CRUSH KO NOON ASAWA KO NA NGAYON.❤️


CRUSH KO NOON ASAWA KO NA NGAYON. ♥️♥️♥️

Ako si Jess. marami akong karanasan sa buhay sa murang edad ay may panahon na naliligaw Ako ng landas at ngayon ay nahanap ko na Ang tamang landas na tatahakin ko.

Noong ako ay nasa edad 18-20 ay nagkaroon ako ng mga kasintahan na kung tawagin ay tomboy. Hindi ko alam pero na aatrack Ako sa mga babaeng mukang lalaki. hindi ko hilig ang pumatol sa mga lalaki pakiramdam ko kasi ay mas komportable ako sa katulad kong babae. hanggang sa dumating Ako sa point na tumatanda na ako at unti-unti kong narerealize na subukan kong magmahal ng lalaki.
may kababata akong nangangalang kent simula bata palang kami ay may gusto na ako sa kanya siya kasi yung tipong ang gwapo ang bait at maalaga.
pero kahit kailan ay hindi ako umasa na magiging kami sapagkat sila ng aking kaibigan. dumating ang araw na sila ay naghiwalay sa kadahilanang may bagay silang hindi napagkasunduan.

5years ago ay bumabalik ang pagka gusto ko sa taong ito. si kent ay tahimik na tao lang kaya naman mas lalo akong na curious sa kanyang buhay.
lahat kasi ng gusto ko sa isang lalaki ay nasa kanya bukod sa mabait ay may hitsura,matangkad, matangos at tahimik.

hanggang sa isang araw ay dumating ang pandemya na kinakaharap natin sa ngayon. taon feb 2020 ay nakanap ako ng trabaho at KINAKAILANGAN ko ng masasakyan dahil nga pandemya ay pahirapan ang sakayan walang jeep kadalasan ay makikita mo sa kalsada ay motor at tricykle. Hanggang sa naglakas Ako ng loob na Ichat sya para magpahatid sapagkat may motor sya ng mga panahon na ito.
hanggang sa pumayag sya at nagkauasap kami magdamag.
hindi ko na sinayang ang pagkakataon na makausap sya hanggang sa may inamin sya akin.

Kent-Alam mo bang gusto kita matagal na?

Ako-Ha? Joke time ba to?

Kent-Hindi naman ako papayag...


na ihatid at sunduin ka kung wala akong gusto sayo.

ng mga panahon na yan ay hindi ako makapaniwala.
panong magkakagusto sya sa akin eh nung mga bata kami ay sila ng aking kaibigan.

Dumating ang araw na magpapahatid na ako at nagkausap kami at ang sabi nya ay matagal na niya akong gusto simula pa nung sila nung aking kaibigan. pero hindi nya ako niligawan ng mga panahon na iyon sa kadahilanang baka masira ang pagkakaibigan namin ng ex nya.
Habang kami ay nag-uusap ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya.
“SIMULA NGAYON SUSUYUIN AT LILIGAWAN NA KITA” Hindi ko alam ang isasagot ko ng mga panahon na yan.

nung pauwi na kami ay hinatid nya padin ako hanggang sa pumayag ako magpaligaw 3 months na panliligaw nya ay pumayag na akong maging kami. 🥰❤️

Sya ang kauna unahan Kong minahal na lalaki at masasabi ko din na huli.
sya yung lalaking lulunukin ang pride para sa akin never nya akong nasabihan ng masasakit na salita o ano pa.
at ngayon ay magdadalawang taon na kami at magkakaron na ng anak na lalaki ♥️♥️♥️
at sa susunod na taon ay ikakasal na.
isa sa dahilan ang pandemya kung bakit kami ngayon ay nasa ganitong sitwasyon nagpapasalamat ako dahil kahit na hindi maganda ang dala ng pandemya sa ating bansa ay may mga bagay na nagpapasalamat tayo dahil natuto tayo at may nangyaring maganda sa ating buhay sa panahon ng pandemya.

Wala akong pinagsisihan na bagay sapagkat na Kay Kent na lahat ng aking pinapangarap.
magkakaron na kami ng pamilya dalawang bwan nalang ay lalabas na Ang aming panganay. 🥰🥰🥰
Sana po mapili niyo ang aming love story para may onti kaming maipon sa darating na manganganak ako. Maraming salamat sa lahat ng bumasa sana po ay nagustuhan niyo ang aming love story… ♥️♥️♥️
09464536436






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top