ANG BUHAY NG ISANG SINGLE MOM
A MOTHER’S DAY SPECIAL
Sa panunulat ni: Reyvelyn Narag
Minsan para sa iba kapag narinig nilang isang single mom ang isang ina, hinuhusgahan na agad. Pero bago mo husgahan ang isang single mom pakinggan mo muna ang kwento ng buhay niya.
Bakit nga ba naging single mom sila? Iba-iba ang dahilan, iba-iba ang kwento. Dahil sa nagpatianod sa bugso ng damdamin, hindi nakapagisip bago pumasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. Nagtiwala, nagmahal ng lubos at naibigay ang sarili sa taong hindi pala sila tunay na mahal. Ngunit nagmahal lang sila, sa taong hindi mapagkakatiwalaan. Mas pinili nilang binuhay ang sanggol sa sinapupunan kisa ipalaglag matawag lang na dalaga.
Hindi na din masaya ang pagsasama, nananakit ang lalaki, nambababae, eresponsable sa pamilya at may bisyo pa. Mas minabuti nilang isakripisyo ang pagsasama kesa magpatuloy sa ganoong buhay. Dahil iniisip nila ang kanilang anak na maapektuhan.
Namatay ang asawa, dahil sa pangyayaring ito kaya din sila naging single mom. Napakasakit din para sa kanila, dahil ang kamatayan ng kanilang asawa ang naglagay sa kanila sa kalungkutan.
Despite of all this struggle’s they choose to be a mom. Kanya-kanya ang dahilan pero pareho ang pinagdadaanan. Minsan hindi sila nakikitang umiiyak, laging masaya. Pero kapag mag-isa nalang sila, doon nila binubuhos ang luha. Humihikbi ng patago, umiiyak ng walang nakakaalam, umiiyak ng walang tunog na tanging sila lamang ang nakakarinig.
Ayaw nilang nakikita sila ng anak nilang nahihirapan, ayaw nilang ipahalata na pagod na sila. Mahirap din ang buhay nila lalo na kung sila na lamang ang nagsusuporta sa anak nila. Minsan naiisip nalang na sumuko pero hindi kaya, dahil may anak pa na nagbibigay sa kanila ng lakas. Mga magulang, kapatid at mga kaibigan na dumadamay sa kanila kapag nahihirapan na. Mga tanging tao na hindi nangiwan sa kanila. Stressful and depressed, yan ang kinakalaban nila sa kanilang buhay.
Tapos nahuhusgahan lang sila ng hindi manlang lumalaban. Andoon na yung pagkakamali pero ni minsan hindi sila nagsisisi dahil dumating sakanila ang anak na magbibigay sa kanila ng pag-asa. Hindi na din masyadong nakakapagayos ng sarili huwag lamang mawalan ng atensyon sa anak. Pero masaya din naman, dahil sila lamang ang mahal ng anak, walang kahati.
For the boys, bago ka pumasok sa buhay ng isang single Mom, think a hundred times. Huwag mong isipin na popormahan sila kasi magaling sa kama. That was a silly decision. Huwag mo ng ituloy kung ganun din lang tapos sa bandang huli ay iiwan mo lang na luhaan. Their time is precious para guluhin mo.
If you love a single mom love their child too more than her. Kasi mas mahal nila ang kanilang...
Please also deleted this kasi another nakaw na story po ito wala din itong pahintulot sa manunulat please lang po huwag tangkilikin ang mga nakaw na story po kasi di maganda po iyon kawawa ang mga nagsusulat