THE WILD SILENCE CHAPTER FOUR


“let me take the wheel. ” ani Alexa pag dating nila sa Parking lot.
“Oh. ” masama ang loob ni Jiro nang iabot nya ang susi sa dalaga, padarag syang sumakay dahil pakiramdam nya ay natatapakan ang pride nya sa pag trato ng babae sa kanya.
“Wear your Seatbelt, ipapakita ko kasi kayo kung paano maging blurr ang paligid kapag ako ang kasama mo. ” nakangising ani Alexa tsaka pinikitan si Jiro gamitang isang mata nya *Wink
Pero hindi sya pinakinggan ng binata, nag cross arms ito at prenteng naupo.
“sige ikaw bahala kung ayaw mo. ” Nag kibit balikat si Alexa tsaka binuksan ang Engine ng kotse.
*Broooom! Brooom!
Kinabig nya ang kambyo ng kotse tsaka walang kagatol-gatol na pinatakbo ito.
Sinuot ni Alexa ang Sunglass na kanina ay hinubad nya dahil sa pag papalit ng damit nya ayon sa kagustuhan ng lalaking kasama nya.
Napakapit si Jiro sa gilid ng upuan ni Alexa habang ang isang kamay nya ay nakatuon sa salamin ng bintana at tila na sorpresa sa bilis na kayang ibigay ng kotse nya.
“A-ano ba! wala na bang i-ibabagal to! ” sumisigaw na aniya dahil sa napaka bilis na pag mamaneho ni Alexa.
“Sinabi ko na sayo mag seat belt ka. ” tatawa-tawang saad ng dalaga, ikinabit nito ang Earing Bluetooth sa tainga nya tsaka binuksan ang phone nya sa gitna ng pag mamaneho nito.
“Hello? “saad ng dalaga, ” ibagsak mu yung gamit ko sa building 300 kilometer ang layo mula sa kinalalagyan ko. In 10 minutes dadating ako. ” aniya tsaka pinatay ang linya. Sinwipe nya ang phone nya at napunta ito sa Gps, tama ang kalkulasyon nya tatlong daang kilometro ang layo nya sa building na tinutukoy ni Borex kaya’t lalo pa nyang pinabilis ang kotse dahilan para umagos ang kaunting luha sa gilid ng mata ni Jiro dahil sa hangin na dumadaan sa bukas na bintana ng sasakyan.
Sa kabilang banda ay panay ang pagtatago nang tatlong Agent mula sa phoenix dahil sa pag papaulan ng bala, may maliit na tama si Amoriz sa braso pero nanatili sya sa tabi ng matandang Vergara.
“Captain! Matagal pa ba ang hayop na babaeng iyon? ” nawawalan ng pasensyang saad ni Amoriz dahil sa iniindang sakit, maya-maya ay nag ring ang phone nito.
“paakyat na ko ng Elevator at isusunod kita kapag nakita kong humihinga ka pa. ” kalmado ang boses ni Alexa mula sa Linya tsaka ito namatay.
Hindi makapaniwala si Amoriz sa pangyayaring iyon. ”Paano nyang nalaman na sya ang tinutukoy ko? ” naibulong nya.
“Baka nalilimutan mong Kapitan ng Alpha ang Hayop na tinutukoy mo. ” nakangiting saad ni Kevin.
Mula sa Elevator ay hawak-hawak ni Alexa ang mahabang Attache case na kulay itim, habang hawak naman ng kaliwang kamay nya ang kamay ni Jiro.
“Hoy manang kailangan ba talaga to? ” angal ni Jiro at kinailangan pang itaas ang kamay nilang magkasalikop para ilarawan ito.
“Wala ka namang Girlfriend kaya ayus lang yan, isa pa mahihirapan ako kapag nasaktan ka. ”
Hindi talaga mahulaan ni Jiro kung nababaliw na ba sya dahil dalawa ang nagiging kahulugan ng bawat binibitawang salita ni Alexa. “Manahimik ka dahil tungkol sa trabaho ang sinasabi ko. ” naging malinaw kay Jiro ang tanong sa isip nya matapos iyong sambitin ng dalaga. “Nandito na tayo.”
Kalmadong naglakad si Alexa palabas ng elevator, ang ilang mga Staff ng Building na pinasukan nila ay nakatanaw sa kanila pero binaliwala lang iyon ni Alexa sa halip ay pumasok sya sa VIP room na nirentahan nya sa loob ng tatlong oras.
Nilock nya ang pinto ng kwarto tsaka nag alis ng long sleeve dahilan para mataranta si Jiro.
“Napaka Dugyot mo Talaga !” galit na namang anito tsaka pumikit.
“Naka sando ako. ” aniya. “Hwag kang umasa na ipapakita ko ang katawan ko sayo, kapag kasi nangyari yun tyak na katawan ko ang pinaka magandang makikita mo sa kahuli-hulihang hininga mo. ”
Idinilat ni Jiro ang Mata nya at kaagad na napako ang paningin nya sa Colar bone ng dalaga, pero kaagad nya ding inalis iyon nang magka salubong ang mata nila.
Ipinatong ni Alexa ang Atache case sa kama tsaka ito binuksan, napa maang si Jiro matapos nyang makita anf laman noon.
Suot ang puting sando na kadoble ng Long sleeve nya ay isinuot nya ang Patigue na Choleco, kinuha din nya ang Isang Bulletproof na Vest tsaka iyon hinagis kay Jiro.
“Isuot mo, hindi ko kayang maging panangga kapag nakikipag barilan ako.”
Napalunok si Jiro sa kaba, ‘talaga bang makikipag barilan...


