Aking Prinsesa Chapter 14


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 14
.
At samantala sa pagkakataong iyon ay sinamantala ni Nico na umalis sa lugar na iyon, hindi na siya nagpaalam pa kay Ferdie, dahil baka ipilit na ibigay ang pera sa kanya, na ayaw niyang tanggapin.. natatakot din siyang sabihin kay ferdie na mahal niya si Yna, na nobya na niya ito, dahil sa ngayon lang niya naisip na hindi pala sila magkaparehas ng estado sa buhay ng kanyang mahal, mayaman si Yna at siya ay isang mahirap lang, at isa pa baka daw sabihin pa ng ama ni Yna na kaya pala ayaw niyang tanggapin ang perang ibinibigay sa kanya, eh mas malaki pa pala ang hangad niya, dahil daw baka isipin ng ama ni Yna na kaya ayaw niyang kuhanin ang pera ay dahil ang gusto niyang maging kapalit ay ang mapabilang sa pamilya nito at ng sa ganun daw ay ang pag-aari ni Yna ay magiging pag-aari na niya,.. naguguluhan na ang kanyang isip, kinagagalitan niya ang sarili kung bakit daw ba kasi hindi niya naisip ang ganoong bagay, tuloy ayun namomroblema na siya, ngunit dikta ng puso niya na ipaglaban niya kung ano ang nilalaman nito, sabi naman ng isip niya na hindi sila bagay dahil isa siyang mahirap lamang..sabi naman ng puso niya na sa pag-ibig walang mahirap o mayaman..nagtatalo ang puso at isip niya hindi na niya alam ang gagawin.. nasasabik na siyang makita ang babaeng minamahal, gusto na niyang makita ito. Pero hindi niya alam kung paano niya agad ito makikita, at isa pa parang nagkaroon siya ng takot dahil may kasalanan siya kay Yna, hindi niya sinabi ang totoo kay Yna na siya ay kinuha ng ama nito na maging bodyguard, sa isip niya kung malalaman ba ni yna na siya pala ay isang bodyguard lang gugustuhin pa kaya siya ni Yna, kung bakit kasi ayaw ipa-alam ng papa ni Yna na bodyguard siya ni Yna.. mahigpit na ipinagbilin kasi ni Ferdie kay Nico na huwag ipaalam kay Yna na bodyguard siya dahil, ayaw ni Yna ng may Bodyguard, noong mga panahon na nagpunta sila Yna sa Cebu na kasama ang tita belinda niya at tito Robert niya ay pinasunod roon si Nico, at pinamanmanan ni Ferdie si Yna kay Nico.. na kung maaari ay huwag siyang magpapakita kay Yna..kaya habang nasa Cebu si Yna ay nakasubaybay lang si Nico kay Yna, na kahit ang tita Bel niya ay hindi alam na pinababantayan ni Ferdie ang anak, dahil kabisado ni Ferdie ang anak, gagawa at gagawa ng paraan para lang makasama ang barkada at para na din makasama si Poli..na talagang against si Ferdie sa anak ng matalik niyang kaaway..at inoutos din ni Ferdie na kung sakali nga na takasan ni Yna ang tita niya ay turuan ito ng leksiyon..dahil malaki ang tiwala ni Ferdie sa anak ni Leo na matagal na nagsilbi sa kanya bilang driver, at kilala niya rin si Nico mula pa noong binatilyo pa ito..alam niyang mabait na bata si Nico at alam niyang mapagkakatiwalaan ito..at lumipas ang mga minuto dahil sa abala si Ferdie sa mga nangyayari sa kampo ng sundalo dahil sa pagkamatay ni Noel..hindi na namalayan ni Ferdie na nakaalis na si Nico sa lugar na iyon..sinamantala ni Nico na umalis sa lugar na iyon habang abala si Ferdie..at hanggang sa hinahanap na ng mga mata ni Ferdie si Nico, pero hindi niya ito makita, tinawag ni Ferdie ang tauhan na hanapin si Nico, pero hindi din makita ng mga tauhan si Nico.
.
Tauhan : boss wala si Nico, pero may nakakita n. Kanina pa daw po umalis.
Ferdie : ano? Sige tingnan nio baka abutan nio pa..yong pera niya di kinuha. Pambihira naman yong bata na yun..
.
At nagpunta nga ang mga tauhan ni Ferdie sa posibleng daanan ni Nico pero bigo silang makita ang binata..kaya bumalik ang mga tauhan kay ferdie ng hindi nila nakita si Nico.
