MAKE THE GAY TURNS TO A GUY CHAPTER 7


✦First Day of School✦
Matagal tagal na rin ang nakalilipas ng maikasal kami ni Min. Kaya heto ako ngayon. Kagigising ko lang. Agad akong naghilamos at nagmumog at saka bumaba para mag-umagahan. Agad ko naman naabutan si Min na nasa harap ng hapag-kainan habang nagbabasa ng balita sa dyaryo. Bumaling sya sa gawi ko at agad na ibinalik ang tuon sa binabasa.
“Good morning, Kate!”. Ngiting bati ni Nanay Nena.
“Magandang umaga rin po!” Ngiting tugon ko rito. Umupo ako sa harap ni Min at nagsimula na akong maglagay ng pagkain sa plato ko. Dalawa lang kami ni Min kumakain kasi wala si Mom Leanne. Nasa Japan, para sa bussiness trip. Medyo matatagalan daw sya dun. Kaya pinahahabilin nya sakin si Min. Kaya agad naman akong umo-o kay Mom Leanne.
“Eat your breakfast, faster! I don’t wanna be late. Because it’s first day of school.” Turan nito sakin ng hindi man lang tumitingin sakin. Binilisan ko na lamang ang pagkain ko. Baka sumabog na naman ‘tong si Min. Naka-uniform na kasi sya. Infairness, bagay sa kanya. Halatang-halata sa uniform nya ang matipuno nyang katawan. Bakat din ang abs nya. 8 pack yun. Ay landi!
“Woman, your drooling!” Mapang -asar na ngiti nya sakin.
“Di wow, Min! Maya ka lang sakin. Babawi ako mamaya. Lagot ka sakin.” Pagbabanta ko sa kanya at agad akong tumayo papuntang kwarto,tapos na kasi akong kumain.
Axel’s POV
Kasalukuyan akong naghihintay sa babaeng yun. Ang tagal nya! Ayoko pa naman na ma-late. Ganun ba sya kabagal kumilos. Pinikit ko muna ang mga mata ko. Maya-maya ay may biglang nagsalita.
“Tara na, Min!”. What the hell. Bakit yan ang suot nya. Hindi naman P.E day. Ang kulit talaga nito. Papalapit na sya sa gawi ko.
“Tara na, tumayo ka na dyan!.” Utos nya sakin.
“Hindi pwede. Palitan mo yan! First day na First day, yan ang suot mo! Suotin mo yung school uniform!” Utos ko rin sa kanya. Nakaka-init sya ng ulo.
“Ang igsi kaya nun. Hindi na lang sila nagsabi na pwede na mag-bikini dun!”. Turan nito sakin. Ang kulit!. Dahil ayaw nyang sumunod. Binuhat ko sya na parang sako habang hinahampas nya pa ang likod ko. Mabilis ko namang natungo ang kwarto nya. Agad ko itong ino-pen at agad ko syang binaba. Marahan ko naman syang itinulak papasok para magpalit. Pagkapasok nya, ay agad kong sinara ang pinto.
Kate’s POV
Andito ako ngayon sa kwarto. Pinapapalitan kasi sa akin ni Min ang suot ko na P.E, bawal daw kasi yun kasi first day of school pa lang. Hindi ko kasi gusto ang school uniform ko,eh! Unting tuwad lang. Boom, Panes! ‘Lam na this. Alam nyo na yun. Hanggang hita ko lang ang haba ng ng palda na ‘to. Habang ang medyas ko na black ay hanggang tuhod ang haba. Ang kulay naman ng laso ko sa blouse ay medyo kulay Gold. Mukhang theme nila ang gold,eh! Agad ko itong sinuot at lumabas na. Shemay, andito pa rin sya. Tiningnan nya lang ako at agad syang nagsalita.
“Mag light make-up ka naman. Masyadong plain ang mukha mo. Bawal ang walang make-up sa university.” Panimula nito dahilan para magulat ako. Ano ba yan? Pati ba naman sa mukha, pakikilaman pa nila. Echos nya lang yan,eh! Ang arte! Agad namang pumasok sa kwarto ko si Min. Nagpunta sya sa mini cabinet at may kinuhang kung anong bagay. Agad naman iyong humarap dala ang foundation at lipstick. Nilagay nya agad sa mukha ko ang foundation at natapos nya na gawin yun. Isusunod na sana nya ang lipstick na red. Nang bigla ko syang pinigilan.
“Ayoko nyan. Pwedeng foundation na lang. Ok na ‘to! “. Turan ko sa kanya dahilan para kumunot ang noo nya. Agad naman nya akong hinawakan sa pisngi para hindi ako makagalaw. Akmang ilalagay nya na yun ng nagpupumiglas ako. Dahilan para ma-out of balance kaming dalawa dahil sa kakulitan ko. Ang ending, natumba kami sa kama at ngayon nakaibabaw sya sakin habang ako ang nasa ilalim. Agad naman syang ngumisi at pinuwesto na ang kamay para ilagay ang lipstick.Pero hindi pa rin ako nagpapatalo. Pinipigilan ko sya kaya nadadaplisan ang labi ko ng lipstick, pati sa gilid ng labi ko nalagyan na rin. Ramdam ko kasi!.
“Susmaryosep! Ano ba yang ginagawa...


