Aking Prinsesa Chapter 2


❣️Aking Prinsesa❣️
Chapter 2
.
Kahit ngawit na ngawit na si Nico sa pagsandig sa kanya ni Yna ay kanyang tinitiis, dahil natutuwa naman ang puso ni Nico, sa di niya rmaintindihan ay parang may lumukob na saya ang nararamdaman ng puso niya sa dalaga, at sa unang pagkakataon daw ay parang tumibok ang puso niya para sa babae, pero kailangan niyang paglabanan ang nararamdaman dahil hindi daw pwede, at lumipas ang mga minuto, nagising na si Yna, at ganun na lang ang gulat niya dahil noon lang niya napagtanto na nakasandig siya sa dibdib ni Nico at nakapayakap sa kanya si Nico, bumilis ang tibok ng puso ni Yna, tila may sayang naramdaman may kilig na naramdaman ang kanyang puso, sinuway niya ang sarili hindi daw niya dapat maramdaman iyon, dahil may nobyo siya, yoon ay si Poli, nagkunwari si Yna na siya ay tulog pa, kaya nananatili lang si Yna sa kanyang ayos, gusto niyang ipinatag ang isip at gusto niya din na ipanatag ang kalooban kay Nico dahil daw alam naman niya na kaya siya sumama kay Nico upang pagbayaran ang pagliligtas nito sa kanya doon sa dalawang holdaper na mapangit na ay amoy anghit pa..gusto ni Yna kung sisingilin na siya ni Nico ay ipagkakaloob niya ang pagkababae niya ng may kapanatagan, alam naman niya na iyon lang din ang gusto ni Nico, at sa isip niya wala ding pinagkaiba si Nico sa dalawang holdaper..alam ni Yna na nangangawit na si Nico dahil ipinapaling ng dahan dahan ni Nico sa kabilang panig ng dibdib ng binata ang ulo niya, ramdam ni Yna na may pag-iingat si Nico sa kanya dahil dahan dahan siyang inaayos sa pagkakasandig sa dibdib nito, upang huwag lang magambala ang pagtulog niya, nahiya siyang bigla sa sarili, ano daw bang ginagawa niya at mukhang nag-eenjoy pa siya sa mga bisig ni Nico, kaya nagkunwari siya na magigising na, unti unti siyang umayos ng pagkakaupo.
.
Nico : gising na pala ang prinsesa ko ah.
.
Nakaramdam naman ng kilig ang puso ni Yna nang tawagin siyang prinsesa ni Nico..pero hindi siya nagpahalata.
.
Yna : pasensiya ka na, nakatulog pala ako.
Nico : ayos lang yun. Aking prinsesa!!
.
Hindi na nakakaramdam ng takot si Yna, nasisiyahan na siya sa mga tanawin na nakikita niya, at bukod sa mga magagandang tanawin, may saya at kilig sa puso niya dahil sa kasama niya si Nico, pero sabi niya sa sarili niya ay hindi niya dapat maramdaman iyong kilig, dahil si Nico ay may hindi din magandang intensiyon sa kanya. Ngunit sa kabilang banda ng puso at isip niya ay dapat ipanatag ang loob niya, dahil mukha naman daw na may mabuting sides si Nico, natuwa si Yna dahil hindi pa din siya binibitawan ni Nico nakakulong pa din siya sa mga bisig nito, upang hindi siya mahulog sa sinasakyan nila, kaya inalis na niya ang pagkailang sa binata, dahil na din sa sitwasyon niyang iyon, nilibang na lang niya ang sarili sa pagtingin sa mga magagandang tanawin, sa mga bulubundukin at sa karagatan.
.
Yna : Ang ganda naman dito!
Nico : oo kasing ganda mo.
.
Sa pagkarinig ni Yna sa sinabi ni Nico ay kinilig na naman ang puso niya, mabuti na lang at hindi nakikita ni Nico ang mukha niya, dahil nga nakatalikod siya kay Nico..iniba na lang niya ang usapan.
.
Yna : malayo pa ba tayo sa pupuntahan natin?
Nico : malayo pa tayo, kaya itulog mo muna, sumandig ka ulit sakin.
Yna : hindi na ako inaantok.
Nico : kung sakaling antukin ka ulit, huwag kang mahihiyang sumandig sakin ha.
Yna : salamat!!
Nico : salamat din naman!
Yna : ha para saan yong pasasalamat mo?
Nico : kasi narinig ko sayo yang salita na yan, na sinabi mong salamat.
Yna : ah yun ba, dapat nga hindi pala ako dapat magpapasalamat dahil alam ko naman na may kabayaran yun..sabi ko naman sayo kahit magkano babayar—–
.
