A very sad story that makes you cry


TITTLE:I’m just a big mistake
Written by:Miss Sy
Prologue:
“Tama na ma!” Pagmamakaawa ko kay mama habang walang awa nya akong isinusubsob sa sahig
“Yan ang bagay sayo! Your the black sheep of these family! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng mga kamalasang nangyayari sa pamilyang to!” Mom shouting at me angrily
“Ma, Tama na po, nasasaktan na ako” pagmamakaawa ko habang umiiyak,
I’m misty, 16 years old.
Lagi nalang akong sinasaktan ng sarili kong ina, ako ang sinisisi nya sa lahat ng mga kamalasan sa buhay nya
She think that I’m just a big mistake. Halos Hindi na ako makatayo dahil sa pambubugbog nya
Galit sya sakin dahil sa tatay ko.
Pinagsamantalahan ng tatay ko si mom, at hindi sinasadyang nagbunga iyon, Mom tried to abort me when I was in her womb.
Pero malakas ang kapit ko, kaya malas ko at nabuhay pa ako,
At dahil din doon, ay tinakwil siya ng mga magulang nya, and that time ay may roon na rin siyang Asawa at anak and that’s kuya harry
Lahat ng galit ni mom sa tatay ko ay saakin niya ibinibigay,
Pinagtatrabaho nya ako sa bahay buong araw, inaalila, at sinasaktan pa.
Madalas din nila akong gutumin, at pagsabihan ng masasakit na salita,
“Wala kang kwentang anak! Dapat ay hindi nalang kita binuhay! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to” sigaw ni mom
“Dapat ay palayasin na natin iyan sa pamamahay, para Wala nang malas sa buhay natin!” Sulsol ni kuya harry
Minsan ay hindi ko na matiis ang kanilang pambubugbog
Gusto ko mang tumakas at umalis sa bahay na iyon, ngunit Wala akong matutuluyan,
“misty!!!” Sigaw ni kuya harry sa akin,
“Po?Bakit kuya harry?” Tanong ko habang nagmamadaling tumakbo papunta sa kinaroroonan nya upang alamin Kung bakit sya sumisigaw
“Bakit kumupas tong bagong t-shirt ko huh? Anong ginagawa mo dito?!!!” Pasigaw nyang tanong sakin
“Eh k-kasi k-kuya sobrang dumi po eh k-kaya g-ginamitan ko ng d-detergent” nanginginig na sagot ko dahil baka Kung ano nanaman ang gawin nya sakin dahil sa kaunting pagkakamali ko
“What????!!! DETERGENT??!! tanga ka ba? Ohh Ayan tignan mo yang ginawa mo!! Kupas na!!” Sabay tulak sakin dahilan para mapaupo ako sa sahig
“Ang tanga tanga mo!! Lahat nalang ng ipagawa ko sayo palpak!! Sana mawala ka na sa pamilyang ito” sabay itcha sakin ng damit nya
Napaiyak nalang ako habang nakasalampak sa sahig
Hindi manlang nila ako mapagmalasakitan
Puro pananakit ang ginagawa nila sa akin,
Minsan ay hindi ko na Alam ang gagawin ko,
Kaunting pagkakamali ay bugbog sarado ako sa kanila, pinagtutulungan nila ako,
Wala akong magawa kundi umiyak nalang ng umiyak,
Pero Hindi ako sumusuko,dahil umaasa ako na balang araw….
Balang araw ay ituturing din nila akong kapamilya, at mamahalin din nila ako ng sobra.
Pero baligtad pa ang nangyayari,
Isang hapon, naglilinis ako ng kwarto ni mom dahil sobrang kalat,
Napansin ko ang mga papel na nakakalat sa sahig,
Pinulot ko Ito, at dahil hindi ako marunong magbasa dahilan ng Hindi ako pinagaral ni mama, Hindi ko Alam ang nakasulat sa mga papel na iyon
Akala ko ay hindi na Ito kailangan dahil nakakalat Lang ito Kung saan saan,
Pinulot ko at saka sinunog sa apoy sa likod bahay,
Pagdating ni mom galing trabaho ay aligaga sya sa paghahanap ng Kung ano sa kanyang kwarto
“Misty!? Misty?! Misty!?” Tawag ni mama sa akin
Agad naman akong pumasok sa kwarto nya at sumagot
“Po?! Ma.” Sagot ko,
“Wala ka bang nakitang mga papeles dito sa kwarto ko Kanina?” Pasigaw na tanong nya
“Ah eh sinunog ko na po Kasi Ang akala ko...


