MY POSSESSIVE BROTHER CHAPTER 4


MY POSSESSIVE BROTHER ( SEASON 2 )
CHAPTER 4
BREATHE’S P.O.V
Nakakainis talaga kahit kelan ang lalaking yun, hindi ko alam kung bakit palagi nalang syang sumusulpot sa tabi ko, dagdagan mo pa yung mga balyena nyang mga fans na parang mga clown, nakakatakot talaga ang mga yun.
Padabog na umuwi ako nang bahay ni tiyay, naabutan ko itong nagliligpit na nang mesa dahil wala na masyadong kumakain dahil hapon na.
“Oh, ba’t ganyan ang mukha mo? nakabusangot”, ani nya.
“Eh, sino ba ang hindi bubusangot kung masisira nang isang pakialamerong unggoy ang araw ko”, padabog kong ani at isinalampak ang katawan sa upuan.
“Hmm, and who’s that unlucky guy?”, nang aasar na tanong nya.
Tinaasan ko sya nang kilay.
“Anong unlucky tiyay? ang sabihin mo who’s that lucky guy. Aba! ang swerte nya yata sakin kung ako ang maging jowa nun, bukod sa masipag na, maganda pa pero never mangyayari na maging jowa ko yun”, ani ko.
“Hhahaha, mukhang malabo yata ang mata mo, hayaan mo at sasamahan kitang patingnan yan at para mapalitan na rin ang eyeglasses mo”, natatawang ani niya.
Sinimangutan ko na lamang ito at nagtuloy na sa kwarto para magpahinga.
Ilang beses na kaming nagkikita pero hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan nang gwapong lalaking yun.
Inaamin kong naguguwapuhan ako sa kanya pero nasobrahan naman yata sya sa hangin. Tsk!
MIKA’S P.O.V
Pansamantala akong nagbibake nang cookies nang dumating si yawn na parang lutang.
EH?
Anong nangyayari sa isang anak ko?
“Yawn”, tawag ko pero dire diretso lang ito sa loob.
“Son, yawn”, malakas kong sigaw. Gulat pa itong tumingin sakin.
“M-mom? kanina nyo pa po ba ako tinatawag?”, gulat pa ring tanong nya.
“Oo anak, kanina pa. Halika nga dito, ano bang nangyayari sayo?”, tanong ko.
Lumapit naman ito sakin.
“Mom, may isang nerdy student kasi dun sa school. I dont know pero i hate her”, tila batang nagsusumbong na ani nito.
“Hmm, maganda ba?”, tanong ko, tumaas naman ang kilay nya.
“Mom, may nerd bang maganda?”, inis nyang ani.
“Yawn anak, hindi lahat nang nerd ay panget at lalong hindi lahat nang naka eyeglasses ay nerd, malay mo kaya sya nagsusuot nang ganun dahil baka malabo ang mata nya o baka may deperensya sya sa mata”, tumango tango ito.
Mukhang naliwanagan naman ito sa sinabi ko.
“Oh, baka naman you’re inlove with her kaya ka nagkakaganyan?”, napangisi ako sa reaksyon nito.
Sobrang salubong talaga ang kilay nito.
“Yucks ako? mom, never. I have megan in my life, at walang makakalamang sa kanya sa puso ko”, ani nito.
“Hmmm, hindi natin masasabi yan anak. Ganyang ganyan din ako dati”, ani ko.
“Aytss, what ever mom. Basta, i will not fall for her”, pagdidiin nya sa sinabi nya at mabilis na umakyat sa kwarto.
Napakibit balikat nalang ako, binatang binata na nga talaga ang anak ko. Baka nga hindi magtagal may madadala nang babae yan dito.
Eh, saan pa ba magmamana kundi sa daddy nya. Mahirap magkaroon nang anak na gwapo, habulin masyado nang chix.
