Not Yours


GENRE : ROMCOM
AUTHOR : Zein Ella
-PROLOGUE-
Nag mamadali ako naglakad papuntang library, being a college students talaga! Dito mo masusubukan kung gaano ka karesponsable as a students at kung gaano ka kadeterminado pagdating sa pag aaral, gags! Ang dami ko pang tatapusin na thesis! Tas this week na ang deadline, buti nalang talaga na vacant time namin ngayon may oras pa ako para gumawa at doon nalang din ako sa library gagawa ng reseach, take note first year ko pa lang to sa college, pero grabe masisira nq ulo ko! Gusto ata ng mga Professors namin na diretsyon mental kami bago pa makagraduate!
Nang nanlaki nalang ang mata ko tsaka napahinto sa pag lalakad nung nakita ko syang papalakad sa direksyon ko. Ayan na naman si Yabang!!! Kaya dali-dali nalang akong tumalikamod para di nya mapansin at makaalis na dito. Sa ibang lugar nalang ako gagawa, kaya binilisan ko na ang hakbang bago nya pa ako mapansin.
“Opppssss….oppps…..
oppsss.., where are you going?” Agad nyang hila sa bag ko bago pa ako makalayo.
Kung inabutan ka nga naman ng malas! Oo nga naman! Pang six footer nga pala ang height nito, kaya kahit tumakbo pa ako hakbang nya lang yun. Nakapamot nalang ako ng ulo tsaka humarap sa kanya.
“Si Dora ka ba?!” Suplada kong saad sa kanya.
“Huh?” Taka nyang sagot saakin.
“Eh! Linyahan ni Dora The Explorer yan eh! O baka ikaw si Boots yung unggoy na kasama nyang lumalambitin sa puno” pangiinis ko sa kanya.
“Tsk! Ang childish mo! As if naman kung mukha akong unngoy. Isa pa, stop your nonesense sh!ts!” Inis nyang saad saakin at slight akong tinulak, aba gago to ah! Tinawag pa akong childish!!
“Ano bang gusto mo?!” Padabog ko ng tanong.
“Madami pa akong gagawin! Sinasayang mo oras ko” dagdag ko pang saad sa kanya at gustong-gusto ng umalis.
“I’ve been looking for you anywhere for an hour! Akala ko nga absent ka” Saad nya pa.
“May absent bang nasaharap mo na?” Pamimilosopo ko.
“The f*ck, stop being so stupid! Kinakausap kita ng maayos! Look! Nakailang missed calls na ako sayo!” Saad nya pa sabay pakita sa 17 missed call nya saakin sa phone nya. Pake ko dyan?!
“I just want to remind you na you need to go on the basketball court this 5:30pm” pag papaalala nya saakin.
“5:30pm? Uwiaan ko na yun, kaya di ako pupunta” hindi ko interesadong sagot sa kanya.
“Tsaka! Isa pa, ano namang gagawin ko doon? Hindi naman ako mahilig magbasketball” dagdag ko pang saad na hindi talaga planong pumunta.
“The hell Gray! Just for the sake na boyfriend mo ako, you need to cheer me up! I need yoy there! Isa pa just to show your appearance it makes sense na proud ka saakin as still the captain ball ng varsity! Gets?!” Pagpapaliwanag nya saakin. Tumatayo balahibo ko sa baliw na to!
“Wag mo akong asang pupunta” seryoso kong sagot sa kanya para tumigil na sya sa pangungulit.
Ng napatigil naman sya sa kakatype sa phone nya na ewan kung sino ang kachat.
“Gray, pagaawayan ba naman natin to?” Saad nya na parang sawa ng makipagtalo saakin.
“Okay, fine. I need to go now, see you later nalang” pagpapaalam nya saakin at hinalikan pa ako sa nuo bago umalis at sagutin ang tawag sa phone nya.
Nilingunan ko nalang syang papalis, may pa see you later, see you later pang nalalaman tong kumag na to! Hahahha akala nya ba talaga na pupunta ako? Manigas sya!! Mas madami pa akong importanteng gagawin kesa panoorin laro nila.
…………
Papauwi na ako ngayon, ay wait…baka akala nyo na wala akong kaibigan dahil nag iisa lang ako. Meron pero andondin sa court dahil panoorin daw crush nya kaya nauna nalang akong umuwi sa kanya. Nagulat nalang ako na habang payapa akong naglalakad ay hinarang ba naman ako ng dalawang school guard dito sa may bandang gate ng ng University namin.
“Ms. Gray Delgado?” Tanong nung isa saakin.
“Ako nga po, bakit?” agad kong sagot na halatang nagtataka sa kanilang dalawa. May school violation ba akong nagawa? Parang wala naman.
“Di pa po kayo pwedeng umuwi” Sagot nya saakin.
