– MARK-
Hindi alam ni blessy na may dati akong asawa. Ang alam nya lang, ang mama nya lang ang naging asawa ko kahit hindi kami kasal. Ayokong nang malaman nya dahil ayokong magalit sya sakin. Hindi ko ata kakayaning magalit ang anak ko sakin. Gumulo sa isip ko ang nalaman ko kaya hindi ako mapakali at kating-kati talaga akong alamin kung bakit nakasama si Lorraine sa mga may problema sa pag-iisip
” Mark can we talk?” Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Jane dahil masyadong malalim ang iniisip ko
” Y-yes ofcourse! ”
” Galit kapa ba sakin? ” Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanya kahit na alam kong galit talaga ako sa kanya dahil pinahiya nya ako
” H-Hindi na.. ayoko na magka away tayo Jane. Kawawa naman ang anak natin. Natututo narin syang sumagot sayo dahil sakin. Ayoko nang ganon. Please, magtiwala ka naman sakin. Hindi ko naman kayo ipagpapalit sa iba e”
” I’m sorry Mark. Nadala lang talaga ako ng galit at selos ko. Masyado lang talaga siguro akong stress dahil pakiramdam ko lumalayo kana sakin. Gusto ko lang naman maging masaya tayo ”
” Kaya nga magtiwala ka sakin . Hindi naman mahirap maging masaya. Kapag kasama ko kayo ni blessy masaya ako. Hindi nako maghahanap pa ng iba ”
” Sige magtitiwala ulit ako sayo Mark. Gusto ko narin ibalik ang dating tayo ” Niyakap ako ni Jane at wala manlang akong sayang nararamdaman kaya naiinis nanaman ako sa sarili ko. Si Lorraine parin ang nasa isip ko
” Jane, may pupuntahan lang ako saglit ha? Wag nyo na ako hintayin kumain . Ibibili ko nalang kayo ng pasalubong. May gusto kaba?”
” Kahit ano basta galing sayo Mark. Sige ingat ka ”
” Hindi kana galit sakin?”
” Hindi na .. Basta ba, nagsasabi ka ng totoo” niyakap ko nalang ulit si Jane para maramdaman nyang wala syang dapat ipag alala
Tumigil muna ako sa pagmamaneho dahil kailangan kong malaman kung san ko pupuntahan si Doc Lara Salmorin. Nag search muna ako ng mga information sa kanya. Oh thanks! Nahanap ko rin kung san sya pupuntahan.
It’s nine o’clock. Mahaba-haba rin pala byahe ko. Konting oras nalang ang kailangan kong ilaan dito kaya kelangan kong magmadali
” Good morning Sir, Sino pong hinahanap nyo?”
” Ahhm.. i’m looking for Doc. Lara Salmorin ”
” Doc Lara? Sorry Sir but she’s not here. May pinuntahan po sila ni Doc Alex”
” Alex?”
” Yes po kilala nyo po si Doc Alex?”
” Ahh hindi. Kung wala si Doc Lara baka pwedeng sayo ko nalang itanong ang mga impormasyon na gusto kong hingin. Gusto ko lang tulungan yung anak ko sa research nya. Psychologist din kasi ang kinukuha nya . K-kung okay lang naman ?”
” No problem po Sir. Willing naman po kaming tumulong dito ”
” Salamat. Gusto ko muna sanang tingnan yung mga records nyo dito. I mean, yung mga patient na inalagaan nyo dito dahil nabaliw daw . Am I right?”
” Yes sir. Karamihan po nang na admit dito ay nadepressed kaya nabaliw. ”
” O-ok. May nabasa po kasi about kay Lorraine Gonzales ba yon? Parang sa kanya kasi ako mas naging interesado e okay lang ba?”
” Ahh kay ma’am Lorraine po. Teka lang po, kukunin ko po mga records nya basahin nyo nalang po at sasagutin ko nalang po kung may kelangan kayong itanong ”
Lorraine De Villa Madrigal 1991- 1998. Una syang dinala dito. Because of depression. Ayon din dito, kaya sya nabaliw ay dahil pinatay ang mga magulang nya at biktima rin sya ng rape. Nanlaki ang mga mata ko sa dahilan. Ang alam ko kasi, namatay sa sakit ang mga magulang nya
” Miss pwede ko bang malaman ang pangalan mo? Palagi kasi kitang nakikita sa twing dumadaan ako dito sa village e palagi ka ding mag-isa. Ako nga pala si Mark” Inabutan ko pa sya ng kamay noon dahil gustong-gusto ko sya makilala
” Hindi kita kilala at wala akong balak kilalanin ka! Lumayo ka sakin! ” Masyado syang mailap noon lalo na kapag lumalapit ako sa kanya. Talagang hindi sya nakikisalamuha sa ibang tao kaya laking tuwa ko nang isang araw, naging mabait na sya sakin. Pinilit ko ng todo ang sarili ko sa kanya dahil mahal ko sya at sinabi nyang mahal nya rin ako . Pero sa limang taong pagsasama namin ako lang ang nakasama nya at nagsilbi naring kaibigan nya. Sanay na sanay syang mag-isa sa buhay.
1999 nang umalis sya dito. Taong din na yan nang maging magkarelasyon kami. At matapos ang 2-3 years nang pagiging mag boyfriend at girlfriend pinakasalan ko sya . 2002 kami nagpakasal at nagsama ng limang taon bago naghiwalay. Bakit nya nilihim ito sakin? Bakit hindi nya pinaalam?
” Miss nakulong ba ang mga pumatay sa magulang nya? At yung mga nanggahasa sa kanya?”
” Ahh ang alam ko po, nung una, pina imbestigahan po yang kasong yan pero di rin po...