MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR CHAPTER 7


MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR❤️❤️
.
CHAPTER 7
.
Girlie : bilisan nio girls, at baka mainip na yong mga costumer ng Club, samantalahin niong magugustuhan kayo ng mga tao para magkaroon ulit kayo ng malaking tip.
.
At ang lahat ng mga kasamahan ni Kate ay naka-gayak na, nagbubukod tangi lang siya na nakaupo sa sopa, at talagang walang balak sumama sa mga kasamahan niya.
.
Girlie : oh ikaw kate, hindi ka ba talaga sasama?
Kate : hindi po maiiwan na lang po ako dito..
Girlie : oh sige kung ayaw mo talaga hindi na kita pipilitin, isara mong mabuti ang mga pinto dito ha, mag-isa ka lang dito, mahirap na..sa panahon ngayon maraming masasamang tao..
.
Nagliwanag ang mukha ni Kate sa sinabi ni Girlie, sa tingin niya ay hindi galit si Girlie sa kanya dahil sa hindi na siya sasayaw..hindi niya kasi talaga kayang ibandera ang katawan niya sa mga makasalanang mata, natuwa naman si Kate kay Girlie dahil inaalala pa din maman daw pala siya ni Girlie.
.
.
Kate : opo, mam Girlie salamat po at naiintindihan nio na ako, salamat po talaga!!
Girlie : ano pa bang magagawa ko, sa ayaw mo eh..sige aalis na kami, pagkaalis namin ilock mo na yong pinto ha, siguraduhin mong naka lock.
Kate : opo salamat po!
.
At umalis na nga ang mga kasamahan niyang mga babae kasama si Liezel at ganun din si Girlie, tinawagan muna ni Girlie si Micah.
.
Girlie : paalis na kami Micah.
Micah : okay, pinapunta ko na Diyan si Mr.Galvez, binigay ko na din yong susi sa kanya..
Girlie : okay!!
.
Samantalang naman si Katelyne ay medyo magaan na yong pakiramdam niya, dahil sa pagkakaalam niya ay inintindi siya ni Girlie, ngunit lingid sa kanyang kaalaman, hindi niya alam na may masamang balak ang mga ito, umakyat na si kate sa kwarto sinigurado muna niyang naka-lock ang mga pinto, pagkatapos ay umakyat na siya sa kwarto, naligo muna si kate at pagkatapos maligo ay nagpatuyo na ng buhok, at nang matuyo na ang buhok ay pinatay na niya ang ilaw at mahihiga na siya, para makatulog na siya, dahil maaga siyang gigising bukas dahil aalis na siya roon, susubukan na lang niyang maghanap pa ng ibang trabaho. Gagamitin na lang niya ang konting pera na ibinigay sa kanya ni Girlie..nahiga na si Kate sa kama. At nagpasalamat muna siya sa Poong May Kapal sa mga biyayang natanggap niya, at nagpasalamat siya sa patuloy na pag-iingat sa kanya, at humingi din uli ng gabay, sa patuloy na pagtahak niya dito sa mundong ibabaw…at hanggang sa ipinanatag na niya ang kaisipan, kailangan niyang magpakatatag ngayon dahil walang tutulong sa kanya kundi ang sarili niya lang..hindi rin niya maiwasang hindi isipin si Alvin, hindi na niya nakalimutan si Alvin, hindi niya maintindihan kung bakit napakasakit sa damdamin niyang may asawa na ang lalaking tumulong sa kanya, sa isip niya na talagang nahuhulog na ang damdamin niya kay Alvin, kahit ilang araw pa lang silang nagkikita, iba ang epekto sa kanya ni Alvin..meron din naman nanliligaw sa kanya na may kaya din naman kaya lang hindi siya nagkaka-interes sa mga ito..pero si alvin iba talaga..nag-iinit na ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang mga luha, namimis na kasi niya si Alvin, kinagagalitan niya ang kanyang sarili dahil ang pagakakaalam niya ay may Asawa na ito..at hanggang sa nakakaramdam na siya ng Antok.at unti-unti ng pumipikit ang mga mata niya at tuluyan na siyang nakatulog.
