The_lost_daughter Chapter_22


Lumipas na nga ang araw buwan,nabalitaan kung kinasal si Christian kay Syra.
Pinukos ko ang sarili ko sa trabaho,pinasok kasi ako ni ali sa panahian nila.
Hindi na mahirap ang trabaho ko sa panahian dahil kilala ko na lahat nang nagtratrabaho doon,sobrang saya ni ate vicky nang malaman niya na makakasama niya ko sa panahian.
Hanggang sa nakilala ang pangalan ko sa buong kompanya nila ali dahil sa disenyo ko sa mga damit.
Kahit hindi ako nakapagtapos nang high school ,ay kinuha parin ako ni ali bilang secretary niya.
Unti unti rin nagbago ang mga pananamit ko,at sinanay ko na rin ang sarili ko laging may maskarang make up sa mukha para maitago ang lungkot nang nakaraan ko.
Palihim parin akong pumupunta sa bahay nila christian,at palihim rin akong pinapasok ni manang flor.
Kaya nakakasama ko ang anak kung si cristine at naaalagaan,kailangan ko munang tiisin ang ganung set up samin nang anak ko,dahil sa birth nang anak ko legal niyang ina si syra.
Natatakot ako na baka itakas ko ang anak ko,magkakaroon pa ulit nang dahilan si syra na makulong ako at ilayo nang tuluyan sakin ang anak ko.
Alam ko balang araw,mababawi ko rin nang legal ang anak ko.
Hanggang sa lumipas na nga ang isang taon.
Sisiguraduhin ko mamayang gabi,maangkin ko si christian at makatabi sa pag tulog,bulong ni syra sa sarili.
Simula kasi nang ikasal sila,ni kahit isang daliri ni christian ay di humahawak sa kanya.
Lagi kasi siya nitong iniiwasan na para bang may nakakahawang sakit..
Sinuot niya ang pinakasexy na pantulog manipis na kita na ang likuran nang pwet sa sobrang sexy at sa harap na halos luwa na ang dibdib nito..
Pumasok siya nang room ni christian,ngunit nasa banyo pa ang asawa kaya nahiga na lang muna siya na mapang akit na pose.
Paglabas ni christian sa banyo na towel lang ang nkatakip sa baba nito,ay nagulat siyang makita si syra na nasa kama niya nakahiga.
Syra anong ginagawa mo dito,labas sigaw niya.
Pero nag bingi bingihan lang si syra at patuloy ang mapang akit nitong pose.
Kaya lumapit si christian at hinila braso niya para palabasin.
Pero biglang yumakap si syra.
Christian kahit ngayong gabi lang pansinin mo naman ako,isang taon ka nang ganito.
Asawa mo ko..
Nang marinig iyun ni christian ay dali dali niya kinuha ang kamay ni syra at malakas na itinulak at napabagsak ito nang upo sa kama.
Asawa mo lang ako sa papel syra,pero hinding hindi kita mamahalin,at agad hinila ulit ang kamay ni syra palabas nang kwarto niya at pabagsak na isinirado ang pinto.
Sa sobrang inis ni syra ay agad siya bumalik nang kwarto niya at nagbihis nang panglakad.
Pagsakay niya sa kotse ay pinaharurot agad ito..
Pumasok si syra sa isang mamahaling bar,at uminom.
Mga isang oras lang lumipas ay dumating si Bryan.
Bigla itong hinalikan si syra.
Your late bungad na sabi ni syra kay bryan.
Pagpasensyahan muna ko,nag tatampo nga ako sayo ei,naaalala mo lang ako pag stress ka sa asawa mo.
Bakit di na lang kayo maghiwalay...


nandito naman ako,handa kang Paligayahin sabi ni bryan habang hinahawakan sa hita si syra.
Si Bryan ang dalawang buwan nang karelasyon ni syra.
Si bryan ang nagbibigay nang pangangailangan kaligayahan ni syra na di maibigay ni christian sa kanya kahit anong gawin niya.
Mahal niya si christian kaya tinitiis niya lamang ito.
Ring..ring..tawag nang phone ni chuchay at agad naman niya sinagot.
Maam,nandito po ngayon sa isang bar si syra may kasamang lalaki,bungad na sabi nito kay chuchay.
Mabuti kung ganun,sundan mo lang,tawagan mo na lang ako ulit pag may bagong balita kana,at agad na ini off ang phone.
Umaga araw ko nang bisita sa anak kung si cristine,nasabihan naku nang maaga nila manang flor na pareho daw wala sila ngayon ni syra at christian.
Kaya pagkapasok ko nang bahay ay kita ko nang sinasamahan ni manang flor maglakad si cristine.
Pagkakita ni cristine sakin ay agad ito tumakbo,agad ko naman siya binuhat..
Mimi..sabi ni cristine,oo mimi ang pinapasanay kung itawag sakin ni cristine para di ito mahalata ni syra,o christian kung sino ang binabanggit na mimi ni cristine.
Nilalaro ko si cristine sa kanyang room.
Nang humihingal patakbong lumapit si ate inday.
Chuchay magtago ka dali,si bruhang syra bumalik..
Kaya mabilis akong kumilos at nagtago sa isang malaking kabinet,bago ako nagtago sinabihan ko si ate inday na kunin si cristine baka kasi lumapit ito sa pinagtataguan ko.
Maya maya ay rinig ko nga ang boses ni syra,na may kausap sa phone.
Pwede ba bryan,sundin mo nalang ang sinasabi ko,hindi ako pwedeng makipag kita sayo ngayon busy ako sa paghahanda sa nalalapit kong birthday.
Maya maya ay pumasok na ulit si ate inday.
Chuchay labas kana diyan,umalis na ulit si bruhang syra may naiwan lang kaya bumalik.
Hapon na mag paalam nku umuwi.
Manang flor,kayo na po ulit ang bahala kay cristine,uuwi na po ako baka uuwi na si christian,agad kung sabi kay manang flor.
Ok ok,wag kang mag alala chuchay kay cristine kami na bahala ni ate inday mo kay little princess mo,ngiting sabi ni manang flor.
Itapon niyo lahat nang basura na yan sigaw ni syra!
Gulat naman si christian nang marinig ang sigaw ni syra nang nasa pinto pa siya,
Agad siya umakyat para tingnan kung ano ginagawa ni syra.
Pero nakita niya sa malaking plastic bag nang basura ang white dress na binili niya para kay chuchay na matagal niyang itinago sa cabinet niya..
Syra anong ginagawa mo,sigaw niya!
Tinatapon ang mga basura,agad nang sabat ni syra.
Wag mo pakialaman ang mga gamit ko.
Gamit!? Gamit lang yan nang pesteng chuchay na yun,na di mawala wala sa buhay mo sigaw nito.
Dahil sa sinabi ni syra,ay agad siya sinakal ni christian.
Wag na wag mong matawag tawag na piste si chuchay dahil ikaw ang piste sa buhay ko.
Bi..bi.tawan mo ko christian,nasasaktan ako mahinang sabi ni syra.
Agad naman na binitawan ni christian si syra at iniwang habol sa hininga si syra dahil sa ginawa ni christian..
Pero pilit parin itong sumigaw,kahit kailan hinding hindi na magiging kayo ni chuchay,sigaw niya…
Itutuloy..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top