Tinapos ko ang pagbibake ko at hinatidan nang meryenda si yawn sa kwarto nya. Naabutan ko itong naglaloptop, nagpaalam akobsa kanya dahil tutungo pa ako sa opisina ni johann, alam kong gutom na yun kaya tamang tama ang pagbibake ko nang cookies.
YAWN’S P.O.V
“Oh, baka naman you’re inlove with her kaya ka nagkakaganyan?”
“Oh, baka naman you’re inlove with her kaya ka nagkakaganyan?”
“Oh, baka naman you’re inlove with her kaya ka nagkakaganyan?”
AHHHHHH SH*TTTT!!!!
Bakit ba nagpaulit ulit sa tenga ko ang sinabi ni mom. Never, hindi ako magkakagusto sa nerd na yun.
Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa loptop para tapusin ang report ko, hindi ako matalino sa science and biology lalong lalo na sa math pero sisikapin kong matuto dahil ayokong bumagsak.
Aytsss, bakit ko pa kasi nakilala ang nerd na yun, edi sana hindi ako lutang palagi.
Mabilis kong tinapos ang project at assignment ko at natulog.
KINAUMAGAHAN
HELLO TUESDAY!
Masaya akong bumangon at nagtungo sa banyo para maligo, matapos kong magbihis ay matagal kong tinitigan ang sarili ko sa salamin.
ANG GWAPO KO TALAGA!
“Good morning everyone”, bati ko sa kanilang lahat. Nasa hapag na sila at ako nalang ang kulang.
“Good morning son”, sabay na bati nila mom at dad.
“Good morning little twin”, bati ko kay princess na ikinakunot nang noo nito.
“Naligo ka pa? sana hindi ka nalang naligo kasi halos ipaligo mo na sa katawan mo ‘yang pabango mo”, singhal nito.
Inamoy ko ang sarili ko.
“Okay naman ah, hindi naman ako sobrang baho sa paningin mo diba?”, ani ko.
“Ewan ko nga sayo”, inis nyang ani.
Eh? anong nangyari sa isang to? bakit ang aga, ang init nang ulo.
“Maupo ka na apo at makapag almusal ka”, nakangiting ani ni manang.
Nagsimula na akong kumain habang sila mom at dad naman ay nagkukwentuhan.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at nagpaalam na sa kanila.
Dala ko ang kotse ko, nagtext sakin si megan na huwag ko nalang daw syang sunduin dahil napaaga ang pagpasok nya sa...


school.
Pagdating sa school ay ganun pa rin ang cycle. Pinagkakaguluhan na naman ako nang mga fans ko, sari saring papuri at kung ano ano pa.
Ang iba naman ay nagbibigay nang kung ano anong pagkain like chocolate, ulam, dessert etc.
Mabuti na lamang at nandyan ang dalawa kong matakaw na kaibigan, hindi naman maarte ang mga yun kaya sila ang kumakain sa mga pagkain na binibigay sakin.
Pagdating sa room ay sinalubong ako nang dalawang kupal.
“Bro, musta? okay ka na ba?”, natatawang tanong ni dark.
“Anong okay ka dyan?”, kunot noong tanong ko.
Alam kong mang aasar na naman to.
“Mukhang high na high ka kasi kahapon kaya naninigurado lang ako kung okay ka na ngayon”, natatawa pang ani niya.
“Shut up bro, im not in the mood right now. I need megan para gumanda ang mood ko”, ani ko.
“Yownnnn”, sabay nilang ani.
Sinamahan nila ako patungo sa room ni megan.
Dumaan muna ako sa canteen para bumili nang snacks nito, pagdating kobsa classroom nya ay nakaupo sya at masayang nakikipag usap sa mga kaibigan nya.
Tumili pa ang mga ito nang makita ako.
“Good morning ladies, Can I disturb you? I just want to borrow my future girlfriend”, nakangiting ani ko.
Kinikilig na tumayo naman si megan, ang ganda nya talaga.
Nakangiting lumapit ito sakin.
“Good morning, sunshine”, bati ko.
“Good morning, ang gwapo mo”, ani nya.
