MEANT TO BE? Chapter 60


Nangingiti si Ace habang nakatitig pa rin sa di na mapakaling mukha ng iniisip nyang asawa.
Minsan nagnanakaw itong sumulyap sa gawi nya at ibinababa o ibinabaling kapag nahuhuli nya. .
Kinikilig tuloy sya..
Tiningnan nya ang triplets na nakahilira na sa iba pang kalahok.. “Hmp! Sadyang Iba ang charms ng mga babies ko..”
“Tama ka nga sweetie, nagkabreeding ka sa akin at ako sayo. Ganda ng blending ng breeding natin..” parang kinikiliti sya, nakalimutan nya tuloy ang byenan. Agad nya itong tinawagan
Na maghintay lamang ito ng ilang sandali…pero nakinood na rin naman ito mula sa kung anong maabot ng tanaw sa nagaganap na program.
Hindi nya alam kung ipagtatapat na rin ba dito ang lahat ng nalaman nya.
“Ah..manang dito na ba kayo tumutuloy?
Pwede po akong suma-… Naputol ang kanyang sasabihin ng makita ang kanyang ama? Kasama ng isang lalaki. Papunta ang mga ito sa stage.
” Well guys andito na ang ating pangunahing bisita sa event na ito. Actually hindi natin to inaasahan, nagkataong may meeting ang ating mga panauhing pandangal at ito tinunton ang event natin.
Let’s all welcome and give them a round of applause! Cong. KHIRO BERNARDO and Gov. EDWIN LACSON.
Napaigtad at napakurap kurap si Aneth ng marinig ang huling binanggit ng host. umalingawngaw sa teynga nya ang LACSON na parang lason at nagpaulit ulit na sa diwa nya.
Di iyon lumampas sa senses ni Ace.
“How about that huh!? ” bulong sa hangin ni Ace habang lihim lang na nakatitig sa iniirog.
At matapos ang pagpapakilala uli ng mga babies na kalahok. May bet na syempre ang congressman. At tinanong din nya ang kasamang Governor kung sino naman ang bet nito without telling his.
At napangiti sya dahil parehas sila ng napusuan. Pero syempre sa boto nakasalalay ang mananalo.
Kasalukuyang tinatawag na ang top 5 na may magkakasunod na matataas na votes at naroon ang isa sa may pinakamaraming votes na ika crown bilang “the cutest baby /babies in town ” after.
Natawag na ang apat sa out of 15 contestants na mga babies na kasali sa top 5.
Pigil hininga ang dalawang VIP kung pareho ba silang mabibigo at di makukuha ang bet nila.
Pati si Aneth at Ace, si Didang at mga supporters ng triplets kabadong kabado at di maiwasang malungkot at madismaya.. Pero naroon pa rin ang pag asa na makukuha pa ang bet nila…
“And now to fill the last spot. Sinong bet nyo guys?” Sigawan ang lahat pero syempre iba iba ang bet na sinisigaw.
” Joining the top 5 five finalist to be the” cutest babies in town ” we may call on……
Tsan tsararan… The two little business tycoons and the little princess in pink! The best of Aneth’s triplets!!!! Malakas na sigaw ng host na nagpalakas lalo ng hiyawan at palakpakan ng mga audience at supporters ng mga triplets.
Tumatawa pa ang tatlong sanggol na tila alam ang nangyayari.. Na sa wakas naisama pa sila..
Halos mahulog na ang puso ni Ace. Tagaktak ang mga butil butil na luha habang walang mintis sa pagpalakpak para sa kinikilalang mga anak..
Masayang masaya din si Aneth..
At ang dalawang VIP naman ay di mawari ang kakaibang naramdaman ng malapitan ang mga triplets. Na pareho nilang bet.. Kanya kanya sila ng kuha tag iisa nilang inabot at kinarga ang dalawang lalaki. Na nakakagigil ang ngiting ipinukol sa kanila.. Parang pinipiga ang kanilang mga puso.
Sabay pa nila itong hinagkan at niyakap.
