TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 10
“You should really hire some as soon as possible, Fiya. Para kapag natapos ang isang branch natin sa Maricela, hindi na tayo mahihirapan pang-humanap ng tao doon. And please, submit to me the resume of those people, I will be the one to interview them.” boses ni mama ang nabungaran ko ngayong umaga ng sabado.
Nakatayo siya sa gitna ng aming sala, halatang kagigising dahil sa suot na roba, at sa magulo nitong buhok. But her messy hair wasn’t deducted as Adelaida Mondelo, still, the elegant Adelaida. May kausap siya sa phone nang lapitan ko.
“Good morning, Ma.” sabay yakap mula likuran at hinalikan sa pisngi.
“Good morning, too, hija.” balik na tugon niya nang ibaba ang phone.
Bumuntong hinga siya ng malalim, “What’s with that heavy sighed? May problema ba sa restaurant?”
“Hay! Bakit ba kasi an’tagal mong makapagtapos sa pag-aaral? Kung pwede sanang hilahin ang araw ay ginawa ko na para naman may katuwang ako sa negosyong iniwan ng lola mo. Iyang papa mo sana pero hindi naman maiwan ang trabaho sa banko, atsaka ‘yang kuya mo… isa pa ‘yan, sinunod ang yapak ng papa mo.”
Mahina akong tumawa sa mahabang litanya niya. Si Mama ang namamahala sa namana niyang restaurant sa mga lola’t lolo ko. Dahil galamay at magaling magpatakbo si Mama, lumago ito ‘gang sa nagpatayo pa siya ng ibang branches sa parte ng Maricela at Cuerto, kabilang bayan. Kung tama ang narinig ko at sa pagkakaalam ko, nangangailangan sila ng tao para sa ginagawa pa lang na restaurant doon.
Si Papa at Kuya Dartian tumutulong lang kay Mama ‘pag hindi gaanong busy sa banko.
I hug her tighter, “Relax, Ma. Ang wrinkles dadami ‘yan. Sige ka,” pananakot ko.
“Promise, ‘pag nakatapos ako, tutulungan kita. Saka nandiyan naman si Ate Fiya.” Tukoy ko sa matagal ng nagtratrabaho sa’min, na naging manager sa main restaurant namin sa Sentro kalaunan.
“Sige na! sige na! Basta pagbutihin ang pag-aaral.” Napako ang paningin niya sa suot ko. Tumaas ang isang linyang kilay niya. “Saan ka pupunta? Sa pagkakaalam ko wala kang pasok ngayon sabado.”
“Ah. Magpapaalam sana ako, Ma. Pupunta ako sa school. May meeting kaming magkakagrupo tungkol sa project.”
“Okay. Eat your breakfast first, Hija. Gigisingin ko pa ang Papa mo.” Then, she left and headed to the stairs.
Tumungo ako sa kusina. Hindi magkandamayaw sa pagbigay ng pagkain sa’kin si ‘Nay Melda. Nakarinig pa ako ng maraming salita galing sa kanya nang kaunti lang ang kinain ko.
Sa katunayan busog pa talaga ako dahil sa kinain ko kagabi sa burol… feeling ko hindi natunaw iyong kinain ko kagabi. Is that even possible?
If I’m not sweaty that night, wala pa akong balak maligo, dahil ayokong lisanin ako ng amoy ni Travis.
Balak ko pa sana siyang dalhan ng mensahe upang itanong kung nasa kanila na ba siya, pero naunahan ako ng hiya. Kaya sa wakas, mas pinili ko nalang na puntahan siya sa kanila mamayang hapon pagkatapos sa school.
Hindi ba’t mas nakakahiya ang pangalawang plano kesa doon sa nauna, Candace? Kapal ng mukha talaga. Kontra ng isip ko.
Pero hindi natuloy ang pagbisita ko...