Nagulat na lang si Yna dahil sa bigla siyang binitawan ni Nico, bumalik ulit yong takot niya.
.
Nico : gaya ng sinabi ko sayo, hindi ko kailangan ng pera mo..(pagalit na sabi niya)
.
Nakaramdam ng takot si Yna, kaya minabuti na lang niya na tumahimik na lang, nagsisi tuloy si Yna sa mga sinabi niya, dahil tinanggal na ni Nico ang pagyapos sa kanya, paano na daw kung mahulog siya roon sa kinauupuan nila, sigurado daw na magkakalas kalas ang mga buto niya, kapag nahulog siya sa bangin at kumbinsido ang isip ni Yna na totoo naman na isa lang ang gusto ni Nico iyon ay ang pagkababae niya,.at pero sa kabilang banda naman ng isip niya kung iyon lang ang gusto ni Nico sa kanya, eh bakit kailangang kung saang lupalop pa siya dadalhin ni Nico, pwede naman sana na mag-check-in nalang sila sa hotel at doon niya pagbabayaran ang pagkakaligtas nito sa kanya, nanginginig tuloy siya dahil sa pinaghalo halong nerbiyos, una sa maaring gawin ni nico sa kanya, na baka pagkatapos na kuhanin ang pagkababae niya, ay baka daw ibenta siya sa mga nangunguha ng mga organ ng tao, at pangalawa ay sa takot niya dahil hindi na siya hawak ni Nico, baka mahulog siya sa jeep na iyon, kung nagkataon, magkakadurog-durog ang katawan niya, kaya natuto siyang lumaban sa hangin, at magbalanse..at lumipas pa ang mga oras, ay sa wakas ay huminto na ang jeep nilang sinasakyan at bababa na sila ni Nico, nangangatog ang tuhod niya habang tatayo siya, pero kahit na may hindi sila napagkakaunawaan ni nico ay hindi pa din pala siya pinabayaan ni Nico, noon lang niya napansin na magkatali pala sila ni Nico, Itinali ni Nico si Yna sa katawan ng binata, hindi siya talaga pababayaan ni Nico.
.
Nico : sandali lang at kakalagin ko lang yong tali natin, pasensiya ka na ha. Kinailngan itinali kita sa bewang ko. Para kahit makatulog ako sa byahe kanina eh. Hindi ka basta basta mahuhulog.
.
At habang kinakalag ni Nico ang tali sa pagitan nila, ay hindi maiwasan ni Yna na humanga sa binata, parang binuhusan ang puso niya ng malamig na tubig, parang napawi na naman ang kanyang takot sa puso. Dahil sa nakikita naman niya kay Nico ay hindi masamang tao, may mabuting puso ito, ang kaso lang, dikta naman ng isip niya ay, kailangang gawin ni Nico yun, dahil kung nagkataong nahulog siya, ay hindi na siya mapapakinabangan ni Nico, at hanggang sa nakalag na ni Nico ang Tali, at bumaba na nga sila ni Nico, todo alalay sa kanya si Nico sa pagbaba, sumakay sila ni Nico sa tricycle, at sobrang layo pa ng tinakbo ng tricycle bago huminto, ang akala ni Yna ay doon na ang pupuntahan nila ni Nico malapit ng kumubli ang araw, ay hindi pa sila nakakarating sa pupuntahan nila, at kailangan pa nilang mag-lakad, at ni hindi niya alam kung saan siya dadalin ni Nico, nagsisimula ng maghabulan ang mga daga sa dibdib niya, na kanina lang ay panatag na panatag siya.
.
Yna : maglalakad pa tayo?
Nico : oo, bilisan natin dahil baka abutin tayo ng dilim dito sa daan.
Yna : gaano pa ba tayo katagal maglalakad, malapit na lang ba?
Nico : siguro mga 10 kilometro!
Yna : Ano??? Baliw ka ba, sampong kilometro lalakarin natin..God!!
Nico : hindi, Joke lang!! Mga kalahati lang nun.
Yna : kahit na, malayo pa din ang limang kilometro.
Nico : lumakad na kasi tayo, hindi na kasi makakarating roon ang sasakyan, kaya kailangan na nating lakarin, kaya mag-umpisa na tayong lumakad, dahil gagabihin tayo, kapag nagtagal pa tayo dito, kung ayaw mo naman di maiwan ka na jan!
