ARKANA 1: KASUNDUAN


ARKANA 1: KASUNDUAN
Abala sa kanyang gampanin si Aliya. Ilang pagpindot ang kanyang ginawa sa hawak na disinfectant spray bago punasan ang nangingintab na puting mesa, namamasukan siya bilang service crew ng convenient store sa Cubao, napangiti siya ng makitang maayos at malinis ang mga upuan, mesa’t nilampasong sahig na maaari ng panalaminan. Napabaling ang tingin niya sa labas, latag na ang dilim, nagkukubli ang mga tala at ang maliwanag na buwan sa maulap na kalangitan, gising na gising na ang kalsadang napuno ng iba’t ibang ilaw mula sa mga matatayog at maliliit na gusali, lamp posts, mga paroo’t paritong mga sasakyan at mga naglalakad sa gilid ng lansangan. Napabuntong-hininga. Bago pa man ang pandemya magpahanggang sa kasalukuyan tila nakikipagpatintero pa rin ang mga tao sa orasan, pilit na hinahabol ang oras, panahon at mga nasayang pagkakataon na nawala sa kanila.
“Ang lalim naman ng iniisip ni ate gurl.” Biro ni Cassandra na nakatoka sa cashier. Balingkinitan at katangkarang babae.
“Hashtag productive at hashtag hardworking!” Dugtong naman ni Mark na katatapos lang sa pagsasalansan ng mga cup noodles. Sa kabila ng laki ng katawan nito ay ang mahinhin na paggalaw nito. “Ganyan siguro kapag pa-out na, Sissy Cassy.” Dagdag pa niya.
Napangiti si Aliya sa dalawa na nagsisimula na namang makipagbiruan at daldalan. “Kayo talagang dalawa ako na naman ang nakita niyo.” Aniya. Magsasalita pa sana siya ng mag-ring cellphone niya at agad na kinuha. Marahang nawala ang ngiti niya sa labi ng mabasa ang mensahe na kanyang nakuha. Napatingin siya sa labas, nakahinto ang itim na sedan sa kabilang kalsada at mula sa nakabukas na bintana nito ay kita niya ang pamilyar na mukha ng babae.
“Gurl, okay ka lang?” Tanong ni Mark.
Ibinabalik ang cellphone sa bulsa. “It’s time to say goodbye.” Aniya.
Patakbo-lakad ang kanyang ginawa. Aligaga at nagmamadali na tumawid ng kalsada. Hingal na nakarating sa kinaroroonan ng sasakyan. Sa pagbukas ng pintuan bumungad ang babaeng nasa dalawampu pataas ang edad, maayos ang pananamit, perpektong nakahanay ang bawat hibla ng buhok nito na nakatirintas at hindi makolorete ang mukha. Makikita at mararamdaman sa tindig ang awtoridad at pagiging dominante ng babae.
Napalihis ng tingin si Aliya ng magtama ang kanilang paningin. Kakaibang lamig ang gumagapang sa kanyang katawan sa tuwing nakatitig ang babae sa kanya. “Magandang gabi po, Secretary Jane.” Bati niya.
“Hop on, Madame is waiting for you.” Utos ni Secretary Jane na sinunod naman ni Aliya.
***
Inihatid si Aliya sa La Cathedral Cafe kung saan naghihintay ang kanyang Lola. Isa sa mga sikat na kainan na matatagpuan sa Intramuros, Manila. Kilala dahil sa mala-Europa na kapaligiran at tema na al fresco; makaluma subalit magara ang dating. Mula sa disenyo ng buong kainan, mga antigong kagamitan, ang samyo ng mga pagkaing inihahain, hanggang sa tanawing makikita. Tila ba bumalik siya sa nakaraan.
Huminga siya ng malalim sabay sa mahinang pagsampal sa pisngi. Magkahalong takot at pananabik ang kanyang nararamdaman ito ang unang pagkakataon na makaka-usap niya ang abuela matapos ang nangyaring trahedya sa kanilang pamilya. Sa bawat paghakbang sa baitang ay ang paglakas ng kabog ng kanyang dibdib.
Nasilayan niya ang abuela na nakaupo mag-isa at humihigop ng mainit na kape. Maringal ang kasuotan at agaw-pansin ang mamahaling bato na suot nito sa kamay, leeg at tenga. Matikas at malakas pa rin ang pangangatawan sa kabila ng edad na sitenta anyos.
Kinakabahang lumapit si Aliya.
Ibinaba ni Doña Margaretta ang inuming kape. “Sit.” Utos nito na agad namang sinunod ng dalaga. Matalim ang titig at makikita ang pagkayamot sa mukha nito. “I registered your name on a college located at Montalban, Rizal. Not as prestige like the universities or colleges you’ll found here in Manila but in terms of the quality of education, I would say, not so...


