By Twin_Luna
CHAPTER 2:
[ MAYA’S POV ]
PAGKATAPOS kong mahimasmasan kahapon dahil sa nakasisindak na isiniwalat ng anak ko about her so called ‘new teacher’. Kaagad kaming umuwi kahit hindi pa tuluyang nagsasara ang shop at dagsaan parin ang bumibili. Ipinaubaya ko na lamang sa assistant ko ang pamamahala kahit nanghihinayang ako dahil mas gusto ng mga suki naming customer na ako mismo ang gumawa ng flower arrangement para sa kanila. Dahil mas mahusay at maganda raw akong magrearrange at magdesign compared sa mga tauhan ko, and I’m very much flattered bcoz of it. Beauty and brain kaya ‘to! *Flipped hair*
But anyways, kaya nga dahil sa nangyari… Pagkarating na pagkarating sa bahay sermon kaagad ang inabot sa akin ng lukaret kong junakis, dahil nga bago nya lang sinabi ang lahat lumipas na ang isa’t kalahating araw. At dahil lunes na naman bukas at pasukan na, talagang sisiguraduhin kong magbabayad ang walang’yang lumapastangan sa kainosentehan ng baby girl ko!
And I’ll make sure na matatanggal sya sa pagiging guro at nang mapatalsik rin sya sa school. But wait a minute… Kaya lang ba sya naging isang teacher para malayang mangmolestiya ng kabataan? Gosh! How dare he?!
Kaya nga napapaisip rin ako kung bakit maraming nagiging lalaking guro sa school na pinapasukan ng anak ko eh. Pero marahil exception ang kamanyakan ng bagong teacher na’yon, dahil si Mr. Panot— este Dominador ay halatang matanda na talaga at palagi nga lang umiinit ang ulo, o dahil likas na mainitin lang talaga ang ulo dahil konsumisyon lagi ang inaabot sa mga estudyante nito. Iyon rin marahil ang dahilan kung bakit pinalitan na ang naging adviser ng anak ko. *Sighed*
Pero siguraduhin nya lang talaga na may maganda at katanggap-tanggap syang paliwanag kung bakit nya ginawa ang nakakakilabot na bagay na iyon sa walang kamuwang-muwang kong anak. At kung bakit nagawa pang ipagtanggol ng lukaret na Shianna ang magaling nitong teacher sa mga paratang ko rito.
Kesyo daw mabait ang new teacher nya at nagandahan lang daw talaga sa kanya kaya sya hinalikan at inalo-alo lamang daw sya nito kaya sya kinalong, etc. Arujusko! Lumalandi narin pala ang loka-loka. At kitam, natuto naring magsinungaling o magdahilan at sumagot-sagot dahil sa impluwensya ng mga classmates nya. And most of all, ng manyak nyang teacher! Na hindi ko alam ang pangalan dahil pake ko ba?! Sa ginawa nya lang ako may pakialam. Grrr!
(Fast forward…)
Ngayon kasalukuyan akong patungo sa classroom ng anak ko para sunduin ito at para narin komprontahin ang tinutukoy nitong teacher. Dahil kanina hindi ako ang naghatid dito dahil gusto ko ngang paghandaan ang pagkikita namin ng herodes na’yon at nang mapag-isipan ko rin kung paano ko sa kanya ipapamukha ang maling ginawa nya. At syempre naghanda rin naman ako ng bonga para sa sarili ko noh. Para naman hindi ako mapagkamalang chemay ng sarili kong anak.
So, like daughter like mother din at same pretty para walang may maipintas sa kanya ang herodes na’yon sakaling susugurin na niya ito.
(Pero iyon nga ba talaga ang tunay na dahilan?)
Kutya pa ng malandot kong konsensya na ikinairap ko na lamang sa kawalan. Hindi ko rin kasi mapigilang mapaisip sa huling sinabi sa akin ng aling maliit tungkol sa new teacher nito.
[ Flashback… ]
“Momma, hwag ka nang sad. And don’t be mad. If you want, kung naiinggit ka, I will tell to Teacher Gwapongpogi to kiss you also para pareho na tayong may second kiss. Para hindi ka narin galit sa kanya. *Pout**puppy eyes*”
At nagpaawa-effect pa talaga ang gaga!
“W-what did you say?!”
Nandidilat ang mga matang binalingan ko ito ng tingin pagkatapos kong ilapag ang kutsara sa plato ko, dahil kasalukuyan kaming kumakain ng mga sandaling iyon.
“Saan doon, Momma? That my teacher is so handsome?”
Kunwa’y anya pa at painosenteng sumubo ng hotdog na tumingin sa akin, kaya napaismid ako.
“Not that, hindi yun. ‘yong isa, yong… *Gulp* huli mong sin—”
“That I will tell him to kiss you also para pareho na tayong may—*Bwuarks!* EWW! Momma, you’r so kadiri talaga!”
Pagiinarte pa nito pagkatapos kong mabugahan ng iniinom kong juice. At agad pa itong nagtatarang na umalis sa kinaupuan habang hindi maipinta ang mukha.
“W-what did you say again?!”
Nandidilat at lumalaki ang butas ng ilong kong pag-uulit dito after kong mahimasmasan dahil sa sinabi nito. At gusto ko lang ipaulit rito ang kanyang sinabi dahil maaring nabingi lamang ako at namali ng pagkakadinig. Dahil hindi ko talaga inaasahan na ganito ang lumalabas sa bibig ng lukaret na Shianna.
