Chasing My Cold Ex Chapter 1.1


Bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin? Hindi man lang ba niya ako na-miss? Kasi ako, I missed him so much. Gusto ko na ulit maramdaman ‘yung init ng mga yakap niya. ‘Yung mga nakaw na halik niya sa ‘kin. Pero hindi ko inaasahan na ganito ang sasalubong sa ‘kin.
Akala ko kapag nagkita kami ulit ay sasalubungin niya ‘ko ng mahigpit na yakap, o kaya naman ay pa-welcome man lang para sa pagbabalik ko pero.. akala lang pala lahat ng akala ko, iba ang nakikita ko sa kanya ngayon, hindi siya masaya na nandito ako, lalo na ang makita ako ulit.
“Gavin,” Halos hindi ko marinig ang sinabi dahil sa panginginig. Nanlalabo ang mga mata kong nakatitig ng deretso sa kanya, pero nag-aalab sa galit ang nakikita ko mula roon.
“Don’t call me that! You lost the right to call me that long time ago!” sigaw nito sa ‘kin.
Napaigtad ako nang marahas ako nitong binitawan at pinagbabasag nito ang mga bagay na mahawakan niya pagkatapos. Natakot ako bigla sa itsura niya, galit ang nakikita ko mula rito.
Nasaktan ko ba siya nang sobra kung kaya’t ganito ang pakikitungo niya sa ‘kin ngayon?
“Ano bang gusto mo? ‘Di ba umalis ka na? Bakit nandito ka ngayon?” Mariing sambit nito. Kalmado lang ang mukha niya pero naroroon ang nagbabadyang panganib. Para itong mabangis na hayop na anumang oras ay makakapanakit.
“B-bumalik ako para sa’yo,” mahinang saad ko pero sapat lang para marinig niya. Matapos kong sambitin ‘yon ay tuluyan na ngang kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan at napayuko na lamang ako para hindi niya makita.
Paano naging ganito? Umalis lang naman ako para sa kanya, sa ‘kin. Babalik naman ako, eh, pero parang sa nakikita ko wala na ‘kong babalikan pa. Ayoko naman talaga siyang iwan noon, pero wala akong choice. At may mabigat na r ason ako kung bakit ko nagawa ang bagay na ‘yon.
Hindi ko naman siya masisisi kung bakit galit na galit siya sa ‘kin ngayon. Kung ako rin naman, gano’n rin ang mararamdaman ko. Pero kahit na gano’n malugod kong tatanggapin ang bagay na ‘yon, deserve ko naman ‘yon, eh. Pero ang hiling ko lang sana, pagbigyan niya ako na makausap siya nang maayos, na bigyan niya ako ng oras para magpaliwanag, na hayaan niya akong bumawi sa kanya para bumalik kami sa dati, nang mapatawad niya rin ako nang lubusan. ‘Yon lang ay sapat na sa akin.
Alam kong sa una lang ‘to, alam kong babalik din ang pagkasabik ng lalaking mahal ko sa ‘kin. Hindi ako susuko, hindi ko siya susukuan. Kung kailangan kong humingi ng tawad sa kanya ng paulit-ulit, gagawin ko. Mahal na mahal ko siya at gusto kong makasama siya ulit habang may oras pa.
Nagdusa na ‘ko sa dalawang taon na iniwan ko siya. At ngayong nandito na ‘ko ulit, pagkakataon ko na ‘to para bumawi sa kanya, kahit pa mahirap.
“Bumalik?” Pagak itong tumawa. “Bakit ngayon pa? Babalik ka? Para ano? Para umalis ka ulit? Para saktan na naman...


ako? Para iwan mo na naman ako ng walang sinasabing rason? Para iwan na naman akong miserable? Gano’n ba, ah?” Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Tanging hagulgol lang ang nagawa ko.
Ilang sandali pa ay nakita kong humahangos patungo sa direksyon namin si ate Alexa. May pag-aalala nito akong tinignan.
“What’s your problem, Jace?” Mababakas ang inis sa boses ‘yong ni ate Alexa. Naihilamos naman ni Gavin ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. When he looked at me again, his eyes were grim. His fist and jaw were clenched. I just want to close my eyes because of that.
“What’s my problem? Ako pa ngayon ang may problema? Tsk! Nananahimik ang buhay ko rito tapos makikita ko ang babaeng ‘yan rito sa mismong kaarawan ko at sasabihing babalik siya? Ginagago niyo yata ako, eh?! Naging miserable ang buhay ko nang iwan niya ‘ko, at ngayon babalik siya na parang walang nangyari? Ano ‘yon, magic? Na gano’n lang kadali na kalimutan ang ginawa niyang pang-iiwan sa ‘kin–”
“Lower your voice, Jace!” may diing saad ni ate Alexa mula sa kapatid. Tumahimik si Gavin. Nagtataas baba ang dibdib nito. Nakakuyom ang mga kamao niya at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa ‘kin. Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa ‘ko bumulagta sa sahig.
“A-ate Alexa, o-ok lang. H-hayaan mo siyang magalit sa ‘kin, t-tatanggapin ko. Kung ‘yon ang paraan para mabawasan ang galit niya, ok lang. K-kasalanan ko naman lahat ng ‘to, eh,” singit ko sa usapan nilang dalawa. Hinawakan ako ni ate Alexa sa kanang kamay ko at marahang hinaplos-haplos ‘yon.
“Wala siyang alam kung anong nangyari sa’yo, kaya wala siyang karapatan na magalit sa’yo, Pia!” Mabigat akong napabuntong hininga. Tama ang sinabi niya, pero ako pa rin ang pulot-dulo ng lahat ng ito kaya naiintindihan ko si Gavin.
Tinignan ko lang nang malalim sa mata si ate Alexa na ang ibig sabihin ay iwan niya muna kami, at hayaan muna na makapag-usap kami ng kaming dalawa lang. Nag-alinlangan pa siya nang una pero gamit ng tingin ay isinigurado ko sa kanya na ok lang kaya umalis rin siya kalaunan.
“Gavin, I’m s-sorry. Oo, a-alam kong mali ang ginawa ko at galit na galit ka dahil do’n. Pero sana tanggapin mo ‘yung paghingi ko ng tawad, kahit hindi muna ngayon. Ang mahalaga sa akin ay hayaan mo akong bumawi sa’yo at bumalik tayo sa dati–”
“Kahit kailan hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa ‘kin, ‘yan ang itatak mo sa utak mo Pia! Iniwan mo ‘ko, at anong rason? Wala, wala kang sinabi! Ang galing mo, ‘di ba? Nagmukha akong tanga nang mga oras na ‘yon. Hinintay kita, hinintay kita p*tang ina! Pero naghihintay lang pala ‘ko sa wala, dahil ‘yun pala umalis ka na! You already leave me! You leave me without saying any reason!” Bakas sa mukha nito ang sakit.
“L-love.” Rumehistro sa mga mata nito ang galit nang tawagin ko ang endearment namin nang kami pa. Kahit ako ay nagulat nang ‘yon ang nasabi ko at lumabas sa bibig ko, nasanay nga siguro ako.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Youre so insightful, have so much real stuff to bring to the table. I hope that more people check out this and get what I got from it: chills. great job and great web publication. I cant wait to check out more, keep em comin!

Leave a Reply


top