At samantala naman si Alvin ay pagkatapos ng kanyang mga meeting sa mga investor ay nakaramdam ng pagod, pero ayaw pa niyang umuwi sa bahay bakasyunan niya, bumalik kasi si Alvin sa Baguio dahil may mga inaasikaso siyang mga negosyo dito sa Baguio, nag-liwaliw muna si Alvin, pumasok siya sa isang night club, at doon ay magpapalipas muna siya ng oras, pwede siyang magpuyat ngayon, dahil wala naman siyang gagawin..at hanggang sa naroon na nga siya sa loob, pagpasok niya sa loob ay bumungad sa kanya ang mga babaeng nagsisipagsayaw at pinagkakaguluhan ng mga lalake..at may lumapit na ngang waiter sa kanya.
.
Waiter : sir ano po ang order nio?
.
Hindi nasagot agad ni Alvin ang tanong ng waiter, nakatuon na din ang paningin niya sa mga sumasayaw sa may stage.
.
Waiter : ang gaganda ng mga dancer ano sir! Bago lang yang mga yan, nag-umpisa lang sila kaninang sumayaw, ang se-sexy nila at mga bata pa, kaya lang sayang at wala yong isa nilang kasama, hindi na bumalik at ayaw na daw magsayaw eh..ay talaga naman sir, napakaganda ng babae at ang katawan uhmmm..masarap na pulutan.
.
Naiiling nalang si Alvin sa mga pinagsasabi ng waiter, umorder na si Alvin ng kanyang inumin.
.
At samantalang si Katelyne ay panatag na natutulog sa kama, habang pinagmamasdan siya ng isang lalake na ang edad ay nasa 55, hinahagod niya ng tingin ang katawan ng natutulog na babae, maliwanag na sa paligid ng kwarto dahil sinindihan ng lalake ang ilaw para makita niya ang babaeng nakahiga sa kama, tinanggal na ng lalaki ang pang-itaas niya damit, at lumapit sa babaeng natutulog, at dahan dahan siyang sumampa sa kama at inilapit ng lalaki ang mukha niya sa mukha ni Kate, amoy ng lalake ang mabangong hininga ni kate, at hindi na napigilan na haplusin ang mga maselang bahagi ng katawan ng dalaga, at hanggang sa nagising na si kate at laking gulat niya ng may lalake na siyang katabi sa kama, at nakahawak sa katawan niya..napasigaw si kate.
.
Kate : sino ka?
Mr.Galvez : sshhh…wag kang maingay magugustuhan mo, yong gagawin ko sayo!!!
Kate : huwag!!
.
Akmang tatayo si Kate pero hindi na siya nakatayo dahil sa buong katawan niya ay dinadaganan na ng lalake at hinahalikan na siya sa kanyang Leeg..nagmamakaawa siya sa lalaki, ngunit hindi siya pinapansin patuloy pa din ang paghalik sa leeg niya, pero lumalaban siya, at pilit na pinaghihiwalay ang kanyang mga hita, ngunit hindi mapaghiwalay ng lalake dahil nilakasan niya ang loob niya, pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ng lalaki..hanggang sa nagtagumpay ang lalake na mapaghiwalay ang mga hita niya, natakot na si Kate wala siyang ibang nasa isip kundi si….
.
Kate : Alvin……tulungan mo ako!!!
Alvinnnnn……(sigaw ni Kate)
.
Samantalang si Alvin ng mga oras na yun, ay bigla niyang nabitawan ang baso na hawak niya at bigla niyang naalala si Katelyne, at parang bigla siyang nakaramdam ng kaba, na hindi niya malaman kung bakit? Kaya napagpasyahan na lang ni Alvin na umuwi na, dahil baka sa isip niya lang yong kabang nadarama niya!!
.