Kahit sila ay di maipaliwanag ang saya habang hawak hawak ang dalawang poging pogi na mga bubwet.
Ang lulusog pa man din nakakagigil.
Nagbiro pa ang Gov. Kung pwede nyang dalhin sa bahay at hiramin. Natawa ang mga bakla at si Aneth ay nakayuko lang.. May iba kasi syang naramdaman habang nagsasalita ang ginoo..
At patango tango lang syang wala sa sarili habang nakayuko..
“Talaga. Papayag kang hiramin ko to, tatlo talaga silang hihiramin ko.” nangingiting pahayag ng Gov.
Tsaka pa sya natauhan.
“Po? Ah.. Hehe.. Hindi ko po narinig maayos nong una e.. Hehe. Ahm.. Pag iisipan ko po.”
“Di joke lang.. Pero parang ang sarap sa pakiramdam makasama sila.”
“At uunahan mo pa ako. ” sabat naman ni
Cong. Khiro.
“Ah. Hahahaha.. Kailan pa tayo nagkaganito sa mga ganitong bagay. Hahaha.. Kakatuwa.”
Actually may isang apo na ako pero mas cute to kasi mga sanggol pa. At pogi talaga, kamukha nong panganay ko nong baby pa. ” biglang may kung anong sumagi sa isip ng Gov. Na ipinagwalang bahala nya na lamang.
Gustong gusto nang lumapit ni Ace..” Hindi.. Lalapit na talaga ako bahala na. Ah. Hindi pa pwede.. Hindi.. Ahh.. Gustong gusto ko na silang lapitan! Hintay ng timing Ace! .” hooh!” tsk.. Tsk.. ”
At nang nakahilira na ang 5 finalist bitbit ng mga guardians nila. Ay binigay na ang kanilang mga gifts at mga sas. At silang lima ay may gift tour to EK with their guardians..
At libre lahat!. Hiyaw hiyawan ang mga audience.
At nang i a announce na ang mananalo.
Panatag na si Aneth ayaw nyang mag expect ng kahit ano pa...


man. Mahal na mahal nya ang kanyang tatlong bubwet.. Kahit di sila manalo.. Panalo sila sa puso nya.
Sa higit siyam na buwang dinala nya sila sa kanyang sinapupunan.. Na di akalaing mairaraos dahil hindi naging madali ang lahat lalo na sa kalagayan nyang kumakapa sa dilim nang walang maalala ng kahit ano sa memorya.
Sa oras na sobrang hirap hapdi na ng dinanas nya sa loob ng delivery room.. Nanalig lang sya. Ipinaubaya ang lahat sa Itaas sapagkat kung ano man ang mangyari sa kanya. Siya lang ang nakakaalam. At kung ano man ang kanyang patutunguhan.
Kung mawala man sya at magapi sa oras na mailuwal nya ng safe ang mga anak ay tatanggapin nya.. At ang makita pa ang puting kisame pagmulat at narinig ang uha ng mga supling .
Sadyang walang kasing buti ng Diyos.. Umasa lamang sa kanya, manalangin at ikay didinggin. Tanda nyang naiusal ng isip nya ng mga sandaling yon.
Isang buga sa hangin.. Tsaka sya ngumiti at hinalikan ang babaeng anak.
At pag angat nya ng kanyang paningin..
Ayon na naman nakatitig ang lalaking may mga matang nag niningning.
“Haisst… “Naibulong nya.
” Guys!! Ang mananalo ay bibigyan ng 30k ng walang kupas sa gwapo at butihing Congressman. Wow na wow..! Thank you. Cong.
Nagkibit balikat lang ang Cong. KHIRO at nag “you’re all welcome guys! Binola pa talaga ako.
” Excuse muna Gov. Susunduin ko ang asawa ko.. Papunta na dito.”
” Oh sure take your time, sayang yong asawa ko kasi for recovery pa from her accident”
“Oh.. Send my regards.. Sige.. ”
So now.. Ready na ba.. Ready na ready na!!!