nyong dalawa. Hindi ba kayo papasok?
Ano ba yan? Iba agad ang inisip ni Nanay Nena. Akmang tatayo na sana ako ng bigla akong pigilan ni Min. Tumingin si Min sa gawi ni Nanay Nena at nagsalita.
“Nay Nena,you’re disturbing us! Were kissing, then you enter the room. You’re interruping us!” Pilyong turan ni Min kay Nanay Nena. Sinungaling na juding! Kissing daw!
“Sorry, hijo! Sge at ipagpatuloy nyo na lang yan. Pero tapusin nyo na agad ang ginagawa nyo. Mamayang uwian nyo na lang ipagpatuloy.”
Pagkatapos sabihin yun ni Nanay Nena ay agad syang umalis. Binalik na ni Min ang tingin nya sakin. Dala ang ekspresyong mapaglaro. Kinakabahan ako sa kanya.
“Clean your face before I put a lipstick and foundation on it!”. Utos nito sakin. Agad ko naman itong sinunod at hinilamusan ko ang mukha ko.
Pagkalabas ko ay agad akong umupo sa gilid ng kama at nilagyan nya ulit ng foundation ang mukha ko, at nilagay na nya ang lipstick sakin. Syempre, wala na akong magagawa,eh!. Nakangiti pa rin sya ng nakakaloko sa akin.
Pagkatapos nyang gawin yun ay nag lean sya sakin. Agad naman akong umatras pero hinawakan nya ako sa braso at marahang hinatak papalapit sa kanya, at saka bumulong.
“Good luck,my wife!”. Sabi ni Min at hinalikan pa ako sa pisngi. Bago sya lumabas ay sumulyap pa sya sakin at nagpatuloy na sa paglalakad. Talagang gusto nya yan,a! Pwes! Paninindigan ko yang ‘wifey-hubby thingy’ na yan. Humanda ka Axel Min Blackmore!
Agad akong sumunod sa kanya. Hanggang sa makarating ako sa garahe. Agad akong pumasok at ngumiti ng nakakaloko kay Min. Dahilan para kumunot ang noo nya.
“Something plan on me?! Come on, woman! Hindi kita aatrasan!”. Mapang-hamon nito. Nginisian ko lang sya.
“Wait, Mr. Min! Mamaya ka lang!”. Pagbabanta ko rin sa kanya.
Agad naman nyang isi-nitbelt yung sa kanya bago yung sa akin, at agad nag-drive.
Nang makarating na kami sa parking lot ng school ay agad syang bumaba at hinihintay akong lumabas.
“What is your plan? Do it!”. Mapang-hamon nya ulit sakin. Kaya tuluyan na akong bumaba. Nginitian ko sya ng nakakaloko at lumapit sa kanya. Habang si Min naman ay prenteng nakatayo lang sa gagawin ko.
Nang makalapit ako sa kanya ng tuluyan ay agad kong hinatak ang neck tie nya at nginisian ko sya. Blankong ekspresyon lang ang binigay nya sakin. Mukhang naaasar na sya. Tumingkayad pa ako ng kaunti para maabot sya at saka……………
Hinalikan ko sya sa pisngi. Mabilis lang yun at agad akong tumakbo papalayo. Alam nyo naman mabilis kumilos yun. Bago ako tuluyan umalis dun ay lumingon pa ako sa gawi nya at nagsalita.
“Bye,my hubby Min”.with matching flying kiss pa. Nginisian nya lang ako kaya tumakbo na ko.
Axel’s POV
Yun? Yun lang ang kaya nya? Nag-expect pa naman ako. But it’s ok. Tusong babaeng yun. Gusto lang pala halik ko. Bakit hindi na lang namin ginawa yun sa kotse. Tsk!ready naman ako ma-late,eh! Actually, late naman na talaga kami. Kaya bakit hindi na lang namin ginawa sa kotse. But it’s better when we do it on sofa either in bed. Tsk!
Ano ba ‘tong iniisip ko? Saka bakla pa ba talaga ako? As usual, half nga lang pala kaya kung ano-ano ang naiisip ko.Masyado syang inosente para sa bagay na yun. Ni hindi nga marunong humalik. First kiss nya ata ako. Well, I’m happy that I’m the first. Gusto ko ako lang lagi ang una, ayoko ng PANGALAWA!!!!.. Gets?!
Naglakad na ako papuntang university. Actually, My grandpa own this school. So, whatever what I wanted to do, is OKAY!. Kahit mag cutting classes pa ko.
Agad kong hinanap ang section ko.
Star Section na naman! Sawang-sawa na ako sa mukha ng mga kaklase ko. Lagi na lang sila. Sana hindi ko na katabi yung higad na yun. Masyado rin syang madikit. Palibhasa, hindi nya alam na 50/50 ako. Haha! Kawawang higad!
“Kyaaaaahhhhh! Prince Axel!”. Speaking of the higad. Andito na sya. Agad nyanh pinulupot ang kamay nya a braso ko. Habang ako nagpupumiglas.
“Stay away, Stacey!”. Pang-tataboy ko sa kanya. Ang higad este ang kulit.
“Why naman Prince Axel?”. Nag-pout pa ang higad!
“Sh*t! Stay away from me!”. Mariin kong sabi sa kanya. Nasigawan ko na nga ata sya,eh!.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. wala pa po bang nxt chapter nkakabitin naman po.

Leave a Reply


top