SEÑORITA Chapter 1


Tatlong matrona na tig-isa ng anak ang nakatunghay sa conveyor beltkung saan nakalagak ang mga labî ni Ramses Doloroso. Wala na ito sa ataul at nag hihintay na lamang ng go signal buhat sa anim na operators ng aparato para paandarin iyon at dalhin ang yumao sa crematorium.
Isa si Tilde sa anim. Nasa kanan siya ng kanyang mama na hindi niya malaman kung bakit panay ang iyak samantalang noon pa yumao ang pag mamahal nito sa yumao, na walang iba kundi ang kanyang papa, na papa rin ng dalawang naroroon. Sa madaling salita,tatlo sila na pamilya ni Ramses Doloroso.Lahat daw ay legal dahil nagpabinyag sa Muslim faith ang kanyang “ulirang” ama. Ang mama nya ang first wife. Si Luchie na ina...


ni Cresta ang pangalawa. Si Laila ang pangatlo at si Jonathan ang anak nito. Tuyo ang mga mata ng mga ito.Kagaya niya,kaya lamang siguro naroroon ang mga ito ay dahil sa kuryosidad. Or maybe they wanted to make sure the man was dead and was on his way to hell. Walang panghihinayang o ni katiting na kalungkutan na nakamasid siya sa mga labî ng kanyang papa. She stopped caring a long time ago. The man looked so small in death. But even at the doorstep of fire eternal, he still wore that baby lab expression, but of course now, he looked like a sleeping baby retriever.
GOOD-BYE, PAPA, IT’S HARD TO DIE, WHEN ALL THE BIRDS ARE SINGING IN THE SKY….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top