Pinunit ng lalaki ang pangitaas niyang damit, pero tinatagan pa ni kate ang sarili, di siya nagpadala sa takot, at hanggang sa tatanggalin na ng lalake ang pantalon nito, nakakuha naman si Kate ng pambambo, at hinataw ni kate ang ulo ng lalake hanggang sa nabuwal ito, nakaalis si Kate sa kama, at nagmamadaling lumabas ng kwarto, at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Pero ang lalake ay nakabawi na sa sakit na pagkakahataw ni Kate, sinundan ng lalaki si kate sa ibaba at naabutan niya si kate sa may pinto at hindi mabuksan ni kate ang pinto, kaya naabutan siya nito, nahawakan siya sa buhok ng lalaki, nagsisigaw na si kate para sakaling may makarinig sa kanya, at baka sakaling may tumulong sa kanya, pero bigo siya dahil walang nakakarinig sa kanya,
.
Mr-Galvez : wag ka nang lumaban pa, dahil hindi mo ako kaya, at saka walang makakarinig sayo.
Kate : huwag po maawa po kayo sakin.
Mr.Galvez : ah, hindi ako maaawa sayo, dahil sinaktan mo ako.
Kate : hindi ko po kayo kagustuhan saktan, kasi po gagawan nio naman po ako ng masama.
Mr.Galvez : bakit diba trabaho mo namang magpaligaya? Bakit hindi mo nalang gawin sakin!
Kate : mali po yong inaakala nio.hindi po ako ganun!!
Mr.Galvez : ganun ba?
Kate : opo!
Mr.Galvez : mas maganda kung ganun, kasi ako ang magpapaligaya sayo.
Kate : huwag po!
.
Binitawan ni Mr.Galvez ang buhok ni kate, medyo nakahinga ng maluwag si kate dahil mukhang humupa ang kapangahasan ng lalake..pero nagkamali ng akala si Kate dahil mas tumindi ang pagnanasa ng lalake sa kanya hinapit siya ng lalake at sinimulan siyang halikan, ngunit hindi pinabayaan ni kate na mahalikan siya ng lalake, kung malakas ang lalake malakas din siya, tinuhod niya ang harapan ng lalaki at naglupasay ito sa sahig sa sobrang sakit ng nadarama niya sa kanyang harapan..sinamantala ni Kate na makatakas siya, sa may gawing likuran siya ng bahay dumaan at hindi niya mabuksan ang pinto sa harap ng bahay, at hanggang nakalabas, na siya ng bahay, at binabagtas na niya ang daan papuntang gate, tumatakbo siyang tinungo ang gate, di na niya alintana ang damit niyang punit, basta makalabas lang siya sa bakuran na iyon, bubuksan na sana niya ang gate, nagulat siya at naroon na sa likod niya ang lalaki.
.
Mr.Galvez : saan ka pupunta?(hinawakan sa braso si kate)
Kate : bitawan mo ako!
.
Buong lakas niyang hinila ang braso niya at nakawala siya sa lalaki, at nakakuha siya ng pang bambo sa lalaki at inihataw niya uli ang lalaki ngunit hindi naman ininda ng lalaki ang sakit, at hanggang sa naibukas na ni kate ang gate at nagmadaling lumabas si kate, sinundan siya ng lalake, sa labas at mabilis na tumakbo si Kate sa kalsada ngunit wala naman siyang mahihingan ng tulong dahil walang mga tao roon,at hanggang sa madapa si kate sa pagtakbo at naabutan na siya ng lalake, sinikmuraan siya ng lalake hanggang sa hindi siya makahinga sa sobrang sakit, nawalan siya ng malay, binuhat agad siya ng lalaki at idadala uli siya ng lalaki sa loob ng bahay, para isakatuparan ang balak, ngunit nagkamalay na si Kate, nagpumiglas agad siya kahit na hinang hina siya, nabitawan siya ng lalake,pinagbabayo niya sa dibdib ang lalake, sa inis ng lalaki ay sinampal si kate, at hinawakan sa buhok at kinaladkad papasok sa gate, ngunit sa kabutihang palad, ay may tumulong na kay Kate isang tinig ng lalaki ang narinig ni katelyne na naguutos na bitawan siya..binitawan ni Mr.Galvez ang buhok ni kate..
.
Mr.Galvez : huwag kang makialam dito, away mag-asawa dito..
Kate : hayop ka hindi kita asawa tulungan nio po ako, pinagsasamantalahan po ako.
.
Paglingon ni kate sa lalaking nagutos na bitawan siya ay laking gulat niya ng mapagsino...


niya..
.
