I WOKE UP WITH A STRANGER IN MY BED ( Continuation — Part 1 )


I WOKE UP WITH A STRANGER IN MY BED ( Continuation — Part 1 )
— Demi Morrigan | @deymyuu
Katherine’s POV
Syx playfully smile. “The boys are coming.”
Kumunot naman ng bahagya ang noo ko sa sinabi niya. Sinu-sino ba ang mga tinutukoy niya?
“Uminom ka muna, Katherine. Sayang naman ang mga alak sa lamesa kung kami lang ang iinom. Look oh, umiiyak na siya dahil hindi mo siya pinapansin,” pamimilosopong saad sa’kin ni Syx— referring to the beer.
Inirapan ko naman ang bruha. “Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, Syx. Alam mo namang hindi ako umiinom diba?” Pagpapaalala ko sa kaniya.
She pouted her lips. “Sige na, Katherine. Kahit ngayon lang, please. Pagbigyan mo na ako,” pagmamakaawa niya sa’kin.
“A no is a no, Syx,” maawtoridad kong sabi.
Pinagkruss niya ang kaniyang dalawang bisig saka umaktong nadismaya sa naging desisyon ko. “Ngayon lang naman e,” paawa effect niyang saad.
Napangiti naman ako sa inasal niya. Hindi naman siguro masama kung iinom ako kahit isa lang, diba? Saka nakakahiya rin na tumanggi, libre pa naman ‘tong lahat.
Bakas parin sa mukha ko ang pagdadalawang isip pero kailangan ko ng magdesisyon.
“Amin na nga.”
Mabilis pa sa alas syeteng nilingon ako ng kaibigan ko habang kumikislap ang kaniyang mga mata sa saya. Iyong makikita mong may sparkle doon? Alam mo ‘yon?
“Talaga? Iinom ka?” Paninigurado niya na parang isang bata.
Tumango-tango naman ako. “Oo pero isa lang, ha? Baka malasing agad ako.”
Nagagalak namang sumang ayon si Syx sa naging pasiya ko. “I’ll order the drink na, okay? Dito ka muna.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay umalis na siya at ikinuha ako ng maiinom.
Bagot kong inilibot ang kabuuan ng bar. Ngayon ko lang na pansing may second floor rin pala dito. Mukhang matatagalan pa si Syx kaya napagpasiyahan ko munang puntahan ang second floor at maglibot-libot.

Syx’s POV
Masaya akong tumungo sa bar counter matapos marinig ang sagot ng kaibigan ko. Sa wakas, napapayag ko rin si Kath na uminom. Nang nasa harapan na ako ng bar counter ay kinilabit ko ang kakilala kong bartender na si Nick— emplyedo ng jowa ko.
“Ma’am Syx, ikaw pala,” pagbati niya sa’kin.
Ngumiti naman ako sa kaniya at sinabi ang pakay ko. “Na tapos mo na ba ang pinapagawa kong alak para sa kaibigan ko?”
Tumango naman ito saka may kinuha sa kung saan. “Eto na po ang pinagawa mo, Ma’am,” saka niya inabot sa’kin ang isang maliit na baso.
“Sinigurado mo bang parang wala lang ito kapag ininom ng kaibigan ko?”
“Oo naman po, Ma’am. Ako pa.”
Napangiti naman ako sa naging sagot ng bartender nila Thobias. Tinignan ko pa muna ang hawak hawak kong alak na ipapainom sa kaibigan ko. Nang makontento ay nagpaalam na ako.
“If that’s the case, I’ll be leaving now. Thanks!”
Tinahak ko kaagad ang daan papunta sa lamesa namin. Sakto namang nakita ko si Katherine na papabalik sa inuukupahang table namin. Saan kaya nagpunta ang isang ‘to?
Bago pa mawala sa isip ko ang pakay ko ay diretsahang inabot ko sa kaniya ang maliit na basong hawak ko.
“Here’s you drink,” I smiled.
Kitang-kita ko kung paano nagdalawang isip ang kaibigan ko sa pag abot ng basong hinahawakan ko. But that didn’t went too long.
She reach for the glass as she raise it slightly saka nagpasalamat sa’kin. Tinignan niya pa muna ang laman nito saka walang pagdadalawang...