.
wala ng nagawa si Yna, kundi sumunod nalang kay Nico, ayaw niyang maiwan doon, baka mamaya mas mapadali siyang mamatay doon kapag nagpatiiwan siya. Baka daw mamaya ay may mga masasamang tao doon at baka daw mga cannibal pa ang mga tao doon, madaming tumatakbo sa isip niya, na puro masasama, talagang punong-puno siya ng pagsisisi kung bakit tumakas pa siya sa tita Belinda niya, di sana daw ay, nasa malambot na kutson siya ngayon, at kumakain ng paborito niyang sitsirya habang nanunuod ng TV. Nagsisi siya sa katigasan ng ulo niya, iyon daw tuloy ang napala niya, nakarma!!
.
Yna : pwede bang pahinga muna tayo, masakit na yong binti ko at mga paa..pagod na pagod na ako kakalakad.
Nico : sige pero mga 3 mins lang.
Yna : ano??kabilis naman baka pwedeng 10 mins.
Nico : hindi pwede, may mga tulisan dito, maabutan nila tayo.
Yna : ha!! Anong tulisan??
Nico : yong mga taong labas, yong mga taong sinasabi nilang NPA
Yna : ha, sige huwag na tayong magpahinga, tayo na!
.
At lumipas ang mga minuto na paglalakad nila, ay hindi nila inaasahan na biglang may manghaharang sa kanila, natakot si Yna dahil mukhang iyon na ang sinasabi ni Nico na mga tulisan?
.
Tulisan 1 : Sino kayo, at saan kayo pupunta?
Nico : ah diyan lang po sa kabila ng ilog.
Tulisan 2 : sino kayo?
Nico : ako po si Nico, at siya po ang asawa ko si Princess.
Tulisan 3 : asawa mo? Eh bakit parang nabigla pa si babae nong sinabi mong asawa mo siya.
Tulisan 1 : aba kung hindi mo siya asawa, baka pwedeng isama namin si babae sa aming kuta?
Yna : ay naku po, asawa ko po siya, sa katunayan po, magkakababy na kami.(sabay hawak sa braso ni Nico)
Tulisan 2 : parang hindi ka nagsasabi ng totoo babae!
Yna : nagsasabi ako ng totoo, diba honey!!(baling niya kay Nico)
.
Nangangatog na naman ang tuhod ni Yna sa Nerbiyos, sa isip ni Yna, talagang kinakarma na siya.
.
Nico : oo honey, halikan mo kasi ako honey, para maniwala sila na mag-asawa tayo!!
Tulisan 1 : sige babae, halikan mo siya kung talagang asawa mo siya.
.
Nanlaki ang mga butas ng ilong ni Yna sa inis kay Nico kung bakit sinabi pa iyon..at hinalikan nga ni Yna si Nico sa pisngi!!
.
Tulisan 3 : hindi sila totoong mag-asawa..
Nico : ah, asawa ko po siya!(sabi agad niya)
.
Biglang hinalikan ni Nico si Yna sa mga labi, at si Yna naman ay sobrang nabigla sa ginawa ni Nico sa kanya, na bigla na lang siyang hinalikan nito sa labi, at parang naparalisa naman ang buong pagkatao ni Yna dahil sa kakaibang damdamin na kanyang naramdamam ng halikan siya ni Nico, at si Nico ay ganun din, na parang kay ligaya ng puso niya ng madampian niya ng labi niya ang mga malambot at manipis na labi ni Yna, na ubod ng tamis, at parehas silang dalawa na parang may kiliti sa kanilang puso ng magsanib ang kanilang mga labi.l, at hindi nga nagtagal ay iniwanan na sila ng mga tulisan, at para naman na may sarili silang mga mundo dahil sa nakaalis na ang mga tulisan ay magkadikit padin ang kanilang mga labi..habang magkahinang ang kanilang mga labi ay magkahinang din ang kanilang mga mata, waring nag-uusap din, sobrang bilis ng tibok ng puso ni Yna hindi dahil sa takot sa mga tulisan, kundi dahil sa tuwa at kilig sa ginawa ni Nico sa kanya…at hanggang sa bumitaw na si Nico..
.
Nico : wala na sila, pasensiya ka na kinailangan kong gawin yun, para mapaniwala natin sila na mag-asawa tayo—
Yna : wala yun, salamat nga pala.
Nico : walang anuman, kung nais mo pa ay sabihan mo lang ako, at ipagkakaloob ko ulit sayo ang pinakamatamis na halik.
Yna : Sira ka talaga!(sabay hampas sa braso ni Nico)
Nico : aray!! Bakit?
Yna : hindi ako nagpapasalamat sa halik mo sira ka.
Nico : ay sorry, akala ko kasi—
Yna : ewan ko sayo!(sabay martsa sa paglalakad)
Nico : uy, sandali lang, hintayin mo ako.
Yna : bahala ka diyan!!