Kate : Alvin!!!
.
Nagimbal si Alvin ng malaman niyang si Kate ang babae.
.
Alvin : Kate!!
.
Tumakbo si kate kay Alvin, samantalang si Alvin ay sinugod niya ang lalaki at pinagsusuntok niya ito sa mukha hindi niya tinitigilan hanggang sa naging lupaypay na ang lalaki..
,
Kate : Alvin, tama na ilayo mo na ako dito…(pski-usap ni Alvin)
,
Sinunod naman na ni Alvin ang sinabi ni Kate, pero nagpunta muna sila sa malapit na baranggay station at inireport nila ang pangyayari..at hanggang sa isinama na ni Alvin si Kate sa bahay bakasyunan niya..hinang hina si kate ng bumaba sa kotse, awang awa naman si Alvin sa kanya. Wala ang katiwala ni Alvin sa bahay, umuwi ang mga ito, kaya walang nagbukas ng pinto sa kanila kaya siya ang nagbukas nito, at nakapasok na sila sa bahay, nanginginig pa sa takot si katelyne kaya naupo muna siya sa sopa sa sala..ngayon niya ibinuhos ang iyak niya na kanina ay pinaglalabanan niya dahil hindi siya makapapayag na makuha ang pagkababae niya, ipaglalaban niya ito ng patayan, at lalo niyang ibinuhos ang iyak niya dahil sa naghalohalong emosyon, takot at saya, takot dahil kamuntikan ng mawala ang pagkababae niya dahil sa Mr.Galvez na iyon, at saya dahil iniligtas na naman siya ni Alvin, sa twing may hindi magandang nangyayari sa kanya ay naroon si alvin..tinabihan siya ni Alvin at pinapakalma siya.
.
Alvin : (hinimas ang likod)..sshhh…wag ka ng umiyak, ligtas ka na, wala ng gagalaw sayo dito dahil kasama mo na ako.
.
Lalong napaiyak si Kate sa sinabi ni Alvin, pero iyak iyon ng katuwaan, hindi napigilan ni kate na yumakap kay Alvin sa sobrang saya niya, nagsumiksik si kate sa katawan ni Alvin, si Alvin naman ay gumanti ng yakap kay Katelyne.
.
Kate : salamat Alvin, iniligtas mo nanaman ako, salamat at lagi kang nandiyan kapag nasa kapahamakan ako..sobrang dami ko nang utang na loob sayo..hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kabutihan mo sakin.
Alvin : (kumawala ng bahagya si Alvin sa yakap ni Kate)..bakit ka ba kasi umalis sa bahay, diba sabi ko naman sayo na hintayin mo ako, hintayin mo yong tawag ko.
Kate : kasi, ayokong magkaroon pa kayo ng di pagkakaunawaan ng asawa mo eh..kaya umalis na lang ako.
Alvin : wala akong asawa!
Kate : ha, A-anong ibig mong sabihin?
Alvin : hindi ako sinipot ni Erica sa kasal namin.
Kate : im sorry dahil sak——-
Alvin : opps, sasabihin mo na naman dahil sayo kaya hindi natuloy ang kasal namin..hindi Kate, dahil yun kay Erica, choice ni Erica yun, at hindi ikaw ang may kasalanan.
.
Napag-isip isip ni Kate na may punto nga naman si Alvin, kaya lang hindi nga niya maiwasang hindi makonsensiya dahil ayon si Alvin nalantad sa kahihiyan dahil sa eskandalong kinaharap..
.
Alvin : kaya huwag mo nang sisisihin kahit kailan yong sarili mo ah dahil wala kang kasalanan, kaya huwag mo na akong tatakasan ha, kadaya mo kasi eh, aalis ka ng hindi man lang nagpapa-alam..(sabay pinunasan ng mga kamay niya ang luha na umaagos sa pisnge ni Kate)
.
