I’LL NEVER GO CHAPTER 15


Mabilis syang nakalabas ng condo ni Mark.Kaya dali dali syang pumara ng taxi para makauwi ng bahay.
Pagkadating ay diretso ng kwarto nya at naligo dahil papasok pa sya ng botique.
“Anak kumain ka muna bago pumasok ng trabaho.” aniya ng Nanay nya.
“Okay po Nay.Tay bakit di ka pumasok ngayon sa opis?
“Me pupuntahan ako Anak.Dumating kasi ung kaibigan ko,may mahalaga kaming pag uusapan.”
“Tumawag nga pala si Cassy kagabi,nalasing ka ba at di ikaw ang nagpaalam na di ka uuwi?”
“Opo Nay,pero minsan lang po iyon.”
“Sya nga pala anak akala ko ba me boyfriend ka na,bat di pa sya nagagawi dito sa bahay.”
Nagulat ang Tatay nya dahil di naman nito alam na me bf na ang anak.Dahil mula ng makasama ang anak ay wala naman itong nakukuwento sa kanya at wala syang nakikitang dumalaw sa anak nya.
Yun din kasi yung time na di nagpakita sa kanya si Markus.
“Me boyfriend ka na anak,ipakilala mo naman sa amin.”
“Wala na po kami Nay,Tay matagal na po.”
“Kung ganun ipapakilala na lang kita sa anak ng kaibigan ko.”
“Tay naman eh,naging matchmaker pa.”
“Actually anak me usapan kami dati ng kaibigan ko na yun na kapag nagkaanak kami ay ipagkakasundo namin ang mga bunso.Nagkaton na lalaki ang kanila at sa akin ay babae.
Pero ayaw kitang magaya sa akin ayaw ko mamilit.”
“Salamat po Tay.”
“Pero one of these day’s ipapakilala kita sa kanya malay mo magkagustuhan kayo.”
“Aysus si Tatay ayaw daw mamilit.Pero sige po Tay malay mo magustuhan ko rin naman.hehehe…”
“Pero wala na ba talaga kayo ng boyfriend mo anak?” pangungulit ni Nanay.
“Akala ko ba ayaw mo sa kanya Nay dahil anak mayaman sya?”
“Eh mayaman ka na rin ngayon anak.”
“Kaw talaga Nay.Pero nagkita kami kagabi kaso di kami nagkausap...


dahil nalasing ako.”
“Me nararamdaman ka pa ba sa kanya anak?”
“Di ko alam Nay,di ko pa rin nakakalimutan ang pag alis nya ng walang paalam.”
“Mag usap pa din kayo anak,malay mo meron syang dahilan.Ayaw kong magaya ka sa amin ng Tatay mo.”
“Hayaan nyo Nay,kapag nagtagpo ulit ang landas namin kakausapin ko na sya.”
“Paano naman ang manok ko anak,ipapakilala ko pa ba sayo?”
“Ayos lang po Tay,malay mo maging kaibigan ko po sya.”
“Salamat anak,sige mauna na ako at gagayak pa ko dun sa kaibigan kong balikbayan.”
Nakauwi na ang magulang ni Markus at doon muna ito sa bahay ng Tita nya.
Bisita nila si Zandro ng araw na iyon.
“Kumusta na kayo? For good na ba kayo dito.”
“Oo pare nagsawa na ata itong asawa ko sa ibang bansa.”
“Hindi naman sa ganon gusto ko lang makasama ang bunso ko habang binata pa.”
“Asan nga pala ang anak mo? Bat di pa dumadalaw dito?”
“Dun na daw sa condo nya nakatira,mula ng nalaman nya na ipinagkasundo namin sa anak mo pare nagtampo na ata sa amin.”
“Yun nga ang ipinunta ko dito,ayaw ko ng pilitin ang mga bata hayaan na natin sila.”
“Yun nga din ang gusto naming sabihin saiyo,kasi me girlfriend na pala ang anak namin.”aniya ng Mama ni Mark.
“Napilitan nga ang anak ko noon na iwanan ang gf nya dahil sa pagbabanta ko.Pero naawa ako sa kanya dahil nalungkot sya ng sobra at napabayaan ang trabaho.”
“Kaya nga hayaan na lang natin ang mga bata.”
“Sige sang ayon ako dyan.Hindi ko na ipipilit ang kagustuhan natin.Deal.”
“Deal.Sa negosyo na lang tyo magkasundo.hahaha…”
Alam na ni Markus na umuwi ang mga magulang pero ayaw nya muna makita ang mga ito.Kaya hanggang ngayon ay wala pa rin syang alam sa plano ng magulang.😉






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top