.
napa-kagat na lang ng labi si Yna dahil ramdam pa niya ang mga labi ni Nico, sa kanyang mga labi, na wari’y nakalapat pa din ang mga malalambot na labi ni Nico sa kanya, tumatalon ang puso niya sa tuwa, naiinis na siya sa puso niya, nagiging abnormal na talaga, at sa isip ni Yna, bakit kinailangan pa ni Nico na humingi ng pasensiya na halikan siya, edi ba nga daw ay gagawin din talaga ni Nico sa kanya yun, dahil nga pagbabayaran niya kay Nico ang pagliligtas nito sa kanya sa mga holdaper, at ito na naman iniligtas nanaman siya ni Nico sa mga tulisan..madami na talaga siyang utang na loob kay Nico na kailangang pagbayaran, si Nico naman ay ganoon rin sa nararamdaman ni Yna, ramdam pa din niya ang mga labi ni Yna, na habang naglalakad si Nico ay napapangiti na lang siya dahil sa naging reaksiyon ni Yna, kitang kita niya ang pamumula ng pisngi ni Yna, at ramdam din niya ang mabilis na pintig ng puso ng dalaga, at hanggang sa marating na nga nila ang kanilang pupuntahan, isang bahay na yari sa kahoy at hindi naman kaliitan.at ang ibang bahagi ng dingding ay sawali, kumatok si Nico, at may nagbukas na isang dalagita.
.
Nico : magandang hapon Esang.
Esang : kuya Kulas, kayo po pala, pasok po kayo.
.
Nakatingin si Esang kay Yna, na parang nagtataka ito kung sino ang kasama ni Nico.
.
Nico : ah Esang si Princess nga pala, ang aking prinsesa, Princess si Esang, magkapangalan kayo niyan, princess din siya.
Yna : hi princess!(bati niya)
Esang : ang ganda naman po ninyo ate princess..pasok po kayo ate
Yna : salamat, ikaw din naman maganda.
Esang : salamat po.
Nico : si Mang Temyong nasan?
Esang : ah nasa likod bahay po..
Temyong : sino yang kausap mo Esang?
Esang : Tay si Kuya kulas po nandito siya, kasama po niya ang kasintahan niya.
Temyong : naku, si kulas ba kamo?
Esang : opo tay!
.
Pumasok sa loob ng bahay si Mang temyong upang harapin ang kanilang bisita.
.
Nico : kumusta po mang temyong?
Temyong : mabuti naman iho, mabuti at napasyal ka..may kasama ka pala.
Esang : ang ganda po niya tay ano, kasintahan daw po ni kuya kulas.
Yna : magandang hapon po.
Temyong : magandang hapon din naman.
.
Hindi na nagprotesta si Yna na sabihing kasintahan siya ni Nico o ni Kulas, natawa na lang sa isip si Yna, dahil pasusyal pa ang binata sa pangalan niyang Nico eh kulas naman pala ang pangalan nito.
,
Temyong : kumusta ka naman iho?
Nico : eto po Medyo busy po sa trabaho kaya ngayon na lang po uli ako napunta dito.
Temyong : naku. Tiyak na matutuwa sina Mother Fely kapag nalaman na nandito ka.
Nico : kumusta po sila at saka yong mga bata? Siya nga po pala, makikituloy po muna kami dito sa inyo at bukas na kami pupunta sa orphanage
Temyong : oo naman iho, maari kayong manatili dito, maayos naman sila, si Esang nga ngayon ang katukatulong nila doon, dahil wala na yong caretaker nila roon, nagresign na, at hindi na daw kaya, eh wala pa silang mahanap na kapalit, kaya si Esang muna ang katulong ni Manang Juanita doon, kung minsan at kapag wala akong gawa ay pumupunta ako doon.
Nico : ganun po ba. May pinagkakaabalahan pala si Esang.
Esang : opo kuya, habang bakasyon.
Temyong : oo…siya nga pala magmerienda muna kayo at tiyak kong napagod kayo sa paglalakad nio.,may nasungkit ako diyan na buko..tamang tama, nag-iihaw ako ng manok, mabuti na lang at sinapag akong manghuli ng manok kanina… esang anak magsaing ka pa uli ng kanin (baling niya sa anak niya)
Esang : opo.
Nico : tamang tama, uhaw na uhaw ako, halika princess doon sa likod ng bahay nila..uminom tayo ng sabaw ng buko.
Temyong : oo iha, pasensiya kana princess sa bahay namin, medyo maliit, mahirap kasing maghakot ng mga materyales kaya puro kahoy lang gawa ang bahay namin.