.
Tauhan : boss wala talaga,.
Ferdie : sige hindi bale at may kontak pa naman ako kay Leo..pambihira talaga..inaayawan niya yong perang ibinigay ko.
.
Samantalang si Nico ay naki- angkas siya sa mga magsasaka na galing sa taniman ng mga gulay, at papunta sa kabayanan ang magsasaka upang ibagsak ang mga gulay sa may palengke., napagpasyahan niyang puntahan muna ang mag-amang esang at Artemio o Temyong, at para na din na malaman ng mag-ama na maayos na sila, at hiniling ni Nico na sana naman daw ay walang nangyaring masama sa mag-ama..at hanggang sa lumipas ang oras ay nakarating na sila sa kabayanan..ipinagpasalamat ni Nico na may pera pa siya sa kanyang pantalon sa may secret pocket at sa kanyang pitaka, mabuti na lang daw na hindi niya ito isiniksik sa bag..dahil noong oras na hinahabol sila ng mga tauhan ni Noel ay hindi na niya alam kung saan na niya nabitawan ang bag, hindi na niya maalala kung saan niya ito naihulog, pati ang celpon niya hindi na din niya alam kung nasaan…pinatuyo niya ang mga laman ng wallet habang naroon sila sa bahay nila ka Imong.kaya meron pa siyang gagastusin para sa pamasahe at pati sa pagkain, samantalang si Ferdie ay nagpasya na siyang umuwi sakay siya ng chopper na pinahiram sa kanya ng kanyang bayaw niya na si Bernard, kapatid ng yumao niyang asawa, at lumipas ang mga oras ay naroon na sila sa kanilang building, lumapag na ang chopper sa rooftop ng building, at hanggang sa naroon na sila sa parking area, pinagkaguluhan sila Yna ng mga media.. pero hindi niya sinagot ang mga tanong ng mga ito.. ayaw na muna niyang mgsalita. kaya nagpasalamat si Yna dahil naroon ang tito Robert niya at ito ang kumausap sa mga reporters, natuwa siya sa tito Robert niya na talagang diretso na ang Tagalog nito..dahil ang tito Robert niya na asawa ng tita bel niya, hindi nabiyayaan ng anak ang mga ito. kaya siya ang itinuturing na anak nito.. at...


hanggang sa makarating na sila sa kanilang bahay, pumasok na si Yna sa kanyang kwarto, namiss niya ang kanyang sariling kwarto, pero ang mas namimis niya ay si Nico, nasasabik na ang puso niya na makita si Nico, habang nasa ere sila ay walang laman ang isip niya kundi si Nico,.sobrang hapong hapo ang katawan niya, parang gusto niyang mahiga. pero pumunta muna siya ng banyo upang maglinis ng katawan dahil naglakagkit ang pakiramdam niya..at ng makatapos maligo ay pinaandar muna niya ang tv at ng sa ganu’n daw ay mabaling sa iba ang isip niya dahil sa nalulungkot siya dahil miss na miss na niya si Nico. pag-kaandar ng tv ay humarap na siya sa kanyang tokador at pinaandar niya ang kanyang hair dryer at nagpatuyo ng buhok..at habang nagpapatuyo ng buhok ay nanonood siya ng TV at hanggang sa nagkataon na May Flash report, at nanlaki ang mga mata niya ng mahagip ng mata niya si Nico at ganun din ang papa niya..pinatay niya ang dryer at nakatutok siya ng husto sa kanyang TV..at si Nico ang nagsasalita at sinasabi ni Nico ang mga nangyari sa kanila ng kidnapin siya ng mag-amang Poli at Noel..at nabigla din siya sa balita na namatay din si Noel sa kadahilanang nagtangka itong lumaban at nang-agaw ng baril ng sundalo. na dahilan ng ikinamatay nito, at nakita rin niya si Mitch na halos itago ang mukha sa camera.. nakaramdam siya ng awa dito, kahit nman daw paano ay naging kaibigan niya ito.. biktima lang siya ng pag-ibig kay Poli nagpakatanga dahil sa pag-ibig nito kay Poli.. at hanggang sa ang papa na niya ang in-interview.. napaawang na lamang ang labi niya ng marinig ang sinabi ng papa niya.. parang sumakit ang dibdib niya.. hindi siya makapaniwala na ang papa niya at si Nico ay magkakilala pala..at si Nico pala ay bodyguard niya..hindi siya makapaniwala!
.
