STOLEN #10


STOLEN
#10
“Nasaan si Vin? Ang mga tauhan mo? Bakit kayo lang ng kasintahan mo ang dumating dito?” tanong ni Gardo kay Haje habang ginagamot ito ng asawa niya.
Akmang magsasalita si Threia upang kontrahin ang huling sinabi ng matandang lalaki ay naunahan siya ni Haje. “Huwag na kayong magulat, Lo. Sa dami ng kaaway. Asahan mo nang may ganitong mangyayari ‘pag may malaking emperyo ka ‘gaya ko.” sabay tingin kay Threia ng makahulugan.
“Mabuti’t ito lang ang natamo mo.” ani Lola Tessa. Natanggal na nito ang bala sa balikat ni Haje na hindi masyadong malalim nakabaon. Ngayo’y nilalagyan niya ng benda ang balikat ng binata.
“I’m fine, La. Huwag kayong mag-alala ito na ang huling makikita niyo akong dadating ditong may sugat sa katawan.”
“Dapat lang. Hay naku, pinag-alala mo kami ng Lolo Gardo mo. Buti nalang din hindi nasaktan si Threia. Sa paulit-ulit kang bumibisita sa amin, bakit ngayon mo lang isinama ang kasintahan mo, apo?”
Kung hindi lang nakatingin sa kanya ang matandang babae baka umirap na siya sa ere dahil sa pag-aakalang magkasintahan sila ng binata.
Oo, may kasintahan siya pero hindi ang lalaking nasa harapan niya. No way!
Si Chivo ang mahal niya! Siya lang!
At teka nga! Bakit hindi man lang i-tama ni Haje ang espekulasyon ng dalawang matanda? Bakit hindi niya sabihin sa dalawa na kinidnap siya at hindi kasintahan?
“Wala siyang oras no’ng mga panahong napaparito ako, Lola.”
Nanlaki ang mata niyang tumangin kay Haje. Ano’ng pinagsasabi ng lalaking ito? Nababaliw na ba siya?
Haje manly raised his eyebrow at her.
Gusto niyang i-tama ang mga pinagsasabi nito ngunit naalala niya ang kapangasahan ginawa niya sa kanya no’ng suwayin niya ang binata.
She gritted her teeth. Gusto niyang ibalik ulit ang bala sa balikat nito at mas laliman ang pagbaon. Nangangati ang dila niyang murahin ng paulit-ulit ang binata.
“Ganoon ba. Kung gano’n kailan ang kasal?”
Sabay silang napaubo ni Haje sa tanong na...


iyon.
Really? Nagawa pa nilang ipasok ang gano’ng usapan sa gitna ng ganitong sitwasyon ni Haje.
Ano ba ang mayroon sa matatanda at bakit bukambibig ang kasal? Eh, hindi naman sila magkasintahan ni Haje!
“Tessa,” pagpipigil ni Gardo sa asawa.
“Aba, bakit, ano’ng masama sa tanong ko? Normal lang naman ipasok ang usapang kasal sa dalawang nagmamahalan.” sabi pa ni Tessa.
Mariin siyang napapikit. Gusto niyang magsalita para i-tama iyon pero nang makitang matalim ang tingin ni Haje sa kanya. Kinagat na lamang niya ang kanyang pang-ibabang labi.
“Saka na iyan. Pagod sila. Kailangan muna nilang magpahinga.” sabi ni Gardo.
“O, siya, sige na, magpapahinga muna kayo sa itaas. Tatawagin ko na lang kayo ‘pag kakain na.”
Tumayo na si Gardo at marahang tinapik ang hindi apektadong balikat ni Haje.
“Hmm. Saan po ang magiging kwarto ko, L-lola?” tanong ni Threia. Hanggang ngayon nahihiya pa rin siyang tawagin itong Lola.
“Sa kwarto ni Haje, apo.” ani ng matanda.
“P-po?”
Natigil sandali ang pagtapon ni Tessa ng bulak sa basurahan at tumingin sa kanya. “Bakit, may problema ba, Apo?”
Oo, malaking problema!… Gusto niya iyon isigaw.
Tumingin siya kay Haje para humingi ng tulong. Why he can’t just tell the truth? Hindi naman ulo ang natamaan dito para kalimutang bihag siya.
Pero ang hayop na si Haje, tinawanan lang siya nang makitang nahihirapan siyang sagutin ang matanda.
“K-kasi po, Lola… h-hindi…”
Nagsalita muli si Tessa bago pa niya sabihin ang totoo.
“Huwag kang mahiya, apo. Nasa tamang edad na kayo ni Haje. Naiintindihan ko kung gusto niyong mapag-isa sa iisang kwarto. Naiintindihan ko kasi ganoon din kami ni Gardo noon, maaga nga lang kaming… alam mo na. Hehehe.” humagikgik pa siya ng i-kwento iyon.
“Tessa!” umalingawngaw ang boses na iyon ni Gardo sa loob ng bahay.
Tumawa si Haje.
While her, pulang-pula na ang mukha niya sa kahihiyan.
Kay Lola Tessa ata nagmana itong si Haje? Parehong baliw. Sa isip ni Threia.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Delete this! Magnanakaw ka!
    STOLEN. TWO HEARTS BENEATH THE MOON. SAINT DEFUENTE.
    LAHAT β€˜YAN, I-DELETE MO KASI HINDI SA’YO β€˜YAN! MAGNANAKAW KA!

Leave a Reply


top