Yna : ayos lang po yun,maayos naman po yong bahay nio kahit yari lang sa kahoy.
.


/> At nagpunta nga sila sa likod bahay, kung saan ay nag-iihaw ng manok si Mang Temyong.
.
Temyong : kulas, bahala ka ng magbukas ng buko ha, nakasuksok yong matalim na gulok doon sa may dingding..ingat ka lang sa pagbubukas ng buko, at kakahasa ko lang ng gulok.
Nico : opo mang Temyong.
.
At nagpunta nga sila Nico at Yna sa likod bahay, si Esang naman ay nagsaing muli ng kanin, at si Mang Temyong ay abala na sa pag-iihaw ng manok, na kanilang ulam para sa hapunan..at si Nico naman ay nagbukas na siya ng buko, ang unang buko na binuksan niya ay para kay Yna.
.
Nico : Aking Prinsesa eto ang iyong buko, masarap yan!!(sabay abot sa buko)
Yna : salamat!! Wala bang straw?
Nico : hindi uso ang straw dito..tinutungga lang yan..akin na muna yang buko na hawak mo turuan kita kung paano inumin yan.
.
Kinuha uli ni Nico ang buko na binigay niya kay Yna, at saka minustra niya kay Yna kung paano inumin ito..at ng nakatungga na si Nico at naka-inum na siya ay saka niya uli inabot kay Yna ang buko.
.
Nico : sarap! Ang tamis…oh ayan ikaw naman ang uminom.
Yna : ay ayoko na yan may laway mo na yan!!
Nico : hay grabe to, tatanggihan mo pa ba eh, kanina nga nagustuhan mo yong halik ko..(bulong ni Nico)
.
Sobrang pinamulahan ang pisnge ni Yna ng maalala ang halikan nila ni Nico..nakaramdam muli siya ng kilig, pero hindi siya nagpahalata kay Nico, bagkus nag-galitgalitan siya.
.
Yna : hoy, para sabihin ko sayo, hindi ko nagustuhan yong halik mo, mas magaling humalik yong boyfriend ko sayo..ang kapal ng mukha nito..(sabay irap)
.
Samantala naman nakaramdam ng lungkot si Nico ng malaman niya na may Boyfriend pala si Yna, pero sa totoo, unang pagkakataon ni Yna na mahalikan ng lalake sa labi, si Nico ang first kiss niya, hindi siya nagpapahalik sa labi, kahit na masyado siyang pasaway sa Papa niya ay konserbatibo naman siyang babae, sa pisngi lang siya nagpapahalik kay Poli, at natutuwa naman siya dahil, inererespeto naman ni Poli ang gusto niya, hindi na ipinipilit ni Poli ang ayaw niya..at si Yna ay nagtaka kung bakit bigla na lang nagbago ang mood ni Nico…hindi na ipinilit ni nico ang buko na ininuman niya, nagbukas na lang ng panibago si Nico at isinalin sa baso ang tubig ng buko saka ibinigay kay Yna.
.
Yna : salamat!!
.
Habang umiinom si Yna ng tubig ng buko, iniwan siya ni Nico sa pinag-uupuan ng dalaga, at pinuntahan ni Nico si Mang temyong kung saan ay nag-iihaw ng manok, at nakipagkwentuhan si Nico kay mang temyong..at si Yna ay nagkaroon na naman siyang titigan si Nico..ano daw ba kaya ang hiwaga ang bumabalot sa puso niya, at biglang bigla ay parang kinikiliti ang puso niya kapag tinititigan siya ni Nico, at sa konting pagbibiro ng binata sa kanya ay parang laging nag-iinit ang pisnge niya, dahil sa siya ay kinikilig., at muli nga niyang inalala ang mga halik sa kanya ni Nico, parang huminto ang mundo niya ng maramdaman niya ang mga labi ni nico na nakadampi sa labi niya, at parang naghinayang pa siya ng bitawan na ni Nico ang labi niya, at dahil sa mga halik ni Nico ay nawala ang takot niya sa mga Tulisan..at sa nangyari na yun ay parang nakalimutan niyang meron na siyang boyfriend, naiinis na siya sa sarili niya, feeling tuloy niya ay taksil siya, pinagtataksilan niya si Poli, at sa pagmumuni-muni niya ay biglang nagsalita si Esang.
.
Esang : ate Princess, eto po yong kutsara pang kayod nio po sa buko.
Yna : ah salamat Esang..
Esang : mabuti po at sumama kayo kay kuya kulas.
.
Muntik na niyang masabi kay Esang ang dahilan kung bakit siya kasama ni Nico roon, sumusunod na lang siya sa agos at sa usapan nila ni Nico na kapalit ng pagkakaligtas nito sa kanya.
