Fated Hearts ❤️
❣️ CHAPTER FIVE ❣️
MULA sa loob ng coffee shop ay nakita ni Cris na nagsisimula nang umulan. Bigla siyang nag-alala. Tiyak na uuwi siyang basa ngayon kung hindi titigil ang ulan. Kung bakit pa kasi naisipan niyang magpalit ng bag kaninang umaga, naiwan tuloy ang payong. Sana lang, kung susunduin siya ni Rhodel ngayon ay may dala itong payong. Napabuntong-hininga siya at tinignan ang suot na relo. Thirty minutes to go. Napatingin uli siya sa labas at nakitang lalong lumakas ang ulan.
Great, just great.
Muling napabuntong-hininga si Cris habang pinipilit kalmahin ang sarili. Nag-iwas siya ng tingin mula sa glass window at gumawa ng kahit ano na maaaring makapagpaalis ng isip niya sa ulan. Hindi na matao sa coffee shop. Mangilan-ngilan na lang ang customers sa loob. Kumilos agad siya upang linisin ang mesa nang tumayo ang dalawang customer sa mesang iyon. Na parang napansin na ng natitirang customer ang malakas na ulan sa labas, tumayo ang mga ito at umalis.
Nag-angat ng ulo si Cris at pinagmasdan ang mga patak ng ulan sa labas. Paano kung hindi tumigil ang ulan? Paano kung lalo pa iyong lumakas? Paano kung ———
“No, stop….” mahinang saway niya sa sarili. Bumuntong-hininga uli siya, saka tinignan ang relo. Still a couple of minutes to go. Pero at least wala nang incoming customers ang pumapasok sa loob ng shop. Hinihintay na lang nila ng mga katrabaho ang oras.
“Cris.”
Nilingon ni Lori si Helen pagbukas uli ng pinto. Nakita niyang sabay tumingin sa pinto ang mga kasamahan at tumingin na rin siya. Napasinghap siya nang makita si Rhodel na nakasuot ng itim na leather jacket at may hawak na payong ——— ang kanyang payong. Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti.
“Hey,” bati ni Rhodel na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Parang ni hindi nga nito nakita ang iba pang tao sa loob ng coffee shop.
May tumikhim at noon lang naibalik ni Cris ang tingin sa mga kasamahan. All of them were displaying a playful grin on their faces but she ignored them. Pinakilala niya si Rhodel sa kanila and he smiled cheerfully to them.
“Uyab nimo?” tanong ni Helen.
Umiling siya bilang tugon at binalingan si Rhodel. “Sa labas mo na ako hintayin. Kukunin ko lang ang bag ko.”
“Ha? Dito na lang ——-”
“No. Outside,” aniya, saka itinulak ang binata palabas.
Napamaang na lang si Rhodel nang tumalikod siya at kumaripas ng takbo sa loob patungo sa locker room. Inignora niya ang nagtatanong na tingin ng mga kasamahan. Bukas na lang niya sasagutin ang mga tanong ng mga ito. Hindi siya komportableng sagutin ang tanong tungkol kay Rhodel habang naroon ang binata.
“What’s with the panic?” tanong ni Rhodel nang makalabas na siya. “That girl asked you if I’m your boyfriend, right?” patuloy nito bago pa man siya makasagot.
Tumaas ang isang kilay niya. “Eh, ano naman sayo kung yon nga ang tinanong niya?”
Ngumisi ito. “I actually anticipate your answer to that.”
Pinigilan ni Cris ang mamula dahil sa sinabi nito.
“Mas kapani-paniwala pa kasi kung sasabihin mong boyfriend mo ako kaysa sasabihin mo yong totoo na isa akong estranghero na pinatira mo lang sa bahay mo.”
She wrinked her nose. “Diskarte ko na yan bukas, okay? Umuwi na nga tayo.” Kinuha niya ang payong mula sa kamay nito.
“Sandali,” pigil nito. “Isuot mo to para hindi ka mabasa at ginawin.”
Noon lang napansin ni Cris ang isa pang brown na leather jacket na nakasukbit sa punong-braso ni Rhodel. Nang mag-angat siya ng tingin sa binata ay ngumiti ito.
“Nahihiya kasi akong tignan ang closet mo, so I brought mine instead. Here, use this.”
Bumaba ang tingin niya sa brown leather jacket. It looked warm and comfortable. May bahagi niya ang gustong tanggapin, pero ang kabilang bahagi naman niya ay ayaw. Baka kasi hindi niya mapigilan ang sariling amuyin ang jacket.
Muling umihip ang malamig na hangin at nanindig na ang mga balahibo ni Cris. Isinantabi na niya ang pag-aalinlangan at kinuha ang jacket, saka isinuot. Halos makahinga siya nang maluwag dala ng init na ibinigay niyon. Mula sa sulok ng mga mata ay nakita niya na lalong lumuwang ang pagkakangisi ni Rhodel. The intoxicating scent of the leather jacket hit her nose and she almost wanted another whiff. Parang perfume iyon ni Rhodel na hindi na naalis kahit ilang beses pa iyong labhan. Nai-imagine tuloy niya si Rhodel na suot ang brown leather jacket.
“So, ano na? Uuwi pa ba tayo o tatayo na lang tayo dito hanggang sa tumigil ang ulan?” pukaw ng binata.
Tumikhim siya at binuksan ang payong. Sabay silang naglakad habang hawak niya ang payong. Pero dahil nga mas matangkad si Rhodel sa kanya, nangangalay na ang kanyang kamay. Walang ano-ano’y kinuha nito ang payong. His fingers gently touched her hand as he gripped the handle. Parang hindi siya makahinga sandali. Noon lang din napansin ni Cris kung gaano sila kalapit sa ilalim ng payong. To make everything worse, he draped his arm on her shoulder, pulling her closer to him.
