Love is tested but must not be tried


Unang una sa lahat ay bumabati po ako sa inyu ng mgandang gabei at Merry Christmas..
Year 2019 month of ( June) Nasa work ako nong time na yun ay may biglang tumawag sa akin nang paulit ulit at first hindi ko sinagot dahil nasa work nga at nasa field ako ng time na yun so sobrang init at walang time mkipag kwentuhan sa cp..At dahil twag nga siya ng twag hanggang sa gumabi na ay sinagot ko na yung cp ko..at nong pagkasagot ko ay singawan ko siya at di sinagot ng maayos kasi nga di kami magkakilala at wala talaga sa isip ko non na may time sa mga ganyan.. Pero kinabukasan ay nalaman ko lng pala na kapitbahay sila ng aking pinsang babae ni rereto niya pala ito sa akin ..at sinabihan ko siya na bakit mo ginawa yun sa akin at ang sabi niya ay wala naman daw akong boyfriend at mabait naman daw yung lalaki ay wala.naman daw problema don.. Kaya ayon naging okey naman ako dahil nga pinsan kona ang may sabi na ganun nga yung lalaki.. hanggang sa gabi2 halos araw2 na kami nag uusap after sa work ko ay tumatawag talaga siya Year ( December) 2019 nag desisyon na kami na magkikita at first nandon ang kaba dahil mula agusan del sur hanggang davao ay bumiyahe talaga siya para lng mkuha ang sagot ko na maging kami ba o hindi…at ning nagkita na kami ay agad na niya itong itanong sa akin ..medyo pahiya hiya pa nga ako noon๐Ÿ˜ pero sa kalaunan ay sinagot ko naman siya..at nong araw na noon ay na amazed ako dahil pinakilala agad ako sa kanyang mga pinsan at pamilya niya..na agad ko namang ikinamhangya sa kanya dahil ika nga ay di ganun lahat ng lalaki…pagkatapos non ay di ko naman tinagal ay pinakilala ko na siya agad sa aking mga magulang..medyo sariwa pa aming pagkilala at di namin inisip na tama ba yung mga desisyon na gagawin namin ..talagang minamadali naman lahat ng hindi namin iniisip kong ano ang magiging result sa aming mga ginagawa..6 months pa lng ay bumisita na agad siya sa bahay ..June...


(2020) pumunta siya ulit sa bahay kalaunan ay birthday niya next month ..habang nag uusap sila ng aking mga kapatid..di ko inakala na sa araw ng kaarawan niya ay hinihingi niya na ako sa aking mga magulang na agad ko namang di ini xpect..oo at first mahirap pero dahil sa mahal lang talaga namin ang isat isa ay nagsama agad kami..Masaya ang una naming pagsasama walang problema at walang trials na dumating..Dumating talaga sa isip ko na napasa swerte ko talagang babae ..1 year after nang aming pagsasama month of ( May)2021 ay di ko inaasahan ang malaking problema na dumating sa buhay namin siya ay nadisgrasya at maswerteng nabuhay..at habang ako ay di ko alam na may ganun na mangyayari sa buhay namin..talagang problema ako ng time na yun dahil nga sa mga gastusin ko sa hospital at kung saan araw araw kami kukuha ng pera dahil nga wala akong work ng panahon na yun at pati siya..Online selling lang yung panandalian na pinagkaka abalahan namin pero di naman palagi..Don na rin ang time na sinabi ko sa sarili ko na napakatanga ko dahil di ko alam ang pinasakuhan kong buhay..walang wala ako noon..walang gana kumain. dahil nga na operahan yung partner ko at kailangan ko bumili ng stainless sa paa.niya huhu..talagang gusto ko na sumuko non buti na lng andiyan ang mga tunay na kaibigan ko at mga magulang ko na siyang number 1 na tumulong sa akin..nagpapasalamat din ako sa diyos dahil niya kami pinabayaan at binigyan pa nang pangalawang buhay ang partner ko..after naming mkalabas sa hospital ay kung saan saan na ako nag apply pero 7 months din bago nkahanap ng trabaho.. Talagang maikli lang ang panahon at di natin alam kung saan lang tayo andiyan sa ating minamahal at pamilya..kayat hanggang ngayon nagsasama pa kami ng partner ko kahit hindi siya maiging nkakalakad ay minahal ko pa din siya at di kinahiya sa iba..kahit na sinasiraan pa kaming dalawa..dahil nga nasa isip ko at minahal ko siya kung anong meron siya at mamahalin kopa din siya kahit maging PWD parin siya.. ito lamang po aking kwento at maraming salamat 09501731748






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top