WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 42


SANDRA’s POV:
BUMALIK muna ako sa bahay namin ni Derick.
Hindi ko gusto ang hangin sa kompanya.
Ang daming bulok na basura.
Next time na pupunta ako roon, garbage truck na ang gagamitin ko para ipahakot sila.
I can’t wait to make them suffer.
Matitikman din nila kung gaano kasarap mamuhay sa impyerno.
Sinira nila ang buhay ko.
Kaya sisirain ko rin ang buhay nila.
“Hindi na ako dalaga pa. Dahil kasal na ako.”, rinig kong sabi ni Katrina sa aking tenga.
Paulit-ulit ‘tong pumapasok sa isip ko dahilan para madagdagan ang galit ko kay David.
Kinasal na sila. Natuloy ang kasal nila.
Samantalang ako, hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit at poot sa dibdib ko.
Ako ang pinangakuan nito na pakasalan, pero sa huli, si Katrina pa rin ang pinili niya.
Pero hindi dapat ako magpaapekto sa kanila.
Ayokong ipamukha na mahina ako dahil baka mahalata nila na ako si Kate.
At oo, patay na si Kate.
Pinatay ko na si Kate.
Pinalabas ko sa lahat ng tao na patay na ako.
Kaya ang buong akala nila, pinatay ko ang sarili dahil sa sobrang problema na dumating sa buhay ko
Dalawang kabaong ang nilibing sa lupa.
Ang isa ay kay Michael. At ang isa ay sa akin.
Pero hindi ako ang laman ng kabaong na ‘yon, dahil parte lang ito ng plano namin ni Derick.
“Kanina, hindi ko nagustuhan ang pagtitig mo kay David.”, saad ni Derick nang tumabi siya sa pwesto ko.
May dala siyang wine at inilapag ito sa mesa.
“What did you say?”, pagtatanong ko.
Gusto kong ulitin niya ang sinabi nito dahil hindi ko masyadong narinig ang panghuli.
“Halatang-halata ko, Sandra. Mahina ka pa rin pagdating kay David.”, he said.
“Pwede ba, ayokong pag-usapan ang taong ‘yan.”, taas-kilay kong turan.
Ako na mismo ang kumuha ng wine at nilagok ito.
“Kung patuloy kang magpapaapekto sa kanya, hindi natin makukuha ang hustisya. Tandaan mo, hindi ka na si Kate.”, sambit niya sabay agaw ng alak sa kamay ko.
“How many times did I tell you, na ‘wag mong banggitin ang pangalan na ‘yan dahil naiirita ako!”, bigkas ko sa binata.
“Kung ayaw mong banggitin ko ‘yan, then prove it, Sandra. Prove to me that you don’t love him anymore!”, sigaw ni Derick na medyo may kaasaran sa boses.
Ngayon ko lang nakita ang pagkagalit sa mukha nito.
“H-hindi ko na siya mahal.”, iwas na saad ko.
“I hate him. I really do hate him.”, madiin kong patuloy.
“Nasasabi mo lang ‘yan, dahil hindi mo siya kasama ngayon. Pero kapag nandyan na siya sa harap mo, nanghihina ka.”, wika nito at hinawakan ako sa kamay.
This time, hinayaan ko siya na pagsabihan ako.
Wala eh. Naduduwag pa rin yata ako kay David.
“So please Sandra, I’m begging you. Help yourself. Okay lang sa akin kung hindi mo na ako mahalin. Basta matuto kang lumaban para sa sarili mo. Dahil kung tutuusin, hindi rin biro ang pinagdaanan ko sa abroad bago ako naging mayaman. Nakulong ako dahil napagkamalan akong magnanakaw. That’s one of the reason...


kaya hindi ako nakatawag o chat man lang sa’yo. Sa una, nanghina rin ako. But everytime na iniisip ko kayo ni Michael, lumalakas ang loob ko. Kaya nagpursigi ulit ako magtrabaho, hanggang sa magkaroon ako ng kompanya. Binalikan ko kayo. Kaso sa pagbalik ko, hawak ka na pala ng iba.”, pahayag niya at muling uminom ng wine.
Nasasaktan pa rin siya tungkol sa nangyari sa amin.
Nasaktan ko pala siya.
And it made me realized na hindi siya nagloko.
“I’m sorry. Akala ko kasi may babae ka na sa states. H-hindi ko sadya.”, nahihiyang saad ko.
“Don’t say sorry, Sandra. Gusto ko lang matauhan ka dahil nasasaktan ako kapag nasasaktan ka pa rin.”, pilit na ngiting sabi niya.
Ewan ko ba, pero muling bumalik sa isipan ko ang pinagsamahan namin noon.
Kung paano niya ako niligawan.
Kung paano niya ako sinuyo kapag nagtatampo ako.
At kung paano niya ako alagaan dahilan para mahalin ko siya.
Kaya habang inaalala ko ‘yon, may umuudyok sa akin para halikan si Derick.
At gano’n nga ang nangyari.
Marahan kong hinawakan ang pisngi nito at hinalikan ko siya sa labi.
Ang halik na ‘yon, tumagal ng ilang segundo.
Pero agad kaming napabitaw sa isat-isa nang sumulpot ang yaya namin sa bahay.
“Ma’am, Sir, pasensya na po pero may humahanap po sainyo. At nandito na po siya.”, bigkas nito kaya lumingon kami sa gawi niya.
Laking-gulat ko nang makita ko si David na nakatayo habang pinapanood kami ni Derick.
“What are you doing here?”, tanong ng binatang katabi ko.
“Ahm, kinapalan ko na ang mukha ko para kausapin sana si Miss Sandra. Tungkol sana ito sa kompanya namin. And I badly need your help to save my company.”, magalang na wika nito.
Kaya napangisi ako dahil masyadong masarap sa tenga ang salitang ‘help’.
Hindi ko lubos maisip na ganito pala siya kapag naghihirap na.
“Well, busy ang schedule ko. Marami akong meetings today.”, I replied in a nice way.
“Miss Sandra, mabilis lang ‘to. Hindi naman magtatagal ang pag-uusap natin. Gusto ko lang—“,
“I said, I’m busy. Hindi mo ba ‘yon maintindihan?”, sambit ko muli.
Hindi ito nakasalita, bagkus, napatikom siya ng bibig niya.
“Hayyss. Akala ko, sa kalsada natatagpuan ang pulubi. Pati pala dito, may pulubi na rin. Pero dahil mabait ako, here. Twenty thousands, donation ko na ‘yan para sayo.”, turan ko nang kunin ang pera sa pitaka.
“Hindi ako pulubi, Miss Sandra. Hindi pa ako naghihirap.”, bigkas nito na tila na-insulto yata sa sinabi ko.
“I’m just helping. But if you don’t want to accept it, then fine. You can leave now. Nangangamoy sardinas ka kasi. And I’m allergic with that.”, maarte kong saad sabay takip ko sa ilong.
Akma na sana ako aakyat, kaso may pinahabol siyang salita.
“Handa akong maghintay sa labas, Miss Sandra. Kahit abutin pa ako ng madaling araw, hihintayin kita.”,
“Ikaw bahala. Ikaw din naman ang mapapagod.”, I smirked.
Mukhang mag-uumpisa na ang totoong laban sa pagitan namin ni David.
At sa oras na ‘to, nasisiguro ko, na wala na siyang puwang sa puso ko.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. omg…sana di ka lalambot sandra kasi kawawa c derick na nag hintay na mahalin mo ulit

Leave a Reply


top