“Ano? At bakit? Uwian na namin ngayon” Agad kong sagot sa kanya at nagtataray na.
“Yun po ang bilin saamin eh, kailangan nyo daw pong dumiretsyo sa basketball court at kung hindi pwede daw po kayo naming kaladkarin papasok ulit” Paliwanag nya saakin.
“At tinakot nyo pa ako?!!” Inis kong saad sa kanilang dalawa na nanlalaki na ang boses at halatang pinagtitinginan na din kami ng ibang estudyante dito ngayon.
Bwesit ka talagang lalaki ka!! At parang seryoso din tong dalawang kumag na tong kaladkarin ako papasok ulit ng University, kaya bumalik nalang ako ulit sa campus at habang inis na inis akong naglalakad. Kinuha ko naman ang cellphoneko para tawagan ang depungal na yun.
At nung sumagot na sya “Nakakainis ka!!!” Agad kong sigaw sa kanya sa phone at pinatayan na sya. Ang dami ko pang gagawin!! Dumagdag pa talaga to! Mukhang maaga akong makakapasok ng mental dahil sa kanya.
Ng nakareceived ako ng text galing sa kanya. “Told you, saan ka na ba?! Ang bagal mo namang maglakad” – Kenzo.
Nandito na ako sa court ngayon at mukhang puno na ang mga bleachers kaya hinanap ko nalang si Nizz yung kaibiganna sinasabi ko kanina. Ng may narinig ako tumatawag saakin kaya agad ko itong nilingunan. Sya pala kaya nilapitan ko nalang sya at umupo sa tabi nya, buti nalang may bakante.
“I thought your not gonna watch his final game?” Tanong nya saakin.
“Eh! Initusan nya pala ang mga guards na harangan ako sa gate” inis kong sagot kay Nizz na nakasimangot na ngayon, di naman halatang nag sasayang lang ako ng oras dito.
“Look at your boyfriend, mas gwapo sya sa turban nya with his long hair at basketball outfit” kinikilig na sabi ni Nizz saakin habang titig na titig kay Kenzo.
“Kahit tumambling pa sya dyan o ishoot nya pa ang mismong ulo nya sa ring ay wala akong pake sa pagmumukha nya” na iinis ko pa ding saad.
“Baka sya lang ang dahilan kung bakit ako magiging kriminal” inis na inis ko pa ding tugon.
“Ikaw, ang OA mo. Let’s just enjoy watching” pag aawat nya saakin.
Panay naman pacute ng mga girls na nasa bandang harapan sa team nila Kenzo, ano bang nakita nila dyan? Puro lang naman yan yabang, mayabang lang dahil madaming connection ang pamilya! Panay din ang pa pogi nya, pakiramdam nya kasi talaga lahat ng babae magkakagusto sa kanya.
Habang iniisip ko pa ang mga gagawin ko mamaya pagdating sa bahay ay nagsisismula na din ang first quarter ng laro.
……….
Puro nalang pangalan ni Kenzo ang naririnig ko ngayon dito sa court, di ba sila naririndi sa boses nila? Mamaos sana kayo! Ng maya-maya ay napansin ko si Lei na patungo saamin, naghahanap siguro sila ng mauupuan kasama ang kaibigan nyang si Stacey.
Umasta naman akong parang di sila nakita at bumaling ng tingin sa laro nila Kenzo. “Look who’s here” Nakangising saad ni Stacey kay Lei.
“Kahit kailan talaga di sya pumantay sa standars mo” halatang parinig saakin ni Stacey saka sila dumaan ni Lei sa harapan namin.
“Tsk! They just can’t move on sa fact na ikaw na ang girlfriend ni Mr. It Boy at hindi na si Lei” bulong ni Nizz saakin, narinig nya din kasi ata sila Stacey.
“Tsk! Wala naman akong pake sa kanila” Walang emosyon kong tugon.
CHAPTER 1 – Demon and Evil
Papunta na kami cafeteria ni Nizz ngayon para kumain, ramdam ko na din kasi ang gutom dahil di ako nag almusal sa bahay bago pumunta ng eskwela.
Ang totoo taga probinsya lang ako na kinuha ng Tito ko dito sa Manila para mag-aral ng college, pero magulang ko pa din naman ang nagpapaaral saakin, tumutulong-tulong lang din sya dahil medyo nagkaproblema ang farm namin doon sa ngayon. Nakilala ko lang yan dito sa Manila si Nizz, yan ang laki sa yaman na patay na patay sa Kenzo na yun. Speaking off the devil!
“Papalapit na sila” namumulang saad ni Stacey saakin.
“Alam mo, no need mo ng mag blush on. Mas mapula pa sa dugo ang pisngi mo ngayon” saad ko sa kanya na di maalis ang titig sa Kenzo na...


