Acquaintance (Part 1)


Genre: LGBTQ
Author: KennChi Rice
Kien’s POV
Tinatawagan ko si Aries, ang aking kapatid, ng hindi mabilang na beses. Pauwi na ako at naghihintay na lang ako sa taksi.
Lasing ako kagabi kaya hindi ako nakauwi ng mag-isa. Napalasing ko ang sarili ko dahil hindi pa rin ako nakaka-move on sa girlfriend kong nakipaghiwalay sa akin noong isang linggo.
“Aries, sa wakas, sumagot ka ring bata ka!” ani ko.
[O? Ba’t napatawag ka? Lagot ka kina Mama, hindi ka na naman umuwi kagabi, tignan mo nga yang cellphone mo, madami ng missed calls] sabi niya sa akin.
[Nagpakalasing ka na naman ‘no? Itigil mo na nga ‘yan, gabi gabi ka nalang naglalasing e, masusunog na ‘yang atay mo] dagdag niya.
“Tumahimik ka nga! Pakisabi kina Mama na pauwi na ako, naghihintay lang ako ng taksi” bilin ko sa kaniya.
[‘Yon nga lang ay kung makakauwi ka pa]
“Ano?!”
Tumawag agad ako sa taxi na dumaan at pumasok. Sinabi ko sa driver ang address ko at tinawagan ko ulit si Aries dahil binaba niya ang telepono ngunit hindi na siya sumasagot.
“Kuya, pwedeng pakibilis?” sabi ko sa driver at sumunod naman ito sa akin.
Pagdating ko sa bahay, binayaran ko na ang driver at agad na lumabas ng sasakyan. Bubuksan ko na sana ang gate ngunit nagulat ako ng makita ko si Mama na may hawak na pagkain.
“Ma” Lumapit agad ako kay Mama at nag mano.
“Sorry po, hindi ako nakauwi kagabi, madami kasing pinagawa si Boss Erick” pagsisinungaling ko.
“Busy o naglasing ka na naman? Itigil mo nga ‘yang pagsisinungaling mo, Kien, duamting yung katrabaho mo dito kahapon, sabi niya natanggal ka daw sa trabaho”
At iyon din ang dahilan kung bakit umiinom ako ng maraming mga alkohol kahapon ng gabi.
“Tabi diyan” sabi ni Mama at lumabas ng bahay, inilagay niya ang dala niyang pagkain sa loob ng jeep ni Papa.
Lumabas din si Papa sa bahay, may hawak na basket na maraming plato, kutsara, tinidor at baso.
“Saan kayo pupunta, Pa?” tanong ko kay Papa.
“Kumuha ka na ng pambihis mo doon, pupunta tayo ng beach” utos niya.
“Anong meron?” tanong ko.
Hindi siya sumagot kaya imbis na hintayin siya ay naglakad na ako sa loob ng bahay. Hindi ako tumitingin sa aking daan at nagbanggaan kami ni Aries.
“Ate, bulag ka ba?!”
Ang mga bagay na hawak niya ay nahulog ngunit hindi ko alintana na magsorry.
“Napagalitan ka ba?” tanong niya.
“Hindi”
Naglakad ako sa loob ng kwarto ko at kumuha ng damit. Kukuha na sana ako ng twalya ngunit nakita ko ang...


litrato ni Kendy na kasama ako.
Girlfriend ko si Kendy, para siyang kalapating mababa ang lipad ngunit hindi pero pagkatapos ko siyang mahuling nakikipaghalikan sa ibang lalaki….. Wala akong masabi.
“Ate, magdala ka daw ng mga damit na kasya pang tatlong araw dahil doon daw tayo mag o-overnight sa beach, medyo malayo-layo din” sabi ni Aries.
Itinago ko kaagad ang litrato ni Kendy at sa kabutihang palad ay lumabas si Aries sa kwarto ko matapos niyang sabihin sa akin iyon.
Naglagay ako ng maraming damit sa loob ng aking backpack at mga bagay na kailangan ko. Lumabas ako ng bahay at inabot sa akin ni Mama ang mga susi upang ma-lock ang bahay.
Pumasok na ako sa loob ng aming jeep at pinaandar na ni Papa ang makina.
Hindi ba dapat galit sila sa akin? Bakit parang magkakaroon sila ng pagdiriwang? Mayroon bang dapat ipagdiwang?
Pagkatapos ng 30 minuto ng pag-upo, naramdaman kong medyo nagutom ako at pagkatapos, nakakita ako ng meryenda sa loob ng isang plastic bag. Akmang kukunin ko na ito kaso naunahan ako ni Aries.
“Hoy akin na ‘yan!”
Inagaw ko ito ngunit mabilis niya itong kinuha. Sinubukan kong hilingin sa kanya na ibigay ito sa akin ngunit sobrang takaw niya na ibalik lamang ito.
Nag-away kami dahil sa meryenda ngunit hanggang sa mapagalitan kami ni Mama at kunin ang meryenda na pinagaagawan namin.
Nang makarating kami sa beach resort, bumaba agad kami ni Aries at kinuha ang lahat ng mga gamit sa jeep. Tinulungan kami ni Papa na dalhin ang mga gamit sa cottage habang si Mama ay abala sa pagtawag sa telepono.
“Anak, may makakasama tayo ngayon dito sa beach, tatlong araw din natin silang makakasama, kaya kayong dalawa, i-control muna ninyo ang sama ng loob niyo sa isa’t isa” bilin ni Papa sa amin at tumango lamang kami ni Aries na parang maliliit na bata.
Ang mga taong hinihintay nina Mama at Papa, kararating lang. Ako at si Aries ay nanatili sa maliit na bahay habang ang aming mga magulang ay gumagabay sa mga taong makakasama namin.
Mayroong apat na tao lamang ang dumating at sa palagay ko ang babaeng mukhang nasa kwarenta ay kaibigan ni Mama at ‘yon namang kasama ni Papa na mukhang asawa nitong babaeng kausap ni Mama ay kaibigan din ni Papa.
Isang lalaki na mukhang kasing edad ni Aries ang bumaba mula sa traysikel at isang babaeng mukhang kaedad ko o baka mas bata sa akin ay bumaba din.
Ang babaeng iyon na kausap ng aking Mama, tinuro ang aming cottage.
“Hi, Elyse nga pala”






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top