ALWAYS BE MY BABY CHAPTER 5


Sa isip nya kapal naman ng mukha ng mokong na to at dito pa talaga kumain ng breakfast.Pero sa kabilang banda ay natuwa natuwa ang puso nya kasi kinain nito ang niluto nya.
Mabilis lang din matapos ang shcool year at sa susunod na pasukan ay second year na si Sab.At nalalapit na rin kanyang debut.
Samantalang si Lance naman ay panay palipad hangin lang at ngayon ay di pa rin ito makaporma ng panliligaw sa dalaga.
๐ŸžLance POV๐Ÿž
Di ako papayag na hanggang ngayon ay di pa rin ako nakapanhik ng ligaw kay Sab.
Malapit na naman sya mag debut siguro pwede na yun ligawan.
Mula ng makita ko sya ay di na ko nagkaroon ng interes sa ibang babae.
Di naman ako ganito kasi di ko rin naman naranasan manligaw ng seryoso,kalimitan kasi mga babae na ang nagpapakita ng motibo.
Ika nga nila ay palay na ang kusang lumalapit sa manok.
Mula ng makita ko si Sab ay ginulo nya na ang nananahimik kong puso.
Kakaiba kasi itong si Sab pinakyaw nya yata lahat mula sa magandang mukha at katawan ay napaka talented pa.
Yung ugali naman,siguro sakin lang talaga ito masungit.Kasi sa iba naman ay napakasweet at masiyahin.
Ahhh…mababaliw na yata ako.
“Lil’ Sis malapit na debut mo magpaparty ka ba?”
“Di ko alam Kuya si Mommy naman ang me gusto ng party.Kung ako lang sana ayaw ko ng bonggang party.”
“Hayaan mo na si Mommy minsan ka lang naman mag debut.Basta ako na bahala sa escort mo.”
“Kuya alam ko na kung sino yan,malamang yung bestfriend mong hambog!”
“Ikaw naman kilalanin mo muna yung tao.”
Di naman sa tinutulak nya ang kapatid sa bestfriend nya,kung sa ibang lalake lang naman mapupunta si Sab ay maa gugustuhin...


nya pang si Lance ang makatuluyan ng kapatid.
Bukod sa matagal nya itong kaibigan ay kilalang mababait ang pamilya nito.Kahit sabihin pa nilang playboy ito ay kung magmahal naman ay sobra.
Parang kinikilig naman si Sab tungkol sa pinag usapan nila ng Kuya Xander nya.
Tutal mag eighteen na naman sya pwede na siguo ulit magpaligaw.
Naku! kung isang Lance Nicolas Natividad na sobrang gwapo na at mayaman.
Ika nga nila ay total package,ewan ko na lang magiging choosy pa ba sya.
Yung first encounter nga lang ang di maganda.
Pero parang kasalanan ko din naman kasi hinayaan ko sila na tratuhin akong maid sa pamamahay namin.
Dumating na nga ang araw ng kaarawan ni Sab at di nga sya nagkamali si Lance nga ang escort nya.
Okay lang naman mukhang nahuhulog na rin ang loob nya dito.
Kahit lagi nya itong sinusungitan everytime na magkukrus ang landas nila.Which is di maiiwasan kasi nga bestfriend ito ng Kuya Xander nya.
Samantalang habang nagsasayaw ay ito na ang inaantay na pagkakataon ni Lance para magtapat sa dalaga.
“Sab pwede na ba akong manligaw sa yo?” diretsahang tanong nya.
Halos maubo naman si Sab sa pagkabigla.
“Ha! Ang bilis mo naman.”
“Bakit papatagalin pa eh,manliligaw pa lang naman ako.Sige kung gusto mo ay jowain na kita kaagad.”
“Okay,pagpayag nito.Manliligaw pa lang pala eh!.”
“Di ka naman galit nyan?”
“Oh sige wag na lang pala.”
“Eto naman di na mabiro.”
“So biro lang yung sinabi mo na manliligaw ka?”
Ayan na naman sila mag uumpisa na naman,parang mga asot pusa.๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚
“Teka,teka di naman sa ganun seryoso ako.”
“Oo na nga!”pagtataray niya.
“Talaga! tayo na sinasagot mo na ko.”
“Anong sabi mo? Feeling ka jan!”
“Wala sabi ko thank you.Kala ko makakalusot na ko.hehehe๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top