I WOKE UP WITH A STRANGER IN MY BED
— Demi Morrigan | @deymyuu
“Ano na Katherine, handa kana ba?” Bakas na sa tono ng pananalita ni Syx ang inis.
Patago naman akong umirap sa kaniya. “Oo na, patapos na po ako,” medyo sarkastikong ani ko sa kaniya.
Papunta kami ngayon sa isang bar ng kaibigan ko dahil inimbitahan kami ng jowa niya na gumala. Kailangan daw na may kasama ang kaibigan ko sa pag uwi dahil lampa pa naman ito kapag naka inom na at baka ‘di na niya mauwi kapag na lasing na siya. Sumang ayon naman ako sa sinabi ng boyfriend niya.
“Huwag tayong magtatagal roon, ha? May exam pa naman ako sa susunod na araw,” pagpapaalala ko sa kaniya.
I’m a graduating student na sa college. Kaya kailangan talagang magsipag ako sa pag-aaral lalo na’t susunod ako sa yapak ng pamilya ko sa larangan ng business.
She smiled. “Oo naman. Promise uuwi rin tayo. At saka ikaw na mismo ang nag sabi na sa susunod na araw ang exam mo, ayoko namang bumagsak ka.” She smiled once again pero this time para sa’kin kakaiba na ‘yon kaya parang kinabahan ako. Pero dahil kaibigan ko siya, ipinagwalang bahala ko iyon.
Wala pang kalahating oras ay nasa tapat na kami ng bar na sinasabi ng jowa ni Syx. Ang sabi pa sa’kin ng kaibigan ko ay pagmamay-ari daw ito ng pamilya ng jowa niya. Infairness, bigatin.
“Palabas na raw siya,” kinikilig na ani ng kaibigan ko.
Nakita ko naman ang pagbukas ng malaking gate ng malaking bar na ‘to. Iniluwa nito ang isang maputi, makinis at may katangkarang lalaki. Bagay sila ni Syx.
“Hey, love,” the man huskily said. Bakas sa kaniyang mukha na naka inom na ‘to. Humalik pa ito sa kaibigan ko na tinugon naman ni Syx.
“Hello, my boy,” Syx teasingly said.
Bumaling naman ang jowa niya sa’kin. “Is this..”
Lumingon naman sa gawi ko si Syx at ngumiti sa jowa niya. “Yes. Siya iyong tinutukoy ko sa’yo,” saad ni Syx. “Nga pala. To formally introduce the two of you.. Katherine, this is Thobias— my boyfriend. Love, this is Katherine, my best friend,” pagpapakilala niya sa’min.
Kaagad namang nakipag-shakehands sa’kin ang jowa niyang si Thobias....