NINAKAW NA SANDALI COntinuation again… CHapter 5


“Hindi ka dapat sumasali sa ganyang contest Bella.”sambit ni Rosa sa kanyang apong si Bella
“Bakit naman po Nay Rosa? Wala naman pong masama ang sumali sa ganyang patimpalak.”si Bella na agad sumandig sa balikat ng kanyang Nanay Rosa,nanlalambing
Dinig niyang napabuntong hininga ito.
“Wala ngang masama Bella Pero ayokong pagtapak mo pa lamang sa entablado ay marami ng mga matang mapanukso ang titingnan ka.”
“At pipintasan.”patuloy ni Bella sa sinabi ng kanyang Nay Rosa” Wala naman po akong Pakialam sa kanila Nay eh. Ang gusto ko lang naman po ay maipakita ko sa kanila ang talento ko.”
“Hindi ko naman ipagkakait yan sayo Bella Pero natatakot lamang ako sa maaaring mangyari sayo oras na makita ka nila.” Si Rosa na hinaplos dito ang mukha ni Bella at nagawi iyon sa pilat ng kaliwang pisngi nito
Kapag nakikita niya ito ay para siyang naaawa sa dalaga. KAhit alam niya ang totoo sa pagkatao nito ay kanya na lamang iyon na ililihim dahil alam naman niyang Wala pa naman iyong Naalala ni Minsan sa naging kapalaran nito sa buhay. Pero alam niyang darating din ang araw na makakaalala ito.
Niyakap niya rito si Bella o ang totoong Shanaira Ledezma.
“Nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay namin...


ng anak kong si Alfonzo.”naisambit niya rito sa dalaga
Napangiti naman si Bella sa pagyakap sa kanya ni Nanay Rosa. Nabanggit pa Tuloy nito ang kanyang amang si Alfonzo. ALAm niyang mis na rin iyon ng kanyang Nanay Rosa Pero Wala silang magawa dahil Iniwan sila nito.
10 missed call ang agad na bumungad Kay Madison nang magawa nitong buksan ang kanyang cell phone. Galing sa magaling niyang anak ang tawag.NGunit nag-iwan ng mensahe ito na siyang ikinagulat niya.
“Madison,ano bang problema?”
Binalingan ni Madison ang kanyang karelasyon na si Alfonzo. At ipinakita niya rito ang mensahe ng anak nila.
“May umiispiya sa anak natin Alfonzo.”
“Bakit naman May umiispiya sa kanya?Nasaan ba siya ngayon?”tanong ni Alfonzo sa kanya
“NASA San Juan siya Alfonzo.”
“Aano?. SA San Juan..”parang May tumusok na karayom sa dibdib ni Alfonzo nang marinig ang Lugar na iyon
“Oh bakit tila di ka mapakali diyan Alfonzo.”anang si Madison
“Nagulat lang ako Madison..”
“Kailangan ko nang umalis. Kailangan ng anak natin ang tulong ko.”si Madison na agad nang inayos ang sarili at Iniwan na siya sa Apartment na ito
NAng makita na niyang nakaalis na iyon ay Saka na rin niya naisip na magbihis na rin.May Kailangan siyang gawin ngayon…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top