THAT NERDY GUY IS NOW MY BOSS


Author: alas
PROLOGUE
Nagmula sa mayamang pamilya si Micah Salvador. Kilala siya ng lahat at hinahangaan ng marami dahil sa napakaganda niyang mukha at balingkinitang katawan. Kaya naman, maraming lalaki ang nagtangkang ligawan siya subalit lahat sila’y hindi pasok sa standard ni Micah. Mataas ang standard ng babae pagdating sa mga lalaki. Kaya nung minsang merong isang lalaking nagtakang umamin sa kaniya sa mall, isang lalaking unang tingin palang, mapapaiwas ka na ng tingin dahil sa kahihiyan, isang lalaking nakasuot ng maong pants, naka eyes glass, may dalang kumpol ng rosas— o sa madaling salita, isang panget at baduy na nerd, agad itong binasted ni Micah at pinahiya...


sa harap ng maraming tao. Lahat ng iyon ay nangyare, five years ago.
Ngayon, nagiba na ang lahat.
Naging mahirap ang pamilya ni Micah dahil nabakrupt ang kompanya nila. Ngayon, naghahanap siya ng trabahong papasukan. Ngunit lahat ng kaniyang inaaplayan, hindi siya tinatanggap. Hanggang sa may isang kompanya ang nagalok sa kaniya ng trabaho.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Micah ‘pag nalaman niya na ang nagmamay-ari ng kompanyang papasukan niya ay walang iba kundi ang lalaking minsan niya nang pinahiya.
Handa na kaya siyang harapin muli ang bangugot ng nakaraan?
Mahuhulog kaya muli si Andrius sa babae, o si Micah naman ngayon ang maghahabol sa lalaki?
Abangan…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top