yun.
Ewan ko nga ba sa kung anong meron dyan sa taong yan kung bakit madaming nagkakagusto sa kanya dito sa campus. Ang alam ko senior student namin sya na anak sa yaman, pala barkada, varsity captain na ubod ng yabang.
……….
“So what do you think, may pag asa ba ako sa kanya Gray?” Pangungulit pa din ni Nizz saakin habang kumakain na kami ng snacks namin.
“Ang ganda mo para magpaloko sa kanya” pranka kong sagot.
“Tsk! Look, si Lei lang ang naging official girlfriend ni Kenzo at wala ng iba. Kung meron mang rumors about him is gawa-gawa lang yun ng mga ibang girls dyan na feeling jowa si Kenzo” paliwanag at pagtatanggol nya dito.
“Anong ibig mong sabihin? If there’s a chance, ikaw ang manliligaw ganon?” Confused kong tanong.
“Why not? Isa pa it’s 21th century na girl, open minded na lahat” depensa nya sa sarili nya. Baliw na ata to.
“Bakit? Ikaw ba ni minsan di ka na attract sa kanya?” Pagtatanonh nya saakin.
And i just did a nodded.
“Sh!t are you kidding me, tsk! You can’t fool me Gray, kahit nung first time na nakita mo sya? Na hindi mo pa sya kilala?” Natatawang saad ni Nizz saakin.
“Masisisi mo bang hindi panget ang taste ko sa lalake” diretsyo kong saad sa kanya.
……….
As college students, asahan mo na talaga ang damakmak na thesis na gagawin palagi, kaya salamat nalang talaga na every one week may two vacants kami para gumawa ng extra activities na gusto namin.
Kaya for now since vacant naman, nandito kami sa park ng University ni Nizz nakaupo sa fence and just minding our own business, nag sesearch ako ng mga ideas about sa research topic na gagawin ko habang sya naman ewan nagseselpon lang din naman.
Habang abala ako sa pag screenshots ay nagulat nalang ako ng biglang may bolang tumama sa kamay ko na dahilan ng pabitaw ko sa cellphone ko at tumilapon ito sa semento.
“OMG! Gray!” Gulat na reaksyon ni Nizz habang ako naman dali-daling pinulot ang phone ko na as expected na basag ang screen, sa lakas ba naman ng pagkabagsag nito. Mas kinabahan ako ng hindi na ito bumukas. Wag naman pls! Kailangan ko to ngayon!
“Ms. We’re so sorry, si Kenzo kasi di sinalo ang bola” saad nung guy na nasa likod ko ngayon.
“What? Kasalanan ko bang binato mo saakin ang bola and isa pa buti nga yung phone lang ang tinamaan at hindi sya” paliwanag pa nung isang mayabang na alam ko na kung sino!
“Amph…guys alam ko din naman na di nyo sinasadya. I saw everything” saad ni Nizz sa kanila.
Agad ko naman silang hinarapa “Ayaw bumukas” qalang emosyon kong saad sa kanila.
“Then?” Agad nyang sagot saakin, sira ba ulo nito? O sadyang makapal lang talaga ang mukha?!.
“Bayaran mo” seryoso kong sagot sa kanya.
“Woah…kung gusto mo akong perahan, sorry pero wala kang makukuha saamin” natatawa nyang sabi saakin.
Ng sa sobrang inis ko ay para na akong sumabog at di ko na mapigilan ang sarili kong sapakin sya.
“What the! Gray! Stop it! We need to go” pag awat ni Nizz saakin hinila ako papalayo sa mga lalaking yun.
………
Nilalagyan ng benda ni Nizz yung kamay kong namamaga dahil sa pag sapak ko sa lalaking yun. “Gray, sana man lang inisip mo ang kakalabasan ng bago mo ginawa” Nagaalala nyang saad saakin.
“Tsk! Worried ka lang na baka masira ko yung pagmumukha ng Kenzo na yun” pranka ko.
“Gray, look may connection ang mga magulang ni Kenzo sa University and you’re a scholar. Anytime pwede ka nyang tangalan ng scholarship” paalala nya saakin.
“Subukan nya lang ang tangalan ng scholarship without any valid reason, ewan ko nalang sa kanya!” Angas kong sagot.
“Sinapak mo lang naman sya kanina Gray, yan o magang-maga ang kamao mo ano nalang kaya yung mukha ni Kenzo ngayon?” Saad nya saakin.
“Wala akong pake doon, ang problema ko ngayon ang phone, siguradong nag aalala na sila mama saakin ngayon dahil everyday akong tumatawag doon ng ganitong oras, malaki din ang tulong nung when it comes to my thesis project at higit sa lahat mahal na binili ng Tito ko ang phone na yun, pang whole college ko na nga yun gagamitin eh! Paano ko ngayon sasabihin sa Tito ko yan? Asan ako kukuha ng pera pangpalit doon?” Sermon ko sa kanya na natahimik naman saglit.
