pahihirapan si Federico na makuha ang mana nya at ng kanyang ina dahil nakasalalay sa kasal nyo ang pagbibigay ng mana.. its sounds too crazy to be true, but thats how Donya Francesca planned the whole thing’
‘Hanggang kailan ang palugit namin para maikasal?’
Napapihit ako ng lingon sa tanong nyang iyon kay Sir Liam.And to my surprise, he looks calm this time.
‘Wala namng nabanggit ang lola mo tungkol sa bagay na yan, so it means you still have time to think and plan about it’
‘D*mn it its easy for you to say! But anyway.. um.. okay pag uusapan nalng muna namin ito ni Mitch, we will talk to you once nagkasundo na kami sa araw ng kasal’
Tinapunan muna nya ako ng seryosong tingin bago nagpasyang magpaalam kay sir Liam.
Maya pay kapwa na kami nahulog sa malalim na katahimikan matapos nyang patayin ang laptop sa harapan namin.
‘So are you happy with the news? Siguro namn nagdiriwang kana, congratulations.’out of the blue he blurted, napaka rude ng dating nun sakin kaya hindi ko na naiwasang umalma.
‘Um sir, wala akong kasalanan dun, hindi ko alam kung anong nasa isip ng donya para-‘
‘But you’re name was there, nakita mo...


namn , may pirma ka sa ilalim ng kasulatan nya, how can you denied the fact na naki participate ka sa punye- , forget about it!’ He was referring about that piece of paper na binigay ko kay lola na sinulatan ng supposed to be joke joke lang na last will ng matanda. Kasama kasi yun sa pinakitang ibedensya ni sir Liam sa amin kanina para lang patunayan ang authenticity ng last will ng donya.
‘Pero sir, katuwaan lang yun, malay ko bang totohanin ni lola yung last will na yun..’ napakagat ako ng labi. Feeling ko na trap ako sa ginawa naming kalokohan ni Lola , bakit ba kasi pirma na lang ako ng pirma ng di nag iisip! Ayan tuloy, napasubo ako sa isang napaka komplikadong sitwasyon! Pero again malay ko bang hahantong sa ganun ang lahat?!
He was about to say something nang bigla na mang nag ring ang phone ko.
Si Mudra. Saved by the bell. Thank God!
‘Hello mama’ nanginginig pa ang boses ko sa takot na napasagot ng telepono habang iwas ang mga mata kong mapagawi sa direksyon ni Sir.
‘Um.. pauwi na po. Opo.. sandali na lang ito, cge po bye’ mabilisang paalam ko ke mama saka maingat kong binulsa ang phone.
Nag alala na ang mama. Napatingin ako ng relo. Sh*t.Alas nuebe na pala ng gabi. Kailangan ko nang umuwi nag hihintay na ang mama sakin..
Nilingon ko sir. He was sitting silently with his eyes half closed.Mukhang kalmado naman sya at wala na ang tensyon sa itsura nya.
‘Um sir pwede na po ba akong umuwi..’ i crossed my finger at my back,praying na sana pauwiin na nya ako, iiyak talaga ako dito sa oras na di nya ako payagan.
‘Wait, ipahahatid kita sa driver ko’ matipid nyang saad saka sya tumayo at nag tipa ng telepono. Hindi ko na nagawang magsalita. At pinili ko na lng manahimik sa kagustuhang makauwi na.
Buong akala ko na hindi na nya kikibuin kaya nagtuloy lang akong lumabas ng kwarto nya pagkarating ni kuya driver.
‘Wait.. listen’ habol nya sakin habang nasa hallway pa kami ni kuyang driver.
‘Lets call this a day, you can go home now but it doesnt mean tapos na tayo, marami pa tayong dapat pag usapan, sa ngayon i think both of us were really tired, and hindi magandang pag usapan ang bagay nato kung parehas tayong pagod..’
May tama naman sya. Kagagaling ko lang din sa mahabang byahe at talaga namng lutang pa ang isip ko sa lahat ng nangyari.At tingin ko masyado narin syang burn out. He look so haggard at mukhang kailangan na rin nya ng pahinga.
‘But keep you phone open, bukas tatawagan kita, you need to answer it and be ready ,baka ipasusundo uli kita, nagkakaintindihan ba tayo?’
‘Um o-okay sir..’ sagot ko na lng para wala nang usapan. Uwing uwi na kasi ako.
‘Good.. cge makakaalis ka na’ sabay sarado ng pintuan sa harapan ko.
—///:
pasensya na po sa iksi
Medyo busy lang
Try ko pong mag update mamaya






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top