He is my Boss Chapter 1


‘Am.. pinapatawag nyo raw po ako sir..’
Nag angat sya ng mukha.
Kasalukuyan syang abala sa mga paper works nang pumasok ako.
Blanko ang mukha,idineretso nito ang ulo at tinapunan ng tingin ang upuang nasa harapan ng mesa nya.
Malinaw na pinauupo nya ako.
Tumalima naman ako.
‘Miss Lopez,tell me something ,do you really understand kung ano ang pinasok mo dito sa kumpanya ko?’
I was taken aback.
May mali ba uli sa huling report ko?
‘Ah eh.. ye-yes sir..?’
Hindi rin ako sigurado kaya nag tunog alanganin ang pagtugon ko.
‘Are you sure? Then bakit hindi mo ako mabigyan ng matinong report! Financial report ang kailangan ko bakit puro blanko na numero ang binibigay mo sakin? Nasan ang mga financial statement nitong huling linggo!’
Hindi ko ugali ang sumagot sa nakakataas sa akin
Pero sapagkakataong ito parang makaka break ako ng sariling rekord.
‘Eh sir nagrely lang po ako sa huling report ni Catherine..kasi ang sabi nya updated naman daw po yun?’
‘And so ganun na lang yun? Ilang araw nang wala si catherine?!’
‘One week na po ata’
‘So sa tingin mo nahinto na dun ang transaction na pumapasok sa kompanya! God hindi ka ba nag iisip talaga! Sandali ano bang tinapos mo? Bakit parang wala kang alam ?o baka naman inembento mo lang ang nakalagay sa resume mo para makapasok ka dito!’
Abat gago to ah!
Eh kung isampal ko kaya sakanya ang diploma ko.
Hindi man ako cum laude atleast nasa deans list ako
Consistent pa.
Maliban dun naging Two times employment of the month pa ako sa bangkong dating pinasukan ko.
Kaya wala syang karapatang hamakin ang kakayahan ko.
Pero parang naputulan ako ng dila.
Ni hindi ko maibuka ang bibig ko.
‘Tell me? Kaya mo ba talga ang trabaho mo! Because if you dont ,you can leave my office right away!Hindi ako nag sasayang ng pera para lang sa mga tangang katulad mo!’
May sumungaw na butil ng luha sa gilid ng aking mata.
Ngunit hindi ko ito hinayaang tumulo
Hindi sa harapan nya!
Ibinaba ko na lang ang tingin ko at napakuyom ng kamao.
This is too much! Sigaw ng puso at diwa ko.
Grabe na ang pang iinsulto nya sa akin!
At ang nakakainis hindi ko man lang magawang ipagtanggol ang sarili ko.
Wala kasi ako sa posisyon.
‘Answer me! Pinaka ayoko panaman ay ang pinaghihintay ako! Sabihin mo nang makahanap na ako ng iba!’
‘Okay sir.. ‘
‘Anong okay sir! Can you make it clear!’
‘Susubukan ko uli..’
‘And what if you failed again? Anong gagawin ko sayo then?!’
‘You can fire me as you wish.. ‘ deretsahan kong sagot.
I caught him...


off guard.
Ngunit mabilis ding nanumbalik sa pagkaseryoso ang mukha nito.
Yun naman ang gusto nyang mangyari di ba.
Eh di ibigay ng walang ligalig.
‘Okay.. im into it! And im taking this seriously kaya sa oras na pumalpak ka , alam mo na ang mangyayari sayo! You can leave!’
Nanginginig ang laman ko sa galit na napabalik sa aking mesa.
Ang sama nya talaga!
Parang demonyo sa sobrang sama!
At saka bakit kailangang ako ang gumawa ng financial report nya.
Napagtanto ko.
Secretary ang pinasok ko hindi accountant!
‘Dati kasing accountant ang girlfriend nyan si Amo’
Sandaling natigil ako sa pagnguya.
Kasalukuyang kumakain kami ni ate lourdes sa pantry nang maisipan nyang ichismiz ang buhay ng amo nya,
‘Oh okay . You mean may accountant pala sya dati? At ano ka nyo girlfriend nya?’
‘Oo nga’
‘Eh nasan na ngaun’
‘Wala na..’ sumilip pa sya sa labas, naniguradong kaming dalawa lang ang nasa loob.
‘Sumama sa ibang lalaki at alam mo ba kung kanino?’may pagkasuspense pa nyang sabi.
‘Para namang alam ko’
‘Sa bestfriend nya’
‘Ha?!’
‘Oo, palibhasa mas mayaman at mas malaki ang kompanya nun kesa kay Sir Benjie kaya alam mo na..’ nangiti si ate nang nakakaloko
‘Oh okay.. so parang iniputan sya sa ulo ng nobya nya’
Hmp! Mabuti nga sa kanya
Kahit papano naibsan ang sama ng loob ko sa animal.
‘Shhhh.. wag kang maingay baka may makarinig sayo, ikaw lang ang pinagsabihan ko ng kwentong ito’
‘Oh okay’
Pero wala sa lovelife ni Sir benjie ang concern ko.
‘Eh bakit hindi na sya naghire ng bagong accountant? Eh meron naman pala sya dati? ‘
‘Meron naman kaso katulad ng mga nauna sayo hindi rin nagtagal, hindi nya kasi nagustuhan ang mga sumunod na accountant, ‘
‘Ano yun dahil mas prefer parin nya un ex nya ganun?’
‘Hindi naman..ang totoo nyan nalulugi na kasi ang kompanya nya, nawawalan sya ng pera at hindi nya alam kung saan ito napupunta nagkataon namang ni isa sa mga nahire nya eh walang kakayahang matrace ang perang lumalabas ,halos mabaliw nga si catherine jan, sa kanya kasi naiatang ang trabaho, eh katulad ko lang ding syang walang alam kaya ayun nagkaroon na ata sya ng nervous breakdown.marinig lang ang pangalan ni Sir Benjie nawawala na sa sarili’
Kinaawan ko tuloy ng di oras si Catherine.
May kutob pa nga ako na baka hindi na sya bumalik sa trabaho eh.
So goodluck nalang talaga samin ni ate lourdes.
Pano pa kaya pag pumalpak pa ako
Eh di mas lalo silang nawalan ng tao
Hmp! As if i care..
Sa tindi ng pang iinsultong natanggap ko mula sa kanya kanina,
Abay,
Dapat lang sigurong magdusa sya!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top