LoVe Struck Chapter 2


Kinaumagahan ay sabay nang nag aral si Brian at Jolly. Pagkarating nila sa gate ay naghihintay doon ang kaibigan ni Jolly na si stephanie.
Nyakap nya sa braso si Jolly at sila na ang nag sabay na maglakad kasi sa kabilang building ang room nina Brian.
“Alamo naiinis ako sa usap usapan sa classroom natin” inis na sabi Stephanie.
“O anong usap usapan?”
” Usap usapan kaya ka raw top one sa klase natin kasi binabayaran daw ng mga magulang mo ang mga grades mo. Si Jannah daw ang dapat na top one. Top two lang naman sya sa klase.” Inis na nag kuwento si Stephanie.
“Hayaan mona alamo namang hindi totoo yun diba.”
“Oo naniniwala ako sayo. Ako nga kahit sabihin ko sa papa. Hindi nya yun gagawin. Kaya naniniwala sa rumors na yan”
Nasa loob na sila ng classroom. Marami parin ang nagbubolongan.
Hindi parin nila yun pinansin.
Nang lunch time na ay kumakain na sila sa canten.
Nahihiyang ilabas ni Janna ang baon nya kasi itlog lang ang ulam nya. Samantalang ung iba omoorder nalang sa canteen.
Lalabas na sana si Janna para doon na kakain sa classroom nila pero hindi inaasahan ni Jolly na mababangga nya si Janna kaya ang baon lunch box ni Janna ay nahulog at natapon ang laman.
Hiyang hiya naman si Janna dahil pinagtitinginan na sya ng mga studeyante sa kanten.
“Ano masaya kana na ipahiya mo ako dito sa kanten?” Naiinis na sabi ni Janna
“Pasinsya na… Diko sinasadya. Im sorry”
“Alam kung sinadya mo yun. Para ipahiya mo ako. ”
Inis na sabi ni Janna at sinabunotan nya si Jolly.
“Aray!” Sigaw ni Jolly pero nanlaban din si Jolly at nagsabunotan silang dalawa.
Inaawat naman sila ni Stephanie.
“Tama na.” Pang aawat sa kanila ni Stephanie.
Matapos ang sabunotang naganap ay nasa office silang dalawa. At pinapagalitan ng principal.
“Mga top honor pa naman kayo. Bakit ba nag aaway kayong dLawa?”
“Eh kasi po pinahiya nya po ako sa kanten di purket mayaman sya. Pinapahiya nya ang mga katulad kong mahirap. ”
” Hindi ko naman talaga sinasadya yun. Nagsorry naman ako sayo diba. ”
“O ayon naman pala nag sorry naman sya. ” Sabi ng prinsipal
“Bakit maibabalik ba ang natapon kong baon sa pagsosorry nya .di ba hindi. Kaya diko kailangan ng sorry nya.”
” Masama yan Janna. Pag nagsorry ung tao kailangan mapatawad mo.”
“Bakit ako yung masama dito. Ako na nga yung biktima dito ako pa ung masama. Bakit dahil ba mahirap lang ko at sya mayaman kaya sya yung kinakampihan nyo.” Galit na sabi ni Janna.
“Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa. Bumalik na kayo sa mga class room nyo at ayaw ko nang maulit pa ang away na ito.” Sabi ng principal.
Hindi nagtagal ay nasa class room na sila. Kasama na ni Jolly ang bestfriend nyang si Stephanie.
“Nakakainis talaga ang Janna na yan. mg kitid ng utak nya. ”
“Hayaan mo na . ”
“Kung ako sayo. Isumbong mo sa kuya mong gwapo para maturuan nya ng likson ang babaing yun. ”


/> “Wag na baka magka gulo lang.”
Hindi nagtagal ay nasa mansyon na silang magkapated hinihintay ang mga magulang nila dahil hindi pa sila dumarating.
Naka abang sa pinto si Jolly. Nakatingin lang sa pagbuhos ng ulan.
“Ang lakas ng ulan. Hindi pa umoowi si Mama at Papa.” Malungkot na sabi ni Jolly.
Lumapit naman sa kaniya ang kuya nyang si Brian.
” Kanina pa umuulan. Kailan kaya titigil ang ulan? ”
Nakaisip ng Idea si Jolly at hinila nya sa labas ng mansyon ang kuya nya para maligo sa ulan.
“Ano ba ang ginagawa mo Jolly nababasa na tayo sa ulan. ” Rekalamo ni Brian sa kapated.
“Habang wala pa sina papa at Mama maglaro mona tayo sa ulan.”
“Napaka isip bata mo talaga kahit kailan. Pero sigi na nga mukhang masayang mag laro sa ulan.”
Naglaro nalang sila sa ulan habang hinihintay ang mga magulang nila.
Hindi nagtagal ay dumating na ang kutse ng papa nila.
“Bakit ba kayo naglalaro sa ulan. Sumilong na kayo baka magkasakit kayo. ”
“Hinila po ako ni Jolly na magpabasa ng ulan. ” pagsusumbong ni Brian.
“Ikaw talaga kuya nanlalalag lag ka eh. . Enjoy na enjoy ka naman sa paglalaro sa ulan. ”
“Tama na yang bangayan nyo hito ang mga tuwalya at magpatuyo kayo” sabi ng mama nila.
Matapos silang mag palit ng damit ay nasa sala na sila at ipinagtimpla sila ng mama nila ng gatas.
Pariho silang giniginaw.
“Yan ang sinasabi ko sa inyo ayan. giniginaw na kayong dalawa.” Pagsesermon sa kanila ng mama nila.
“Sorry na po Mama. . Hindi na ho kami uulit mag laro ng ulan. ”
“Ayan mag gatas kayo para mawala yang mga ginaw nyo. ”
“Salamat po Mama”
Matapos silang kumain ng dinner ay nasa loob na si Jolly sa kwarto nya. Hindi sya makatulog kaya naisip nya na pumunta sa kwarto ng mama at papa nya.
” Bakit anak?” Sabi ni Juliana ng mapansing pumasok doon ang anak nyang si Jolly.
“Hindi po ako makatulog”
“Halika tumabi kanalang saamin ng papa mo. ”
“Dalaga na ang anak mo. Wag monang binibaby. ” Pagrereklamo ni Bernardo.
“Hindi daw makatulog ang princisa mo. Kaya dito mona sya matutulog ngayong gabi lang naman.”
Masayang tumabi sa kanila si Jolly at nyakap ng mahigpit ang Mama nya.
Mayat maya ay pumasok din si Brian.
“Mama hindi rin ako makatulog. ”
“Pati din ikaw. Binata kana. Brian.” Pagrereklamo ng papa nila.
“PAPA naman napaka unfair naman. Pinatabi nyo si Jolly pero ako hindi. ”
“Sigi na anak, halika na wag monang intindihin ang papa nyo. Tabi tabi tabi na tayong matulog”
“Si kuya Talaga… Gaya gaya”
“Anong gaya gaya. Hindi ako gaya gaya.”
“Wag na kayong magtalo. Matulog nalang tayo”
“Good night po. Mama good night po Papa.”
“Good night din mga anak. Tulog na kayo.”
Natulog na silang magkakatabi sa higahan.
To be continue.
Hello po. . Nagustuhan nyo po ba ang kwentong ito?
Kung napapangitan kayo. Wag ko nalang ituloy.
Sana mag like at mag comment po kayo para po ma inspired po akong mag update.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top