ay hindi na kailangan e” mahinahon kong sagot
“Ano?!!! Sinunog mo? Hindi mo ba Alam na sobrang halaga ng mga papeles na iyon? Palibhasay Wala kang Alam! Punyeta ka!!!” Sabay pihit sa tenga ko
Napasigaw ako sa sakit, pero Hindi pa sya nakuntento,
Hinablot nya ang buhok ko at saka hinila papalabas ng kwarto,
“Arayyy mahhh, nasasaktan ako, bitawan nyo na po ako” pagmamakaawa ko
Dinala nya ako sa banyo at saka inilublob Ang mukha ko sa bowl,
“Hayan, Yan Ang bagay sayo! Tutal muka ka namang inidoro” sabay lublob nya sa mukha ko sa bowl
“Mahh ta-tama na- po-” utal na Saad ko habang patuloy na inilulublob ni mom Ang mukha ko sa tubig ng inidoro
“Mawala ka na Sana sa buhay namin! Para Wala nang palamunin dito, mamatay ka nalang Sana!”
Iniwan ako ni mom sa loob ng cr na basang basa,
Gusto na nya akong mawala sa buhay nya,
Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak hanggang sa mamugto ang mga Mata ko,
“Sana mawala ka na sa buhay ko!”
“Sana mawala ka na sa buhay ko!”
“Sana mawala ka na sa buhay ko!”
Paulit ulit kong naririnig sa aking isipan
“Wag kang magalala ma, gagawin ko ang kagustuhan mo” Saad ko habang humihikbi
Nagising si mom Ng maaga dahil may trabaho siya,
“Misty! Timplahan mo ako ng kape!” Utos ni mom habang pasigaw sigaw pa
Pero nagtaka siya ng walang misty ang sumunod sa utos nya
“Mistyyyyyy!!!” Isang napakalakas na sigaw ni mama ang umalingaw ngaw sa buong bahay
Mukhang galit na galit nanaman Ito sa akin,
Hinanap nya ako sa buong bahay pero Wala syang nakitang misty doon
Hinanap nya ako sa likod bahay, o kahit sa harap ng bahay ngunit Wala syang matagpuang misty doon,
Sa pagkakataong Ito ay umuusok na siya sa galit,
Isang lugar nalang ang Hindi nya napupuntahan, atik.
Umakyat sya atik na Kung saan madalas Kong puntahan upang mapag Isa at magmuni Muni
Umakyat sya roon ng galit na galit,
Ngunit nanlumo sya ng Makita ang isang misty na Wala nang buhay at nakasabit ang leeg sa isang lubid na nakatali sa itaas
“Misstttyyy!!” Sigaw nya, habang napahangos papalapit sa malamig Kong bangkay,
Wala syang nagawa kundi humagulgol sa tabi ng bangkay ko,
“Misty, anak ko!” At sa unang pagkakataon ay tinawag nya akong anak, kahit Wala na akong buhay,
Nahulog mula sa aking kamay Ang cellphone na hawak ko na naglalaman ng mensahe, na nirecord ko mismo bago nagpatiwakal
Napansin Ito ni mama,kayat pinulot nya ito
Bumungad sa kanya ang isang recorded file sa phone ko, pinakinggan niya Ito habang humihikbi
Record—
Mahal kong ina:
Gusto ko lang magpasalamat sa iyo dahil kahit papano ay naranasan Kong mabuhay sa mundong ito, kahit na Hindi nyo ako tinuturing na anak, pasensya na po sa mga pagkamamali at katangahang nagawa ko, huwag po kayong magalala, tinupad ko na po ang gusto nyo, ang mawala ako sa buhay nyo, at Sana po ay mapatawad nyo ako, gusto na pong mamahinga dahil pagod na pagod na ako, huwag po kayong magalala lagi ko po kayong babantayan mula sa langit, at lagi nyo pong tatandaan na mahal na Mahal ko po Kayo ni kuya harry,
Paalam.
Napahagulgol nalang ni mom habang nakaluhod sa sahig,
“Misty anak ko, patawarin mo din ako sa mga masamang nagawa ko sayo noon, patawarin mo ako anak ko!!” Hagulgol ni mom
Hindi ko akalaing kailangan ko pang humantong sa kamatayan para Lang matawag na anak mo,
Patawad Ina..
Hanggang dito nalang,
-misty,,






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. paano kapa naka post dito kung patay kana?

Leave a Reply


top