sya dito? ‘
Kinuha ni Alex ang baril sa Case at isa-isang ikinabit ang mga parte noon kabilang na ang Stand, telescope at ang mga bala nito.
Bahagyang binuksan ni Alexa ang bintana ng pwesto nila tsaka nya sinipat ang mata nya sa telescope.
“Ang dami naman nila. ”
*Kriing!
*kriing!
“Paki sagot. ” utos ni Alexa kay Jiro habang hindi inaalis ang mata sa Telescope.
“Ano na! Mapupulbos kami dito! “galit na si Borex.
Naglakad palapit si jiro para ibigay ang phone kay Alexa.
“hahahahah paanong mapupulbos eh safe na safe nga kayo dyan. Oh.. May Tama si Amoriz? ”
“pwede ba kumilos kana! ” galit na namang sigaw nito.
“Jiro halika dito. ” tawag ni Alexa at lumapit naman ito. ” Silipin mo, pakibilang kung ilang tao ang makikita mo. Kung ilang tao ang mabibilang mo ganun din ang bungong pasasabugin ko.”
“Gag* ka ba? Paano kung pati kami mabilang nyan? ” halata sa pananalita ni Borex na natatakot sya.
“Eh di kabilang ang bungo mo.” ani Alexa tsaka pinatay ang linya.
Dinukot nya sa bulsa nya ang isang Chewing gum at nginuya ito, iyon na ang Senyales na nasa Assasination mood na sya.
Ikinasa nya ang baril tsaka sinipat ang kalaban, nakita nya ang lalaking naglalagay ng Bala.
*Psewg!
“Bulls eye. ” sinadya nyang patamaan ang braso nito para hindi na maka-kalabit ng gatilyo.
Sumunod naman ang lalaking naroon sa roof top ng abandonadong building at nag hahanda ng baril pero walang kahirap-hirap na natamaan din nya ang braso nito.
“Kung tutuusin ay napaka daling tumakas sa lugar na iyon pero alam kong gusto lang nila kong makita kung paano bumaril. ”
Napangisi si Alexa dahil sa pumasok sa isip nya.
“Wala na? “tanong ni Mister Vergara.
“oo wala na nga. “saad naman ni Amoriz
“move! Move!” Sigaw ni Borex pero bago pa sya makatayo sa kinalalagyam nya ay.
*Psewg!
May balang tumama malapit harapan nya kaya’t umatras sya.
*Psewg!
Sa kaliwang paa.
“Psewg!
Sa kanang paa.
*Psewg!
Sa kaliwang paa.
“Psewg!
Sa kanang paa.
Nag paulit-ulit ito hanggang sa mag mistulan syang sumasayang ng cha-cha na nag patawa kay Alexa ng malakas dahilan para mawala ang konsentrasyon nya.
Nagulat sya sa pag bukas ng pinto at sa sandaling segundo ay mabilis na nakalapit ang dalawang lalake kay Jiro, ang isa ay may hawak na kutsilyo at nakatutok sa leeg ni Jiro habang ang isa naman ay may dalang 45 na baril at nakatutok iyon sa kanya.
“Sabihin mo, bakit mo kasama ang binatang ito.” tanong ng lalaki.
“Ano bang ginagawa ng dalawang tao sa Hotel? Malamang nag lalaro ng Apoy. “walang interes na sagot nya.
“Hoy! Anong pinag sasasabi mo! “galit na tutol ni Jiro.
“Tumahimik ka! “anang lalaki na may kutsilyo.
Akmang mamumulsa si Alexa. “oops! Wag kang gagalaw! ” babala ng may Baril.
“Mag yoyosi lang ako, kapag may mali sa ginawa ko ay barilin mo ko. ” kalmadong saad ni Alexa.
“Akala ko ba po-protektahan mo ko! “galit na saad ni Jiro.
‘kanan ang kamay na may Kutsilyo. ‘
Kalmado si Alexa habang pinag aaralan ang sitwasyon nila.
“wala naman akong sinabing hindi ah. ” sagot ni Alexa tsaka ibinuga ang usok pagkasindi nya. ” Oh. Yosi. ” alok nya sa may Baril tsaka hinagis ang Liter na pilak.
“AL-PHA..”basa ng lalaki sa naka ukit na salita sa litter.
“Tama! ” nakangiting saad ni Alexa tsaka sya yumuko pakanan at inikot ang katawan nya para ibinigay ang malakas na sipa ng kanang paa nya para tumalsik ang braso na nakatutok kay Jiro palayo, mabilis syang humakbang para hablutin ang kamay ni Jiro palapit sa kanya ginamir nya anf buong pwersa nya para magkapalit sila ng pwesto ni Jiro at sya ang mapunta malapit sa dalawa.
Ipinorma nya ang siko nya at itinuon don ang buong lakas nya para patamain sa sikmura ng kalaban kasunod ang mala exebition nyang pag ikot pero sa pag kakataong iyon ay triple ang lakas noon kumpara kanina dahil malaki ang bwelo nya at naging matagumpay iyon nang bumagsak ang lalake sa sahig.
Ikinasa naman ng isa ang baril nya at itinutok kay Jiro, pero nahawakam ni Alexa ang braso nito tsaka sinenyasan ng ‘No no no ‘ gamit ang hintuturo nya.
Malakas nya itong Sinuntok sa balingusan , napaluhod ito at nabitawan ang baril kinuha ni Alexa ang kanang braso nito at hinatak patalikod.
*Craaaaaaack!
“Aaaaaaaahhhh! !” daing ng lalaki matapos i dislocate ni Alexa ang braso nya.
Habang si Jiro ay nakatulala at hindi makapaniwala sa lahat ng nangyari sa loob lamang ng isang araw.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top