Seriously?! Naisip nya talaga ang bagay na’yon? My goodness! Ano na bang nangyayari sa mga kabataan ngayon. *Padyak* Imba na talaga, forpete’sake! She’s just only six years old and turning to seven, at may ganito na kaagad na pag-iisip?!
“Momma, if you’re really jealous, you don’t have to be rude. I’m sure teacher Gwapongpogi will be glad if you want him to be your boyfriend.”
Pagkikibit balikat pa nito na ikinanganga ko na lang at parang gusto ko na namang himatayin sa pangalawang pagkakataong yun.
SERIOUSLY?!
[ End of flashback… ]
Nakabusangot tuloy ang mukha ko habang naglalakad sa hallway papuntang classroom ni Shianna pagkatapos kong maalala na naman ang tungkol sa pinag-usapan namin o mas tamang sabihing pang-aasar sa akin ng lukaret kong anak. At nagawa pa talaga nitong mambuyo at ipagtanggol ang hinayupak na teacher nito. At kung hindi ko lang anak ang loka-lokang yun, tuluyan ko na sana syang nabigwasan. Kaloka!
“Hi, Miss Maya! Ang ganda natin ah,”
Pambobola pa ng isang guro na matagal ko nang palaging nakakasalubong sa hallway. Hmp! I know right, and besides matagal ko nang alam yan noh, *flipped hair* at wala akong ibang ginawa kundi ang ngitian lamang ito habang nagpatuloy sa paglalakad.
(Mahirap nang makipagplastikan noh, magsasayang lang ako ng laway)
Malditang saad pa ng konsensya ko. At maya-maya pa marami na akong nakakasalubong na mga estudyante dito sa hallway na nagtatakbuhan dahil mukhang tapos na nga ang kani-kanya nilang klase. At kung bakit ’til now hindi parin ako nakakarating sa classroom na sinasabi ko, it’s bcoz malawak ang field at hallways ng mga buildings dito sa private school na pinapasukan ni Shianna. And even she’s just six, she’s now a grade 2 student here. And she’s accelerated. Halata naman kasi sa kadaldalan nya eh.
At bago pa nga ako tuluyang makarating marami ring bumati sa akin at pumuna sa kagandahan kong taglay. Iba na talaga pag-Diyosa!
Kasalukuyan din kasi ako ngayong nakasuot ng cottony dress na kulay orange like doon sa suot ni JC Mendiola sa ‘The girl in the orange dress’ not sure if that’s really the title, and pinarisan ko iyon ng flat shoes and red sling bag. Uhmp, nevermind!
Nang akmang hahagilapin ko na si Shianna sa kanyang classroom ng makarating, bigla nalang nagtakbuhan ang mga bata palabas ng room nila at dahil nasa bandang entrance ako ng pinto, walang pakialam ang mga batang basta na lamang akong binangga na akala mo’y kinuyog ako ng maraming fans! Gosh!
At dahil sa dami nila at sa sunod-sunod na paglabas at takbo ng mga ito hinanda ko na ang aking pang-upo sa akma kong pagbagsak dahil sa pagtabig nang mga ito sa akin.
“Ohmygos— CAREFUL, LADY.”
Kagat ang labi habang nakapikit, unti-unti kong idinilat ang aking mga mata nang wala akong maramdamang sakit sa aking balakang at naramdaman ko nalang na parang nakalutang ako. At dahil rin sa boses na aking narinig kaya ako napadilat bigla ng aking mga mata kasabay nun ang bahagyang pag-awang ng aking mga labi. (Oh goodness! What’a beautiful creature!)
Kasalukuyan ako ngayong titig na titig sa mukha ng gwapong lalaking sya palang sumalo sa akin bago pa ako tuluyang bumagsak. At halos maduling ako dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin kaya sandali akong napatikhim pagkatapos kong kapitan ang bandang pang-upo ko kung saan ang garter ng underwear ko naroroon dahil baka bigla na lamang itong lumuwang at mahulog. #kilignessoverloadmgabesh!
“Ehem,”
Pagtikhim din nito nang hindi kaagad ako nakahuma dahil inaalisa ko pa ang kabuohan ng mukha nito.
“Oh, sorry/Sorry for that,”
Magkapanabay pang sambit namin pagkatapos ako nitong itayo ng maayos.
(Gosh so embarrassing!)
Ang gwapo naman kasi talaga eh… Medyo brusko nga lang ang dating dahil sa tumutubong balbas at bigote nito. And he’s also kinda hunk, nang tuluyan ko ring masilayan ang kabuohan nito. *Gulp* Kaya sandali akong napaiwas ng tingin dito dahil sa hiya at inilibot ang aking paningin na kunwa’y may hinahanap pero talagang hinahanap ko nang mga sandaling yun ang anak kong mukhang kung saan-saan na ngayon nagsususuot.
“Are you looking for someone?”
Untag nito sa biglaan kong pananahimik.
(Ang ackward kasi eh, promise.)
Wala akong masabi dahil bigla talaga akong nahiya dahil sa ginawa kong pagtitig dito. *Lip bite*
“Ahm…”
Sandali kong inayos ang nagulo kong bangs bago ito hinarap.
*Deep breathe*
“Oh, about the manners of the kids awhile ago. Sorry for that, talagang hindi lang mapagsabihan ang mga yun at matitigas ang ulo.”
Naiiling na aniya pa habang napapakamot sa sariling batok. *Gulp* Is he not aware na tila nang-aakit ang...