bad. Financially speaking, you don’t have to think about that too.” Inilabas nito mula sa bag ang brown envelope at inilapag sa gitna ng table.
“A-ano pong kapalit?” usisa niya. Batid niya na hindi basta magbibigay ng libre ang Lola niya.
“I’m amaze you know how to read between the lines. Once you take it, you’ll leave my family for good but if you choose to turn down my offer, I will cut all the ties we have, and they’ll face the consequences you choose. If I need to hurt them just to get you out of the picture, I’ll definitely do it.” Gumuhit ang ngiti sa labi ni Doña Margaretta habang tinititigan si Aliya. Kinuha niya ang kape at muling humigop. “So, what’s your decision?”
***
Bumaba ng jeepney si Aliya matapos maabot ang bayad sa driver. Binaybay niya ang baku-bako at sanga-sangang daan ng San Roque II iniwasan niya na makasangga ng mga paninda at tao sa daan. Nang makaalpas pumasok siya sa isang makipot na eskinita at ilang pag-ikot at liko ang ginawa bago tuluyang matanaw ang kaniyang tahanan. Isang pangkaraniwan at maliit na bahay na mayroong munting silid, sala, kusina at palikuran.
Inis. Pangliliit sa sarili. Lungkot. Mga emosyon na naghahari sa dibdb niya. Huminga siya ng malalim at nag-ipon ng sapat na lakas ng loob. Lumapat ang huwad na maskara na nagkubli sa kanyang na tunay nararamdaman; ang mandarayang ngiti. “Nandito na ako!” buong sigla niyang wika.
“Ginabi ka na, anak.” bungad ni Amelia na abala sa paghahain ng pagkain. Nasa quarenta anyos na ang babae. Mababanaag na ang paglitaw ng linya sa mukha’t pagkulubot ng balat nito, maging ang pagputi ng buhok, kulay ng balat na nahahalikan ng araw at may katangkaran, subalit higit na nangingibabaw ang ganda nito.
Lumabas sa silid ang isa pang matangkad na babae, kayumanggi ang kulay ng makinis nitong balat, balingkinitan, nakalugay ang tuwid nitong buhok na hanggang baywang at mayroong magandang mukha. “Ate! May pasalubong?!” anito.
“Wala.” Tugon niya habang nagtatanggal ng sapatos. “Pero may maganda akong balita.” Aniya na nagpasigla sa pagkamausisa ng ina’t kapatid.
“Na-promote ka sa trabaho?” Hula ng ginang.
“May jowa ka na at buntis ka?!” Eksaheradang wika ni Emerald.
“Puro mali ang hula niyo.” Ani Aliya sa dalawa. Kinuha niya mula sa loob ng bag ang envelope. “Nakapasa ako sa college!”
Abot tainga ang ngiti ni Amelia at Emerald sa narinig. “Hindi nga?!’ Korus ng dalawa na hindi makapaniwala. Matapos ang dalawang taon na paghinto ni Aliya sa pag-aaral ay muli na siyang magbabalik-eskwela.
“Oo nga at ito ang katunayan.” Aniya. Iniabot niya ang envelope sa ginang na agad naman nitong kinuha.
Halos lumuwa ang mga mata ni Amelia ng mabasa ang liham na nakalakip sa loob. “Ate! Nakapasa ka na may scholarship ka pa!” Anang ginang.
Katabi ng ginang si Emerald na hawak naman ang pamphlet. Kabaliktaran ni Amelia, halos magusot naman ang mukha ni Emerald na nag-aalangan. “May dormitory na matutuluyan para sa mga malalayo ang lugar at walang bayad? At pwedeng humanap ng part-time job sa tulong mismo ng college? At sa Montalban, Rizal ang location? Hindi ba ‘to scam o sindikato? Napaka-exaggerated ng school na ‘to kaysa sa akin.” Aniya. “Para kang papasok sa mundo ng nobela kaysa eskwela.” Dagdag niya.
“Montalban, Rizal?” Pag-uulit ni Amelia. “Napakalayo naman.”
Huminga ng malalim si Aliya. Tinitigan ang mga mata ng ginang. “Opo.” Mahina niyang tugon. “Nalaman ko lang po ‘yan sa isang customer namin kaya po kahit suntok sa buwan lumiban ako ng pasok para kumuha ng exam at hindi ko naman inaasahan na makakapasa ako.”
Napabuntong-hininga ang ginang. “Ano pa ba ang magagawa ko?”
“At saka, bukas na po ang simula ng klase namin.”
Katahimikan…
“ANO?!” Korus ng dalawa.
P.S. sorry for typos and grammars.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top