Laking gulat ni Jera ng makita roon ang lalakeng pinatakas niya.
.
Jeralene : Oh my God!!!Bakit nandiyan ka, anong ginagawa mo dito? Bakit diyan ka nagtatago? Baka makita ka ni Drake, mapapatay ka nun!!
.
Labis ang pagaalala ni Jera, kung nagkataon daw na malaman ni Drake na naroon ang lalake, mapapatay daw siya ni Drake.
.
Jojo : ssshhh..wag kang maingay baka marinig ka ng asawa mo.
Jeralene : nasa baba yun, at saka hindi ko asawa yun..(paliwanag agad niya)
Jojo : hindi ko kasi kayang umalis kagabi, hinang hina ako. May mga bantay sa gate, hindi ko pa kayang lumaban sa kanila, at saka hindi ko kayang lumangoy sa dagat, tiyak na mahuhuli nila ako, dahil nangangalog pa ang mga tuhod ko, ilang araw na akong hindi pinapakain(pilit na tumayo at lalabas sa cabinet)
Jeralene : huwag kang lumabas, kasi parehas tayong malilintikan kay drake pag nalaman na nandito ka sa kwarto ko. Diyan ka lang sa closet.
Jojo : kailangan ko ng tulong mo, nagugutom ako.
Jeralene : sige, gagawa ako ng paraan para makakuha ng pagkain mo, sige bababa na ako, at baka mainip si drake sa paghihintay sakin eh umakyat pa dito yun, basta wag kang lalabas diyan.
Jojo ; sige salamat.
.
At bumaba na nga si Jera, nagkaroon na naman siya ng alalahanin, buong akala niya ay nakalayo na ang lalakeng tinulungan niyang makawala sa pagkakadena, hindi naman pala at nandoon pa na kasama niya sa kwarto..
.
Jeralene : Diyos ko tulungan mo po ako, ilayo mo kami sa kapahamakang ito..(dasal niya habang pababa ng hagdan)
Drake : sweetheart, ok ka lang ba, bakit pa napapangiwi ka pa diyan at bakit napapapikit kapa??
.
Ngunit di niya napansin si Drake..
.
Drake : sweerheart!!(malakas na sabi)
Jeralene : Ay kalabaw!! (laking gulat niya ng nasa harap na pala niya si drake) ah eh, masakit kasi yong tiyan ko, mukang sinusumpong yong ulcer ko, pwede bang mamayang hapon nalang tayo mamasyal, gusto ko munang ipahinga itong nararamdaman ko.
Drake : ganun ba, sige pwede naman, ipacheck-up kaya natin yang tiyan mo, para makainum ka ng gamot.
Jeralene : ah, hindi na ikakain ko na lang ito ng marami saka ako iinum ng gatas, baka sakaling mawala din..siya nga pala pwedeng sa kwarto na lang ako kakain, para pagkakain ko, matutulog ako, okay lang ba?
Drake : oo naman.
Jeralene : salamat ha, pasensiya kana hindi tayo makakapamasyal.
Drake : ano bang gusto mong ulam mamaya, at bibili ako ng isda sa magsasariwa anong gusto mong isda? At ako na lang muna ang magluluto ng tanghalian natin.
Jeralene : ikaw na ang bahala, kahit ano okay lang sakin, sige kukuha na ako ng pagkain ko at gatas.
Drake : sige!
.
At mabilis na kumuha ng pagkain si Jera at nagtimpla ng isang basong gatas. At pumunta na sya agad sa kwarto. Pagkapasok niya sa kwarto ay inilock na agad niya ang pinto para hindi agad makakapasok si drake sa kwarto niya, at kinatok niya sa may cabinet si jojo.
.
Jeralene : lumabas ka na eto may pagkain na dito, kumain ka na.(mahinang sabi niya)
.
At agad lumabas si Jojo, kinuha na niya agad ang pagkain at ito ay kumain na, nakatingin lang si Jera sa gutom na gutom na lalake at malalaki ang subo at panay pa ang subo, tila galing sa giyera sa sobrang gutom.
.
Jeralene : delikado ang lagay mo dito, lalo na at nandito si drake, kahit wala na si George hindi ka pa din ligtas, pati ako mapapatay ni drake.
.
Jojo : pasensiya ka na pati ikaw nadamay, huwag kang mag-alala ilang araw lang naman akong magpapahinga dito aalis na din ako. Pwede ko bang mahiram yong celpon mo, makikitawag lang ako,.
Jeralene : diyan kita hindi matutulungan, wala sakin yong celpon ko na kay drake, buhat kasi nung dalin ako ni drake dito hindi na pinahawak yong bag ko sakin, nanduon yong celpon ko.
Jojo :(napatingin si Jojo kay Jera at nagtaka) ganun ba? Bakit naman? Kidnap victim ka din ba??
Jeralene : iba yong kaso namin ni Drake, magnobyo kami, nakipaghiwalay ako sa kanya, dahil sa nakikita kong ugali sa kanya. Ang idinahilan ko lang sa kanya na ayaw ko sa pambabalewala niya kaya ako nakipagkalas sa kanya, nakakatakot kasi yong ugali niya moody. Minsan malambing, minsan naman mainitin ang ulo, pala-away..kaya sa galit niya ng makipagkalas ako sa kanya, heto ako, nandito sa kung saang lupalop. ginagamitan ko lang siya ng diplomasya para hindi ituloy ang masamang balak sakin, kaya ito ako hindi ko din alam kung paano ko siya matatakasan, kung sakaling hindi ko siya matakasan talagang ganun, kailangan kong tanggapin na makasal na lang sa kanya..pero sabi naman niya pag nakasal kami. Babaguhin na niya ang ugali niya,(malunglot niyang sabi)
Jojo : (nakadama din ng awa si Jojo sa babae) ganun ba? Nakakasiguro ka ba na pag nagpakasal kayo eh babaguhin niya yong ugali niya?
Jeralene : (hindi agad nakakibo, nagkibit balikat lang) E-ewan ko, sana!! Saka ko na iisipin yun, ikaw ang problema, kailangang lumakas ka agad at yang mga sugat mo, kailangang malinis yan, baka maimpeksiyon yan..
Jojo : (napabuntong hininga nalang) sobrang mapanganib ang mga angkan niyan.. salamat at napakabuti mo..utang ko sayo ang buhay ko..hanga ako sa katapangan mo..
Jeralene ; wala yun..hanggang sa abot ng aking makakaya tutulong ako sa mga nangangailangan ng tulong,.basta siguraduhin mong pag nasa loob ka ng cabinet at pag nandito si Drake ay hindi ka gagawa ng ingay.
Jojo : oo salamat!!(at tuloy padin sa pagkain)
.
Nakamasid lang ang dalaga sa binata, at kahit na puno ng pasa sa mukha at mata ng binata ay naaaninag parin ang simpatikong anyo, may gwapong itsura din ito, kung hindi lang ito bahagyang pumayat dahil sa pahirap sa kanya, ay may kakisigan din ang binata.
.
Jeralene : siya nga pala, may banyo dito. Pwede kang maligo, kung gusto mo, sisimple nalang ako ng kuha sa damit ni drake mamaya, at yayayain kong mamasyal si Drake para makakilos ka ng maayos dito.
Jojo : sige mas maganda yan, pero...