.
Yna : ha..ah oo, ang layo pala dito sa inyo ano.
Esang : opo nga.
Yna : ilang taon ka na Esang?
Esang : 13 na po.
Yna : ah. Nasaan yong nanay mo?
Esang : wala na po si Nanay, patay na po siya!(malungkot niyang sabi)
Yna : ay sorry Esang ha, napaalala ko pa sayo.
Esang : ayos lang po yun.ganun po talaga ang buhay, kailangang tanggapin..5 taon po ako nun nong namatay ang nanay ko.
Yna : ganun ba..wala ka bang mga kapatid?
Esang : wala po ate.
Yna : parehas pala tayo.
Esang : nag-iisang anak din po kayo?
Yna : oo, at parehas din tayo na wala na ang nanay..patay na din ang mama ko..
Esang : ay ganun po ba.
Yna : oo.
Esang : alam mo ate, mahal na mahal ko si Nanay, sobra akong nalungkot noon ng mawala ang nanay, palibhasa sobrang bata ko pa po noon, lahat po ginawa ni tatay para maging masaya lang ako, at talaga po ginagampanan niya ang papel ng isang nanay at tatay,noong una pi lagi akong umiiyak, pero nandiyan palagi si Tatay para sakin. Lagi niya po akong pinapatawa, kaya nong nagtagal tagal na, at nagkakaisip na po ako ay unti unti ko din pong natatanggap, nagtulungan kami ni tatay, na magpatuloy sa buhay..kahit po hirap na hirap si Tatay sa pagtatrabaho, at pag-aalaga sa akin, ni minsan po hindi sumuko si tatay.
.
Nakaramdam ng lungkot si Yna sa mga kwento ni Esang, naalala tuloy niya ang kanyang papa, ang papa niya ay wala ding inisip kundi ang maibigay lahat ng kanyan gusto, naging spoiled siya sa papa niya, ngayon napag-isip isip niya na napakalaking sakripisyo nga ng tatay niya para sa kanya, ni Hindi na nga inisip ng kanyang papa ang pansarili nitong kaligayahan, puro siya ang sinusunod ng papa niya, at
Sa sandaling oras pa lang na kasama at kausap ni Yna si Esang ay napalagay na ang loob ni esang kay Yna, parang nakikita ni Yna ang sarili kay Esang, dahil tulad niya ay nawala na din ang mama niya, yun nga lang ay hindi pa niya tanggap na wala na ang mama niya, ginawa din ng papa niya ang lahat para lang sumaya din siya, lahat ng gusto niya ay sinusunod ng papa niya, yun nga lang lumabis naman siya, naging abusada na siya..at habang nagkukwento si Esang ng tungkol sa tatay niya, ay di maiwasan ni Yna na alalahanin ang ama..ang ama niya na nagbigay ng luho sa kanya, ang lahat ng pangangailangan niya ay ibinigay sa kanya, at sobra sobra pa..di tuloy niya maiwasang ma-guilty sa pinaggagawa niya sa buhay, na pinag-aaral siya pero hindi siya nagseseryoso, na nakailang kurso na siyang tini-take, na bagay na madalas nilang pagtalunan ng papa niya, ang katwiran niya ay mayaman naman sila, na kahit hindi siya makatapos ng pag-aaral ay madami naman silang pera.,at katwiran pa niya ay bakit pa siya mag-aaral, eh nandiyan naman daw ang papa niya, para sa kabuhayan nila, pakiramdam ni Yna ay mukhang mas may isip pa sa kanya si Esang..naluluha tuloy siya dahil naalala niya tuloy ang mama niya, at pati na ang sakripisyo ng papa niya.
.
Esang : naku ate, pasensiya na po kayo ah, sobra po kasing madrama yong buhay namin ni tatay..
Yna : hindi Esang, kasi parehas tayo na wala na din ang nanay, namatay na din kasi ang mama ko eh..
Esang : ganun po ba..naku sorry po, nalungkot po tuloy kayo..
Yna : okay lang yun.
.
At sa pag-uusap nila Yna at esang ay di nila namalayan na nasa malapit na pala sa kanila sina Nico at Mang Artemio o Mang temyong.
.
Temyong : naku kulas, mukhang umiiyak yata yong kasintahan mo?(bulong niya kay Nico)
.
Nakita nga din ni Nico na nagpapahid ng luha si Yna.
.
Esang : ate pasensiya na po talaga kayo ha, naiyak pa po tuloy kayo, dahil po naalala nio din po ang mama nio.
Yna : wala ito, mababaw lang talaga kasi ang luha ko.