Ready na kayong malaman kung sino ang pinakacute, pinaka nakakagigil, pinaka cute ang smile, ang lovable, huggable babies in town with incandescent appeals!!!
Here we go guys!!! Di na natin patatagalin.
Our “cutest baby/ babies in town ” are the best of Aneth’s triplets!! ”
” The two little business tycoons and the little princess in pink!”
Nagsitayuan ang mga audience.. At masigabong palakapakan para sa tatlong nahirang. Ang tamis ng mga ngiti ng tatlo.parang alam nila talaga ang nangyayari nagkakatinginan pa sila habang nilalagyan ng munting korona ang buhok ng babae at ang lalaki ay binigyan ng tila wand/baston. Na parang hari..
Tsaka sila nag picture taking… Matapos iabot ang prize nila at certificate og recognition at ng gift packs.. Na may groceries items check worth of 10k, Tour sa Ek, gift certificate for moose gear kids apparel worth of 10k..at toys gift cert. Worth of 10k.at ang cash na 30k na bigay ng Congressman.
“Whoah!! Nanalo ang manok ko!! ” Sigaw ni Cong. KHIRO BERNARDO kasama na ang asawa nito na si Atty. CARLA MADRIGAL.
Tuwang tuwa ang tatlo dahil may mga audience pang nagbigay ng kanilang mga regalo. Yong mga supporters nila pag laruan, di na nila binibitawan.. Tumalikod si Aneth, dahil nag uunahan na ang kanyang mga luha.. Hanggang pilit na nyang pinigilan dahil nag picture taking na sila uli kasama ng 2 VIP.. Ang congressman at ng Gov..at ni Atty. CARLA. Inakbayan pa sya nito at niyakap upang batiin sa pagkapanalo ng mga anak.
Nagulat naman si Gov. EDWIN ng bumungad si Ace sa harap nya.
Pa?
Son? Andito ka?
Di na nya kaya.Binulungan nya ang kanyang papa . At matapos non ay ito na ang gumawa ng paraan para makalapit si Ace sa triplets. Matapos syang ipakilala sa congressman at sa asawa nito.
Dahil ang mga tao ay kanya kanya na ng papicture sa gitna.. Di na namalayan ni Aneth na si Ace na pala ang may hawak ng isa pa nyang lalaking kambal na si Austin. Maloko ito at mas malaki ang katawan kesa sa dalawa. Ang hilog nitong mag smirk..
Kinabog na si Aneth.. Dahil magkatabi na sila ng lalaking pinapanood lang sila kanina.
Hanggang sa nagkadikit na ang mga balat nila habang hawak niya ang baby girl na si Ayana at nangingiti ng pilit para sa mga kumukuha ng picture.
Lalo na ng nagsabay silang napatingin sa isat isa.. Kay tamis ng ngiti ni Ace na ginawad sa kanya, ngunit agad syang Yumuko dahil nahihiya sya sa kanyang itsura.
Lumapit naman si Gov. Edwin karga karga si Alvin na isa pang cute na cute din. Di ito kasing laki ng katawan ni Austin pero ang amo ng mukha nito. Sa totoo lang hindi sila identical triplets dahil may features sila na nakakapag distinguish sa bawat isa.
She’s so cute.. ” wika ni Ace na pinisil pa ang pisngi ni Ayana. Habang karga ni Aneth. Sinusulyapan nya pa ang ina nito.. Napangiti lang ito ng pilit.
Pasiko siko naman ang papa ni Ace sa kanya na tumingin sila sa camera dahil nag utos itong kunan silang tatlo habang bitbit ang triplets.
Ang ganda ng pagkakakuha sa kanila, pero nakayuko si Aneth.
Napakurap kurap si Ace.. Awang awa sya sa katabi.. Gustong gusto na nya itong yakapin. Gustong gusto na nyang makasama. Kasama ng mga anak nila. ANg” cutest babies in town”
“The Nice-Ace Triplets” .. , bulong ni Ace sa sarili.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top