“Gray, i will just let you borrow my extra phone di ko naman yun masyadong ginagamit” saad nya saakin.
“Kaya stop worrying na” dagdag nya pa, buti nalang naging kaibigan ko to.
…………
Tahimik ang lahat ngayon habang nakikinig kay Prof. na naglelecture saamin habang nagtetake note ako ng mga importanteng impormasyon sa tinuturo nya ay may biglang kumatok sa main door ng room namin.
Si Kenzo, agad naman akong tinitigan ng mga kaklase ko at halatang parang alam ata nila na ako ang sadya nyan.
“Ms. Delgado, Mr. Falco wants to talk to you for a while” saad saakin ni Prof.
“But your still lecturing us Prof, can he just talk to me later?” Pagrarason ko sa Prof. namin.
“You can go now Ms. Delgado, I’m giving you an excuse now to go” saad nya naman saakin kaya wala kong choice kundi lumabas ng room.
At ngayong nasa labas na ako ng room ay nandito naman sya naghihintay pala.
“Balak mo pa talaga akong paghintayin. Sumunod ka saakin” seryoso nyang sabi at nagsimula ng maglakad.
“Mamang nakashades! Sa tingin mo talaga susunod ako sayo?” Seryoso ko namang tugon na nakatayo lang.
“Look! Kaya lang naman ako nagsuot ng shade dahil sa pagsapak mo saakin kahapon, naiintindihan mo at kung gusto mong manatili, makapagtapos sa University na to! Ang kailanganmo lang gawin ay ang sumunod saakin ngayon! Gusto mo rin na bayaran ko cellphone mo diba?” Pagtatanong nya saakin.
“Oo” agad kung sagot.
“Then let’s just make an agreement!” Agad nyang sagot at naglakad ulit.
“Kasunduan? Tungkol saan naman?” Agad kong tanong na sumusunod na ng lakad sa kanya ngayon. Pero di na sya sumagot.
“Nandito kami ngayon sa school yard ng campus at wala masyadong tao dito sa ngayon.
“I’ve seen your phone kahapon ang it’s quite expensive, kaya dapat sulit ang pagbayad ko if papalitan ko ng bago yun” sabi nya na nakaupo na sa fence.
“Sira ka nuh?! Sinira mo phone ko tas ngayon sasabihin mo na dapat sulit ang pagbayad mo doon?!” Galit kong saad sa kanya.
“Can you pls just calm down?! I’m still not finish talking!” Pagsusuplado nya din saakin kaya sungit ko nalang syang tinitigan.
“I have a proposal” seryoso nya ng saad.
Proposal? Ano bang pinagsasabi ng gunggung na to?! “Bat di mo nalang ako bayaran para matapos nato?! Hindi yung may pa proposal-proposal ka pang nalalaman!” Magkasalubong kong kilay na saad sa kanya.
“If you just didn’t punch my face, i think everything is easier for the two of us” Paliwanag nya saakin pero di na ako sumagot.
“O sige! Sige! Sabihin mo na kung anong proposal yan! Sinasayang mo oras ko!” Pagsangayon ko nalang sa kanya na nagkakamot ng ulo.
“Just be my girlfriend” agad nyang saad saakin.
“Ano!? Ano daw?!” Pagtatanong ko sa kanya ulit?! Nasisira na ba ulo nito?!.
“Are you deaf? I’m asking you to be my girlfriend” pag ulit nya sa sinabi nya.
“Gusto mo bang dagdagan ko yan blackeye mo? Gag*! Wala ka palang kwentang kausap! Nag sasayang lang ako ng oras sayo!” Sagot ko sa kanya at di na nagdalawang isip na umalis.
“20k salary every month at babayaran ko pa ng times two ang cellphone mo” agad nyang saad bago pa ako makalayo. Napahinto naman ako dahil sa sinabi nya. At lumapit sa kanya ulit.
“Ako ba pinaglololoko mo?” Inis kong tanong sa kanya.
“I’m offering you, you just have two choices here! Take it or leave it” pagpapapili nya saakin. Napatitig naman ako sa kanya na parang nagiisip ng sagot. Mukhang seryoso sya sa sinasabi nya.
“Okay, Ms. Demon. I mean Delgado, I’m giving you a chance to think, and i hope in the next time i ask you ay may sagot kana” dagdag nya pang paalala saakin.
“Paano kung ayaw ko?” Walang emosyon kong sagot.
“Tsk! Then you’ll have nothing” nakangisi nyang sagot saakin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top