Temyong : mukhang madrama ang pag-uusap nio ah!!
Esang : opo tay, parehas po pala kami ni Ate princess na wala na po ang mga magulang na babae, kaya ayan po tuloy nalungkot si Ate princess.
Temyong : ganun ba, parehas nga kayo, parehas kayo ng pangalan, parehas pa kayo ng sitwasyon ni Ate Princess mo.
Esang : opo nga tay.
Temyong : abay, kulas, pasayahin mo naman na ang iyong kasintahan, upang ngumiti na.
.
Lumapit naman si Nico kay Yna, at tinapik at hinagod hagod ang likod, inalo niya ito sa pag-hikbi.
.
Nico : ah..huwag kang mag-alala aking prinsesa, mamaya pasasayahin kita..(sabay kindat)
.
Hindi alam ni Yna kung ano ang mararamdaman niya sa sinabi ni Nico.
.
Temyong : mabuti pa ay kumain na tayo. Esang maghain ka na at titiladin ko na itong manok na inihaw.
Esang : opo itay.
.
pumasok sa loob ng bahay si Esang para maghain ng pagkain, at ganun din si Mang Temyong, naiwan sa likod bahay sina Nico at Yna, at noon lang napansin ni Yna na hindi pa inaalis ni Nico ang kamay nito sa kanyang balikat, nakaramdam ng ilang si Yna dahil sa pagkaka-akbay ni Nico sa kanya.
.
Yna : excuse me, yong kamay mo!!
Nico : ay sorry, halika na sa poso at maghugas na tayo ng kamay, at para makakain na tayo.
.
Sumunod naman si Yna kay Nico, na kanina lang ay nag-iba ang mood ng sabihin niyang may boyfriend na siya, parang may lungkot siyang nakita sa mukha ng binata,pero ngayon ay mukhang maayos na din ang mode nito, at ng makarating na sila sa poso ay naghugas na sila ng kamay, unang nagsabon ng kamay si Nico ng makasabon ay inabot niya ang sabon kay Yna, para na naman na kuryente si Yna sa pagkakasaling ni Nico sa kamay niya, pero hindi na niya masyadong pinansin ang pakiramdam na iyon.tinuunan na lang niya ng pansin ang paghuhugas ng kamay, at hanggang sa tinatawag na nga sila ni Mang temyong.
.
Temyong : halina kayo kumain.
Nico : opo..(sagot niya)..tara na sa loob princess.(baling niya kay Yna)
.
At pumasok na nga sila sa loob at dumulog na sila sa hapag-kainan..magkatabi na naupo si Nico at Yna..maliit lang ang hapag-kainan ng mag-ama, pang dalawang tao lang sapat para sa mag-ama, kaya naubliga tuloy silang magsiksikan na dalawa sa upuan na gawa sa tabla, halos nagkakasagian sina Nico at Yna sa upuan na yari lang sa kahoy..hindi tuloy alam ni Yna ang gagawin niya, at parang natataranta siya, naiinis na siya sa sarili niya, kung bakit daw ba siya nagkakaganoon, na parang nalilito at parang abnormal ang pintig ng puso niya kapag nasa malapit lang sa kanya si Nico..natutuwa naman ang puso ni Yna dahil, pinagsisilbihan pa siya ni Nico, nilagyan ni Nico ang plato niya ng kanin at ulam, sa pakiramdam tuloy niya ay parang boyfriend niya ito, at pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa talaga.di niya tuloy maiwasang ikumpara si Poli kay Nico, si Poli ay hindi ginagawa sa kanya ang lagyan ng kanin at ulam ang plato niya, kapag nagkakasabay silang kumain, bagkus siya pa ang gumagawa noon kay Poli, kahit pa iinumin ni poli ay siya ang nagdudulot para sa boyfriend niya.para pa ngang lumalabas na alalay siya ni Poli,. Kaya sa isip pa ni Yna kaswerte ng girlfriend ni Nico..at nagsimula na ngang kumain si Nico at ang mag-ama, pero siya ay nakatitig lang sa pagkain niya.
.
Temyong : Princess, bakit hindi ka pa kumakain?
Yna : ah, kakain na po ako.
.
Ang totoo naghahanap si Yna ng Kutsara at tinidor, nahihiya siyang magsabi sa mga ito na hindi siya sanay na magkamay..kaya wala ng nagawa si Yna kundi kumain ng nakakamay, natatawa na lang si Nico sa isip niya habang tinitingnan niya ng palihim si Yna, dahil nga napansin ni Nico na parang hindi sanay magkamay si Yna, halos mabalot ng nakadikit na kanin ang kamay ni Yna, Sa pagod ni Yna sa byahe ay napasarap ang kain niya, at napansin naman ni Nico na magana siyang kumain, mauubos na ang pagkain Sa Plato ni Yna at nilagyan pa uli ni Nico ng kanin at ulam ang Plato ni Yna.
