Katrabaho ko Lang Noon, Kinakasama ko na Ngayon


Hi, ako po si Abby. Nagtatrabaho ako dati sa Bulacan bilang Dicer, checker, cashier at kung ano ano pa. Isang araw dumating po ang isa kong katrabaho galing sa bakasyon at kasama nya na ang kapatid nya para daw magtrabaho. Nung una para sakin po wala lang di ko kasi sya bet at saka isa pa matanda ako sa kanya ng apat na taon. Hanggang sa nanliligaw na sya at sinagot ko sya. Hindi ko talaga sya gusto, parang pinagtripan ko lang sya at dahil mabait sya di ko akalain na mahujulog din pala ko sa kanya. Mag jowa pa lang kami pero ang dami ng pagsubok ang dumating samin. Tumagal kami ng isat kalahating taon na mag jowa bago kami pinagbukod ng boss namin. Kaya yung sinasahod namin non sa trabaho napupunta na lang sa gastusin sa upa ng bahay at kuryente at iba pang pangangailangan. Isang araw umuwi sya ng probinsya...


sa Bicol at syempre sinama nya ko. 1week kami don. Hanggang sa bumalik na ulit kmi ng bulacan at hindi nagtagal inuwi nya na ko ng Bicol. Dito na kami tumira at andito pa rin kami ngayon. Pauwi uwi lang kami ng Nueva Ecija noon. At ngayon po ay may 2 na kaming anak na lalake, isang 3 at 2 years old. Maraming pagsubok sa pagsasama namin, madalas mag away. Pero nagkakaayos naman. Dumating din sa punto na gusto ko na makipaghiwalay dahil mnsan di kami nagkakaintindihan. Siguro po dahil sa edad nya na 19 years old nung mag asawa at ako nman ay 23 na. Mag 7 years na po kami magkasama at 29 na po ako ngayon at sya nman ay 25. Ngayon po ay dito kami nakatira sa tatay tatayan nya na wala pong asawa.
Sabi nga po ng iba, MAG AAWAY LANG PERO DI MAGHIHIWALAY.

09059754711
CAMARINES SUR






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top