Ginapangan ng kuryente sa katawan si kate ng maramdaman niya ang mga kamay ni Alvin sa mga pisngi niya, lalo namang bumubuhos ang luha niya dahil sa saya ng nadarama niya, dahil nalaman niyang wala pa palang asawa ito, at masaya siya dahil kasama na niya si Alvin ngayon na ang akala niya ay hindi na sila magkikita, ah iba na talaga ang nararamdaman niya para sa binata, talagang tumitibok na ang puso niya para kay Alvin, lalo na, ngayon sa ikalawang pagkakataon ay nailigtas ang dangal niya, pero sa isip niya kung meron mang lalakeng pagbibigyan niya ng dangal niya, o ng pagkababae niya ay walang iba kundi si Alvin lang, mas nanaisin niyang si Alvin ang una niyang pagkakalooban ng kanyang Virginity!!
Kaya napagpasyahan ni Katelyne na ibigay ngayon iyon kay Alvin at ng sa ganun ay kapag napahamak uli siya sa ikatlong pagkakataon ay hindi na siya mag-aalala sa sarili niya dahil nagkaroon na ng kabuluhan ang dangal niya dahil, ipagkakaloob niya ito sa lalakeng nagkaroon na ng puwang sa puso niya. Sigurado siya sa sarili niya na mahal na niya si Alvin….
.
Kate : Alvin mahal kita(sigaw ng isip niya)
.
Patuloy sa pagpunas ni Alvin ng mga luha ni Kate sa pisngi nito, at sa paghaplos ni Alvin sa mga pisngi ni Katelyne ay natigilan si Alvin dahil di niya akalain na hahawakan ni Kate ang kamay niya na idinampi pa ng husto ng dalaga sa kanyang mga pisngi, at hanggang sa kinabig papalapit ng dalaga si Alvin palapit sa mukha ni katelyne at idinampi ni katelyne ang mga labi sa labi ng binata, nabigla si Alvin sa ginawa ng dalaga, hindi inaasahan ni Alvin na gagawin sa kanya iyon ni katelyne, at kahit walang alam si katelyne sa ganung bagay ay lakas loob niyang hinalikan sa mga labi ang binata, si Alvin naman ay nanigas ang mga katawan na parang naestatwa sa pagkabigla, dahil sa di inaasahang ginawa ng dalaga, nakayakap na ngayon si katelyne sa binata, habang hinahalikan niya sa mga labi si Alvin, si Alvin naman ay ginagapangan ng kuryente sa katawan dahil sa ginagawa ni Katelyne na paghalik sa kanya, at dahil sa lambot ng mga labi ng dalaga at bango ng hininga ay nakadagdag ng alab sa pakiramdam ni Alvin at hanggang sa hindi na kayang pigilin ng binata ang pagtitimpi, gumanti na din ng yakap at halik si Alvin sa dalaga, matagal ang halikan nilang iyon, at hanggang sa ang marahan na halik ay lumalalim ng lumalalim, nagiging mapusok at dahil sa bawat segundo na paghalik ni Alvin sa dalaga ay natututo si Katelyne kung paano humalik, ginagaya ni Katelyne ang paraan ng paghalik ng binata..at hanggang sa nadadarang na sila sa mga halikan nilang iyon, wala na sa katinuan si Katelyne, wala na siyang pakialam sa mga bukas na posibleng kakaharapin niyang problema, ang mahalaga sa kanya ngayon ay angkinin siya ni Alvin.. si Alvin na ngayon ay Mahal na mahal na niya, dahil bawat pagdampi ng mga halik ni Alvin sa kanya ay walang pandidiring nararamdaman si Katelyne, bagkus nag-uumapaw ang kasiyahan sa kanyang puso, at hanggang sa nagkukusa na si Katelyne na alisin ang kanyang mga damit, at sa ginawa ni Kate na pag-alis sa damit niya ay nawala na din ang katinuan ng binata, lalong nakaramdam ng apoy si Alvin, dahil sa ginawa ni kate, at hanggang sa tinatanggal na din ni kate ang damit ni Alvin, sobrang nag-aalab na ang mga halikan nilang iyon, at hanggang sa naihiga na ni Alvin ang dalaga sa sopa, at si Kate naman ay handang handa na sa mangyayari sa kanilang dalawa ni Alvin, sa isip niya ay hinding hindi niya pagsisisihan ang mangyayari sa kanila ni Alvin..at hanggang sa nakahanda na din si Alvin sa pag-angkin sa dalaga, nakatingin si Alvin sa magadang mukha ng dalaga, na inaasam asam niya rin na makitang muli, sa mga nagdaang araw at gabi na hindi niya nasilayan ang dalaga ay nakaramdam din siya ng lungkot sa puso niya, at ngayong ngang narito na mismo sa tabi niya ang dalaga ay natutuwa na ang kanyang puso, dahil nga sa puso din ni Alvin ay may puwang na ang dalaga dito, nakita niyang walang pagtutol sa mukha ng dalaga, pero ang pagnanasa ni Alvin na pag-angkin sa dalaga ay nagdalawang isip siya, ano daw ba yong ginagawa niya, sinasamantala niya ang kahinaan ng dalaga, parang binuhusan si Alvin ng napakalamig na tubig, at nawala ang init ng pakiramdam na kanina lang ang pinag-alab ng mga halikan nila ng dalaga..