.
Yna : ay, ayoko na sana, busog na ako.
Nico : busog ka na eh, kakaunti pa lang yong nakain mo.
Yna : madami na kaya yun.
Temyong : kumain ka pa Princess, madami pang kanin.
Esang : Opo nga ate Princess.madami po yong niluto ko.
Yna : busog na ako talaga.
Nico : kumain ka pa kahit konti na Lang.
Yna : sige konti na lang ha.
.
At ng makatapos silang kumain, ay iniligpit na ni Esang ang kanilang pinagkainan, tumulong naman si Yna kay Esang, dahil nahiya naman siya sa mag-ama, at tumulong din si Nico, pero sa paghuhugas ng kanilang pinagkainan ay hindi na pumayag si Esang na tulungan siya.
.
Esang : ako na lang po ang bahala dito ate Princess..kaya ko na po ito konti lang naman po ito eh.
Temyong : oo nga kulas, princess..hayaan nio na si Esang diyan.
Nico : para sana mabilis.
Esang : okay lang po kuya kulas.
Nico : sige, sabi mo yan ah.
Esang : opo..magpahangin po muna kayo doon sa labas..may duyan po doon sa harapan ng bahay sa may ilalim ng puno.
Nico : ah, masarap tumambay doon..halika muna doon sa labas Princess.
Princess : sige.
.
nagpunta silang dalawa sa labas ng bahay, may duyan sa ilalim ng puno, ibinukadkad ni Nico ang duyan,
.
Nico : mahal na prinsesa, maupo na po kayo sa duyan.
Yna : salamat.
.
Nakaramdam ulit ng katuwaan ang puso ni Yna, pakiramdam talaga niya ay isa siyang prinsesa, na pinagsisilbihan ng kanyang Prinsipe, at ng makaupo na si Yna ay saka naman naupo si Nico sa isa pang duyan na sa malapit lang sa duyan na pinag-uupuan ni Yna.
.
Nico : (dinama ang ihip ng hangin)..hmm…ang sarap ng ihip ng hangin..ang presko..mas masarap pang matulog dito kung walang lamok.
Yna : E di dito ka matulog mamaya kung gusto mo.
Nico : pwede naman,
.
Walang imikan ang dalawa, si Nico ay nasa isip pa din niya ang mga malambot na labi ni Yna ng dampian niya ito ng halik, si Yna naman iniisip niya ang mangyayari sa kanila ni Nico, dahil sa isip niya ay pagbabayaran na niya ang pagkakaligtas sa kanya ni Nico, sa isang iglap daw ay makukuha na ni Nico ang iniingatan niya, ang kanyang Virginity!
.
Nico : siya nga pala, gusto mo bang mag-shower?
.
Ngunit di sumagot si Yna dahil sa matindi siyang pag iisip.
Nico : Aking Prinsesa!!(malakas ba sabi)
Yna : Ayy aking prinsipe!!!(gulat niyang sabi)
.
Natawa namn si Nico sa kanya..
.
Nico : baka gusto mong maligo para bumango ka mamaya at mapreskuhan!
Yna : h-ha??
.
Hindi makasagot si Yna sa sinabi ni Nico na para mabango siya mamaya.,nakaramdam siya ng kaba, pero nakaramdam din siya ng excitement..nabuset pa siya sa sarili niya, anong klase daw ba siya at nakaramdam pa siya ng excitement, eh pagbabayaran nga niya ang pagkakaligtas sa kanya nito, at hindi naman sila magha-honey moon para makaramdam siya ng excitement, sabi niya sa sarili niya ay siya daw ay isang napaka-pambihira, kukuhanin na ang kanyang dangal, excitement pa ang nararamdaman niya.
.
Nico : hey, ano na aking prinsesa ipagiigib na ba kita?
Yna : h-ha!! Oo sana.
Nico : sige, iwan muna kita jan at ipag-iigib kita sa banyo.
.
pinag-igib ni Nico si Yna, si Yna naman ay pinagpapawisan siya ng sobra kahit na mapresko ng mga sandaling iyon, dahil sa isip niya ay maya maya lang ay mawawala na ang kanyang virginity, dahil kukuhanin na ni Nico ang pinaka-iingat ingatan niya, at ang hindi niya maintindihan sa sarili niya na kung bakit parang wala siyang makapa na takot para sa sarili.
.
Itutuloy..
.
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbabasa..♥️♥️♥️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top