“Ikaw rin ang ganda mo, mas maganda ka pa sa umaga”, ani ko at ibinigay sa kanya ang dala kong foods.
“Thanks yawn, nag abala ka pa”, ani nya.
“Wala yun, basta para sayo kahit akyatin ko pa nang paulit ulit tong department nyo, hinding hindi ako mapapagod”
“Really?”, tanong nya.
“Of course, nga pala mamayang lunch susunduin ulit kita. Sabay tayong kakain, libre ko”, nanlaki ang mata nito sa sinabi ko.
“Wow, are u sure? paniguradong busog na naman ako nito”, natatawang ani nya.
“Yas, ayoko kasing ginugutom ang prinsesa ko”
Kanya kayang tilian ang umalingawngaw sa paligid. Pakiramdam ko lumulutang ako sa sobrang kilig.
Matapos kong hatiran nang snacks si megan ay dumiretso na kami sa classroom. Mukhang mamalasin na naman ang araw ko, panu ba naman kasi kaharap namin ang proff namin, at nakataas ang kilay nito.
Mukhang nalate yata kami at kami nalang tatlo ang inaantay.
“Good morning tres pasaway, buti naman at naisipan nyo pang pumasok. Do you know what time it is?”, nakapa meywang na ani nya.
“Its already 9 in the morning?”, sagot ko.
“Aba, And you have the guts to answer me mr. Legaspi?”
“Eh, sa nagtatanong kayo miss eh, edi sasagot”, pabalang kong ani.
Ano bang problema nito, parang araw araw may dalaw, palaging mainit ang ulo.
“Because you are late, all you have to do is to recite in front of them”, nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
“What? seriously miss?”, hindi makapaniwalang tanong ko at tumango naman ito.
“No one will sit if no one can answer my question correctly, do you understand?”, mahina ngunit may pagka seryoso nyang ani.
Wala kaming magawa kundi sundin ang gusto nito.
Una nitong tinawag si zeus na nasagot naman nito nang tama. Sunod si dark na nakasagot din.
“Good luck dre, you can do it”, natatawa pang ani ni dark at tinapik tapik ako sa braso.
Mga baliw!
“Now, your turn mr. legaspi. It’s all about ‘YOU’, turo nya sakin.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
“What do you mean?”, takang tanong ko.
“No more question, just answer my simple and straight forward question”, ani niya tsaka naglakad lakad sa gitna nang room.
“How do you defined a word LOVE”, diretsong tanong nya.
EH?
Sari saring kantiyawan ang naririnig ko sa paligid, ang pinaka malakas ay kila zeus at dark.
Ano nga ba ang love para sakin?
“Dre, para kay megan push mo na”, sigaw ni zeus na tatawa tawa.
Napangiti ako, tsaka tumingin nang diretso kay miss.
Iniimagine ko si megan, feel ko nandito sya ngayon at nakikita nya ako kung papaano sasagot sa tanong ni miss, dahil para sakin she is LOVE!
“For me Love is just a word until someone comes along and gives it meaning. Love for me is that you will feel happy when you are with her, your heart will beat spontaneously, as if the cycle of the world stops when you see her,—–“, napahinto ako sa sasabihin ko nang magtama ang mata namin ni nerd nang dumaan ito sa harap nang classroom namin.
“P-parang naging slow motion ang lahat”, hindi ko alam pero kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang yun.
Nabalik ako sa ulirat nang magpalakpakan ang mga kaklase ko, tiningnan ko sila at naghihiyawan sila. Isa lang ang bukambibig nila kundi si megan.
Ibinalik ko ang paningin ko sa labas nang pinto ngunit wala na roon si nerd, hindi ko alam pero parang may kung anong kumiliti sakin kanina nung makita ko sya at magtama ang paningin namin, tapos para akong nanghihinayang ngayong wala na sya.
No!
Stop yawn, dont fall for her! may megan ka na, sya lang dapat sa puso mo, sya lang.
— Blythe ✍






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top