isip na nilagok ang alak.
Lumabas sa aking mga labi ang ngiti ng tagumpay. Finally! The first part of the plan succeeded. May isang oras pa bago tumalab ang pinainom ko sa kaniya. Now, kailangan nalang namin hintayin ng jowa ko ang mga kaibigan niya.
Sorry, Katherine, nagsinungaling ako. But trust me, this is for your own good. Ganon kita ka mahal.
“Shall we go back to our seats na?” I ask as I motioned my hand kung saan kami naka upo kanina.
Sakto namang pagtingin ko sa likod namin ay kasama na ng jowa ko ang mga kaibigan niya.
“Andito na sila, Kath,” I exclaimed happily.

Katherine’s POV
Ilang minuto naring naririto ang mga kaibigan ni Thobias. Ang iilan sa kanila ay sumalang na sa dance floor para makisaya. Pumunta pa ang isa sa mga kaibigan ni Thobias sa counter bar area para pakitaan kami ng magagandang tricks sa pagm-mix ng mga alak.
Tatayo na sana ako para kumuha ng tubig nang biglang umalon ang paligid ko. Whoa, ano ‘yon? Hinimas-himas ko ang ulo ko saka bahagyang itinayo ulit ang sarili.
“Katherine, saan ka pupunta?” Kaagad na umalalay sa’kin si Syx nang makita niya akong nagpagewang-gewang. “Ayos ka lang?” Dagdag niya pa.
Inilayo ko naman siya ng konti sa’kin. “Oo, ayos lang ako. Pupunta lang ako sa cr.”
“Sure kang ayos ka lang?” Naninigurado niyang tanong.
Tumango naman ako bilang ganti ngunit nandoon parin ang pag-aalala sa mukha niya. “Saan ba ang daan papuntang cr?” Tanong ko nalang.
Pagkatapos niyang sabihin sa’kin kung nasaan ang cr ay kaagad akong nag tungo doon dala-dala ang purse ko na may lamang make up.
“Maybe I just need to freshen’ up myself,” saad ko sa sarili.
Nang makapasok sa cr ay kaagad akong naghilamos saka tinignan ang sarili sa salamin. Ayos naman ako. Walang mali sa’kin. Pero bakit parang nahihilo ata ako? Isang basong alak lang naman ang ininom ko? Ganon ba talaga ang epekto nito sa’kin?
Matapos kong punasan ang mukha ko ng tissue ay nag retouch na ako at kung anu-ano pa. Nang matapos ay napagdesisyunan ko ng bumalik sa kina Syx.
Alon ng mga nagsasayawang tao kaagad ang bumungad sa’kin sa dancefloor. Kung pwede lang sana akong lumipad ngayon ay ginagawa ko na upang makatawid na ako rito, pero walang akong choice.
“Excuse me! Excuse me! Makikiraan lang po!”
“Excuse me po! Excuse me po! Padaan!”
Sumigaw na ako’t lahat-lahat ay wala paring pumapansin sa’kin kaya ang ending na stock ako sa gitna ng dance floor. Aaahhhh, nakakairita.
“Makikiraan po! Tabi tabi!”
Mas naging masikip pa sa pwesto ko nang magsimulang mag iba ang music na ikinaindak ng mga sumasayaw sa dancefloor. Kung sino man ang Dj na ‘yan, humanda ka sa’kin kapag naka alis ako rito.
“Aray, kuya! Naiipit ako! Teka lang!” Saad ko habang naiipit ako sa dancefloor.
May ibang naaapakan na ang paa ko pero hindi ko inabala ang sakit.
“Makikiraan po!” Patuloy ko paring sabi.
Sumiksik pa ako ng sumiksik nang hindi sinasadyang mapatid ako ng kung sino na ikinabagsak ng pwet ko sa sahig.
“Araaayyyyy!” Daing ko sabay hawak sa pwet.
Narinig ko pang nag bangayan ang dalawang lalake sa harapan ko. Tatayo na sana ako mula sa binagsakan ko nang makita kong matutumba sa’kin si kuyang malaki ang katawan. Hinintay ko lang na mangyari ang dapat mangyari pero…
“Are you okay, Miss?”
Morrigan Writerhood ✨






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Ganda Ng story

Leave a Reply


top