πKABANATA IKA-DALAWAMPO’T DALAWAπ
Napalagay sila Seken sa huling pag uusap nila kasama si Hayasein, umaasa ito na sa sangayon ang dalaga para sa sariling kaligtasan, gayun pa man ay itinuloy ni Eight ang mga panibagong patakaran sa loob ng East.
Ipinatawag ni Eight ang lahat ng Estudyante sa harap mismo ng East, habang naroon sa likod nya sina Raizen, Ivo at Calvin o mas kilala bilang Seken.
“naging sunod-sunod ang mga pangyayari na hindi akma ss paaralang ito. ” matigas na boses ang ginamit ni Eight. “ang unang paglabag, mahigpit na ipinagbabawal na tumapak ng East sa West hindi ba? Pero pinangunahan pa ito ng malaking grupo ng Black Phantom! ” pinukol ni Eight ng masamang tingin si Spade na nakasandal sa Pader. ” Labag ba sa kasunduan ang ginawang pag paparusa sa babaeng ito?” itinuro ni Eight si Avanshien habang nakatali sa upuang bakal.
Nai-ikom ni thunder ang kamao nya nang makita ang sariling myembro sa Harapan, ngunit hindi sya maaaring kumilos dahil lalo itong mapapasama.
“Ngunit nasa batas din ng East na paslangin ang mga panibagong tao na makakaalam dito hindi ba? ” naglakas ng loob si Nuckel na sumagot.
“Sana ay matagal na kitang pinatay, mula nang mag krus ang landas natin sa West.” madilim ang mata ni Ivo habang sinasabi iyon dahil batid nyang si Hayasein ang tinutukoy ni Nuckel.
“Bakit nyo ba kasi pinagtatanggol ang babaeng iyon! ” hindi natiis ni thalia na hindi sumagot, pilit na pinigilan ni Seken ang sarili nya upang hindi mahalata ng mga eatudyanteng naroon kung ano ang koneksyon nila, batid nyang kapag nangyari iyon ay gagawin itong kahinaan ng mga kalabab nila.
“Dahil Espesyal sya sa lahat ng Espesyal. ” nakakasuya para kay Thalia ang paraan ng pagsagot ni Eight non.
“Bro ano bang sinasabi mo!” hindi na napigil ni Seken ang sarili nya.
“So.. Dapat ko na ba syang tuluyan? ” pilit na ginawang sarkastiko ni Thalia ang boses nya “Hayaan mo dahil sa susunod na magkita kami ay babasagin ko na ng husto ang pagmumukha nya. ” biglang tumalas ang tono nito.
Pero kasunod noon nang maglihisan ang mga Estudyante, ang kaninang pulutong ay biglang nahati sa dalawa dahil sa pag lakad nang tatlong panauhin sa gitna nito.
Si Kenzo Gray na nakapamulsa habang ang isang kamay nya ang syang may bitbit sa bag na nakapatong sa balikat nya, si Yana na nakayuko habang sumusunod sa babaeng nasa Harap nya na si Hayasein, maikli na ang buhok nito ngunit kulay Gold na iyon na may pagka curl ng kaunti, mas, maiksi ang palda nya kumpara nung una habang ang medyas naman ay lumagpas na sa tuhod at umabot na iyon sa ibabaw ng hita nya, may kataasan narin ang black shoes na suot nya at ganun parin ang blouse na suot nya.
“Si Hayasein ba yan? ”
“bakit bumalik pa sya? ”
“ang swerte na nga nya dahil nirequst’an na sya ng mga Rank student ng Gate pass kay Dean eh. ”
Bulungan ng mga Estudyante.
Ang lahat ng mga Rank Student ay nabigla, talagang hindi nila inaasahan ang pangyayaring ito.
“Ako si Kenzo Gray, ika limang pwesto sa Ranggo.” mayabang na saad ni Kenzo, oo nga naman, ilang taon na syang nag aaral sa lugar na iyon ngunit kahit minsan ay hindi nya manlang nailakas ang boses nya para sabihin iyin kaya’t sinamantala nyanv ipagyabang iyon ngayon.
Nakasimangot na naglakad si Hayasein palapit kay Thalia, “Hindi ba….”paputol na saad ng dalaga. ” sabi mo, babasagin mo ang mukha ko? “tumaas ang kilay ni Hayasein.
“Oo! “inis na sigaw ni Thalia. ” at ngayon yon!...
Bakit wala ng kasunod nag aabang ako araw araw.