BEWARE THAT GIRL CHAPTER #11


Pagkatapos naming pag-usapan ang gaganapin daw na masquerade party next week kailangan daw na nandon kami. Nandon kasi ang mga bigatin na mga tao dahil ipakilala niya daw kami nito ng ninong niya. Dumiritso na kami sa apartment namin kumbaga magkapitbahay lang kami ni Parker dahil nasa tapat lang naman nito ang apartment niya.
“ Kumusta na kaya si Lucas? Matatandaan pa kaya niya ako?” tanong nito sa sarili habang papasok sa kanyang silid. Childhood friend kasi niya si Lucas, napakabait kasi nito at protective. Kaya lang nang mabalitaan niyang naaksidente ito sa isang car accident. Hindi na niya uli ito nakita. Hinanap niya rin ito kung saan nakatira o anong nangyari pagkatapos ng aksidente pero hindi parin niya ito nahanap. Hindi naman kasi ganun si Lucas na umalis na walang nakakaalam. Ang sabi-sabi kasi ng mga taong nakatira doon dinala daw sa states si Lucas pero wala naman siyang passport copy sa kung saang airport ito sumakay. Kaya hindi siya naniniwala na dinala ito sa states.
“ Hay” sabi nito saka humikab dinalaw na kasi siya nang antok.
“ Sweetie anong gusto mong bilhin” tanong ng isang lalaking nasa 30s na gulang nito.
“ Daddy usto ko nang stuff toys iyon oh” turo ng batang babae habang hawak-hawak ang isang lollipop.
“ Sweetie anong gusto mong kulay pink o blue” usisa ng asawa nito. Habang hawak ang isang kamay ng batang babae.
Imbis tumingin ang bata sa kausap.. naagaw ang atensiyon niya sa….
Bang!!!! Bang!!!!! Bang!!!!


/> Sunod-sunod na putok ng baril.
“ Mommy…Daddy….hu! hu! hu! ” iyak ng batang babae habang nakahandusay ang ina sa sahig na naligo sa sariling dugo.
Agad siyang inakay ng ama sa isang madilim na lugar. Umiiyak parin ito dahil sa nasaksihan kanina. Kahit wala pang alam ang bata sa nangyayari tanging iyak na lang ang nagawa nito.
“ Sweetie, listen you stay here babalikan ka ni daddy” hingal na pagkasabi ng ama.
“ But dad, iwan mo ako dito? hu! hu! hu!” tanong nito umiiyak parin ito dahil gusto niyang sumama sa ama.
Hindi na tumugon ang ama agad itong umalis. Walang pang isang hakbang nang…..
Bang!!! Bang!!!
Natulala ang bata nang makita ang ama na nakahandusay sa semento at naligo sa sariling dugo. Biglang may likidong umagos sa magkabilang pisngi ng bata kasabay ng malakas na pag-iyak at hikbi nito.
D-a–dd–y!!!! Sigaw nito sa kawalan habang umiiyak parin.
***
Nalabalikwas ng bangon si Jasmin. Hindi niya pala namalayan na nakatulog na pala siya.
“ Daddy!!!!” malakas na sigaw nito habang pinapawisan ang buong katawan.
Panaginip lang pala akala ko totoo. Bakit ba palagi ko na lang napapanaginipan yun? Wala namang sinabi si tita na namatay ang mga magulang ko sa isang barilan. Ang sabi kasi niya na aksidente daw ang mga magulang ko dahil bumangga daw ang minamanehong sasakyan ng daddy ko at tanging ako lang daw ang na buhay. Totoo kaya ang sinabi ni tita o di kaya nagsisinungaling siya sa akin?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top