Kinagat niya ang ibabang labi at pinigilan ang sarili na pahirin ang mga mumunting butil ng pawis na sumulpot sa kanyang noo.
💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌
ISANG malakas na kulog ang gumising kay Rhodel. Bumangon siya sa kama at naihilamos ang mga kamay sa mukha. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba o maiinis sa kulog na iyon na pumutol sa maganda niyang panaginip.
Napanaginipan niya si Cris. In his dream, he was about to kiss her. Kung hindi lang dahil sa kulog, eh, di sana ay nananaginip pa rin siya hanggang ngayon.
“Damn,” mahinang anas ni Rhodel ngunit nagpasalamat na rin siya. Baka kasi kung saan pa humantong ang panaginip na iyon kung hindi siya nagising. Bumangon na siya at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig sa kusina. Ngunit paglabas ay nakita niya si Cris na nakaupo sa couch at nakatingin lang sa labas ng bintana. The living room was lit by a single candle. Hindi napansin ng dalaga ang kanyang presensiya. He wondered what she was thinking.
“Cris?” pukaw ni Rhodel, saka naglakad palapit.
Lumingon ang dalaga. “Rhodel? Gising ka pa?”
“Nagising ako sa malakas na kulog. Ikaw? Ba’t gising ka pa?” balik-tanong niya.
“Uhm, hindi kasi ako makatulog, eh,” simpleng sagot ni Cris.
Tumango si Rhodel ngunit hindi na nagsalita pa. Tinignan lang niya ang dalaga habang nakatingin ito sa kanya. Hindi pa rin tumitigil ang ulan mula kanina. Para pa ngang lumakas iyon na may kasama pang hangin. He wondered if Cris could not sleep because she was worried about the rain. Ngunit mula sa ilaw ng kandila, nakita niya sa mga mata nito ang pag-aalala. His heart immediately went out to her.
“Rhodel ——-”
“Cris ——–”
Natawa siya. “You first.”
Kinagat ni Cris ang ibabang-labi. “Uhm, p-pwede bang samahan mo muna ako rito?” tila nahihiyang sabi nito. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan agad siya nito na para bang na-realize na isang kahibangan ang mag-request sa kanya. “B-but if gusto mo nang matulog uli, go ahead.”
Ngumiti siya at umupo sa tabi nito sa couch. “Sasamahan na kita.”
Cris smiled and he saw the relief in her eyes. “Thank you, Rhodel.” Pagkatapos ay tumingin uli sa labas ng bintana.
He stared intently at her profile. Mula ba nang mag-isa na ito ay hindi na natutulog kapag ganoon malakas ang ulan? He wanted to pull her into his arm and hug her tight.
Lightning struck through the night and she winced.
“Cris,” tawag niya at agad itong tumingin sa kanya. “Wag kang matakot. I’m here.” As if to prove his point, he put his hand over hers and squeezed it firmly. For a moment, he thought he saw tears in her eyes but then she blinked.
Lumunok si Cris. “A-alam mo na?” tanong nitong bahagyang nabasag ang tinig.
Tumango si Rhodel bilang tugon. “Wag kang magalit sa kanila.”
Bahagyang ngumiti ang dalaga. “Hindi naman ako galit. Na-realize ko lang na pinagkakatiwalaan ka nila, Rhodel.”
Alam niya ang ibig sabihin nito. Cris protective neighbors trusted him enough to share the tragic incident in her life with him. They entrusted her to him.
Narinig ni Rhodel ang buntong-hininga ng dalaga. Nakita niya ang kalungkutan sa mga mata nito.
“Tanggap ko naman, eh. Tanggap kong hindi na babalik sina Mama at Papa. Nami-miss ko lang talaga sila.”
“Normal lang naman na mami-miss mo sila. They’re your parents, and nothing will change that. Pero hindi mo dapat ikulong ang sarili mo sa nakaraan.”
“Alam ko…….”
Nakita ni Rhodel na pinigilan ni Cris na mapahikbi. Alam niyang pinipigilan lamang nito ang sarili.
“Hindi ko lang talaga maiwasang…..” She paused and started to sniffle. “Maiwasang isipin ang nangyari nang gabing iyon kapag ganito ang panahon. Ganito rin kasi iyon, eh.”
“Cris.” Umisod siya palapit at hinapit ito. Hinayaan naman siya ng dalaga na gawin iyon. Narinig niya ang mahinang paghikbi ni Cris sa kanyang dibdib. Pero mayamaya ay kumawala ito sa pagkakayakap niya.
“I-I’m so sorry, Rhodel. I didn’t mean to cry ———”
“Sssshhh.” He hushed her, still keeping her in his arms. “I don’t care if you cry your heart out. I just want you to know I’m here, Cris.”
Noon na ibinaon ni Cris ang mukha sa kanyang dibdib at tuluyang umiyak. Tatlong taon na ang lumipas ngunit ang sugat ng pagkawala ng mga magulang ng dalaga ay naroon pa rin sa puso nito.
Napahigpit ang yakap ni Rhodel sa dalaga. He wanted to at least lessen the pain she was feeling. Cris, despite her tough exterior, was vulnerable and fragile, indeed. Nag-flash sa kanyang isip ang umiiyak na Cris at mag-isa lang sa bahay habang umuulan nang malakas. It was heart-breaking just thinking about it.
Mayamaya ay kumawala si Cris sa...