Marriage Contract Chapter1 part6


Dumirecho na ako sa bar sa may BGC medyo marami rami ng tao ngayon kahit alas siete pa lang naroon na ang mga hudas kong kaibigan na si Jude Ryan at Tony.
“Oh ang aga ninyo dumating ah” bungad ko.
“Siyempre Tyron ng makarami agad ng chikas” pabirong saad ni Ryan.
“Ryan,ah porket nasa Italy lang asawa mo nambababae ka na naman kung isubong kaya kita.”
“Eto naman sige na sagot ko na alak mo huwag mo lang ako isumbong kay misis.”
“Good.”
“Ikaw Tyron kailan mo ba balak magasawa?” Biglang tanong ni Jude.
“Ewan ko sa’yo Jude.”
“Siya nga pala Tyron pabalik na si Kristof sa pinas next week may pa welcome party siya sa rest house nila sa tagaytay sasama ka ba?”
“Siyempre naman kating kati na akong makita ang gagong Kristof na yan.”
“Seriously wala ka ba talagang balak magasawa Tyron lahat kami kasal na ikaw na lang hindi plus hindi ba kating kati ka na makuha ang mining company ninyo.”
“Soon makukuha...


ko rin yung mining company.”
“But how Tyron eh wala kang girlfriend?”
“Of course meron Ryan!”
“Meron who? At kailan mo balak ipakilala sa aming lahat huh?!”
“Don’t worry makikilala ninyo rin siya soon!”
“Ano Tyron maganda ba siya? sexy? matalino? Galing ba sa elite family?”
“Tsk! Naiirita ako sa mga tanong mo Jude basta you will meet her soon!”
“Okay Tyron hindi ka na namin kukulitin pa diyan.”
“Basta Ryan yung promised mo huh?”
“Oo na ako na taya sa gabing ito!”
“Siguraduhin mo lang naku isusumbong kita sa asawa mo na babaero ka.”
“As if naman maniniwala si misis sa’yo hello patay na patay yun sa akin.”
“I’ll have evidence sa mga pambababae mo like videos pictures.”
“Tyron,naman huwag ka namang ganyan.”
“Etong si Ryan hindi mabiro hinding hindi kita isusumbong sa misis mo laki kaya ng utang na loob ko sa’yo dahil madalas mo akong pakopyahin noong high school tayo.”
“Salamat Tyron.”
“Kaibigan kita Ryan kaya hinding hindi kita lolokohin at iisahan.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top