.
Alvin : I’m sorry kate, hindi tama ito!! (Akmang aalis sa pagkakadagan sa dalaga)
Kate : go on Alvin.
Alvin : hindi kate mali yong ginagawa ko sayo.patawarin mo ako, hindi ko sinasadya.
.
At tuluyang umalis sa tabi ni katelyne si Alvin, pero pinigilan ni katelyne si Alvin..
.
Kate : please Alvin go on..(pagmamakaawa nito)
Alvin : no Kate!! Hindi ito tama!
Kate : Alvin makinig ka, mas nanaisin kong ibigay sayo ang sarili ko kesa sa ibang tao, at hinding hindi ko pagsisisihan kailanman, gusto kong angkinin mo ako ngayon, para kung sakaling mapahamak ako uli hindi na ako matatakot!
.
Nabigla si Alvin sa sinabi ng dalaga, hindi makapaniwala si Alvin na iyon ang nasa isip ni katelyne..sa isip ni Alvin na kaya ba ipinapaubaya na sa kanya ng dalaga ang pagkababae nito ay dahil sa mas nanaisin ng dalaga na siya ang makauna dito na parang yoon ang ibibigay na kabayaran sa mga naitulong niya, pero hindi siya isang taong mapagsamantala, hindi lang niya napigilan ang sarili na tugunin ang mga halik ng dalaga sa kadahilanang meron na talaga siyang nararamdaman para sa dalaga..kahit sa maikling panahon palang ang kanilang pagkakatagpo.
.
Alvin : hindi ko kinukuha ang isang bagay kong hindi naman sakin..magpahinga ka na kate, magpapahinga na din ako.
.
Naiwan si kate sa Sala ng hindi alam kung ano ang gagawin, nahiya siya sa sarili niya at higit sa lahat nahiya siya kay Alvin ano ba yong ginawa niya, pinagkanulo siya ng kanyang puso at isip, hindi niya tuloy alam kung paano haharapin ang binata, hiyang hiya siya…at hanggang sa bumalik sa sala si Alvin at may dalang pamalit niya ng damit, at itinuro ni Alvin kung saang kwarto matutulog ang dalaga..at pumasok na nga ang dalaga sa kwarto, kahit na malamig ang panahon ay pumasok siya sa banyo at nagshower ito, kahit halos madaling araw na ng mga oras na iyon ay naligo pa siya.halo halong emosyon ang nararamdaman ni Katelyne, hiya, inis, dismaya, hiya para sa nagawa niya kay Alvin, inis, dahil inis siya sa sarili dahil hindi siya nakapag-isip ng tama, at dismaya, dahil sa isip niya ay hindi siya gusto ni Alvin..at samantalang si Alvin naman ay, kinagagalitan ang sarili dahil muntik na niyang nakuha ang dangal ng isang babae na biktima ng isang mapaglarong kapalaran, naupo si Alvin sa kanyang kama at sinasabunutan ang sarili dahil hindi niya maalis sa isip ang mga halik ng dalaga, nagsusumiksik sa kanyang isip ang mga mahigpit na yakap at ang mga malambot na mga labi ng dalaga..hindi niya naramdaman kay Erica ang ganoong pakiramdam, kaya aminado na si Alvin sa sarili na mahal na din niya si Katelyne..
.
Itutuloy.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top