Yna : body guard?(gulat niyang sabi)
.
parang nagkakaroon siya ng hinanakit sa isip niya, bakit daw ba hindi sinabi ni Nico agad nong una silang magkita ng binata na bodyguard niya ito.. niloko daw ba siya ni Nico. at sa isip ni Yna Yong pagmamalasakit daw ba ni Nico at pag-aalaga ay parte lang ng pagiging bodyguard nito..ah pina-ikot lang siya ni Nico at parang kumirot ang puso niya sa kanyang naisip.. ayaw maniwala ng puso niya na niloloko siya ng binata, pero ang sabi ng isip niya na kaparehas lang ni Nico si Poli na pera lang ang habol sa kanya ng binata.. nag-uunahan ng bumagsak ang mga luha niya, masakit sa dibdib niya ang isiping manloloko din si Nico, kung bkit daw ba kasi hindi sinabi agad ni Nico na bodyguard niya ito..umiiyak na siya dhil sa hinanakit niya sa sarili niya kasalanan niya daw iyon kung bakit nagkagulo-gulo ang puso’t isip niya, hina-yaan niyang mahulog ang puso niya sa binata. na ang buong akala niya ay mahal siya ng binata ayun pala. kaya pla siya prinotektahan ng mabuti ni Nico ay para makakuha ng malaking halaga sa papa niya..at hanggang sa pumasok ang tita Bel niya sa kwarto niya.
.
Belinda : what’s wrong..Hija, bakit ka umiiyak? ligtas ka na..huwag ka ng matakot..pack your things, at sasama ka sa amin sa America, doon ka na lang uli mag-aral, pra naman May tumao sa bahay ninyo doon..and please. no more protest..
Yna : Yes tita, sasama na po ako..
Belinda : sige bumaba ka na doon at kakain na tayo, siguradong gutom ka..
Yna : okay lang po ako tita. hindi po ako ginugutom.. aayusin ko na po Yong mga importanteng gamit ko.
Belinda : sige hija pati mga documents mo, asikasuhin mo na din,. pero pahinga ka muna..Kung sakaling nagugutom kana bumaba ka na, o Kya padalhan na lang kita ng pagkain kay yaya Meding..
Yna : hindi na po tita hindi po ako talaga gutom.
Belinda : sige.
.
Lumabas na si Belinda sa kwarto ni Yna, bumubuhos na naman ang mga luha ni Yna dahil sa sakit na nararamdaman ng puso niya, tanong niya sa sarili niya kung lagi na lang ba niyang mararanasan na masaktan ng dahil sa hindi naman pala siya tunay na minamahal ng mga lalaking nagpapatibok ng puso niya.. dahil ang mahal lang pala ng mga ito ay ang pera lang niya.. oo Malaki ang pagkakaiba ni Nico at Poli, si Poli ay ginawan siya ng masama, pero si Nico, iniligtas siya kay Poli dahil para lang din makakuha ng Malaking halaga.
.
Yna : Nico bakit? bakit hindi mo sinabi sakin ang totoo?.. katulad ka rin ni Poli na hindi ako mahal..pera din ang gusto mo. bakit ganun, kung kelan sobra na kitang mahal saka ko malalaman ang totoo, maniniwala pa ba ako kung sasabihin mong mahal mo ako, eh hangad mo din pala ay pera.. halos ibigay ko na ang sarili ko at kaluluwa ko sa’yo Nico, bakit kailangan mong ilihim sakin ang totoo.
.
habang nag-iimpake siya ng mga gamit niya sa maleta ay buo na ang pasya niya na sa America na lang siya mag-aral, at dahil sa hindi pagsasabi ni Nico ng totoo sa kanya ay nagkaroon siya ng hinanakit sa binata, hindi dahil sa bodyguard niya pala ito. kundi sinabi man lang daw sana ni Nico ang totoo na siya ay bodyguard niya. ay tatanggapin at mamahalin p din niya ito, at kahit pa ano ang estado nito sa buhay, ang gusto lang naman niya ay maging tapat.. kaya paano pa daw niya pinaniwalaan ang pagmamahal ni Nico kung sa una palng din ay nagsinungaling na ito sa kanya, at inilihim sa kanya ang totoo..kaya napagpasyahan na din niyang lumayo na lang muna, at kalimutan ang mga nangyaring masama sa kanya, at pati na din si Nico.. hindi maubos-ubos ang luha niya, napagod siyang mag-ayos ng mga gamit niya, Kya nahiga muna siya sa kama niya at hanggang sa nakatulog ssa sobrang sama ng loob..
Itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top