The two bitches


Try lang if swak sa panlasa niyo..
Title: The two bitches ( When the two bitches meet each other) hahanapan ko pa ng tamang title.
” Pinag-usapan na natin ‘to noon pa, paulit ulit nalang tayo” inis na sabi ni Sabrina tumagilid siya ng higa patalikod sa kanyang asawa.
” Sab, gusto kuna mag karoon tayo ng anak” ani Lewis na yumakap sa kanya. Nakahiga na sila ng maisipan nitong kausapin siya tungkol sa pagbubuntis.
Hindi na siya umimik pinilit niyang ipikit ang kanyang mga mata.
” Babe, nahihiya na ako sa mga kaibigan ko, lagi nilang tinatanong sa akin kung bakit hanggang ngayon wala pa tayong anak” pagpapatuloy nito
Huminga siya ng malalim pilit pakalmahin ang sarili na hindi mag papadala sa inis na nararamdaman sa asawa.
” Kung nahihiya ka sabihin mo sa kanila ako, ang may problema, hindi ako magkakaanak” aniya rito.
” Hindi ko parin sila makunbinsi” pagsalungat nito sa sinabi niya.
Nag tulogtulogan na lamang siya para tumigil na ito. Naintindihan niya gustong gusto na nito magkakaroon ng anak, pero ano ang magagawa niya ito ang may problema.
Isang enginer si Lewis siya naman ay dating sales lady ng kilalang mall simula ng mag asawa sila ni Lewis ay huminto na siya sa trabaho at naging house wife siya para ma ibigay niya ang tungkulin bilang asawa kay Lew pinili niya ang mamuhay ng tahimik at simply buhay. Limang taon na silang mag asawa hindi sila mabibiyaan ng anak dahil sa baog si Lewis.
Ayaw man niyang aminin na iinggit narin siya sa kanyang mga kaibigan at kakilala na may mga anak na. Pero ano ang magagawa niya? Hindi naman niya pwedi iwanan ang asawa ng dahil lang sa hindi siya mabuntis nito.
Minsan may nagpunta sa kanila buntis, sabi nito ay siya ang gagastos at paglabas ng bata ay sa kanya na. Masaya siya...


sa na pag-usapan nila ng babae. Malakilaki na ang naibigay niyang pera para sa vitamins nito at iba pang pangangailangan ay nalaman niyang adik ang babae at ang asawa nito kaya na dismaya siya. Hindi na niya pinag pagtuloy ampunin ang bata bago pa ito isilang. Simula noon hindi na siya nag tangka pa na mag adopt muli dahil sa baka kung ano ang ugali ng ina makuha ng bata . Baka pagdating ng araw ma mroblema pa siya.
” Paano kaya babe mag pa buntis ka sa iba okay lang naman sa akin basta babalik ka lang” bigla nitong sabi
Napabalikwas siya ng bangon sa sinabi nito nag laho ang kanyang antok na nararamdaman. ” nahihibang kana ba?” galit niyang tanong rito
” I’m sorry Sab, pero gusto ko mag karoon tayo ng anak” ani Lewis na bumangon narin mula sa pagkahiga.
Hindi siya maka paniwala sa narinig, ” asawa ko ba tong kausap ko?” Inis niyang tanong sa sarili.
” Have you heard your self?” aniya hindi kinurap ang mga mata sa galit.
” Inisip lang naman kita, baka gusto mo din mag karoon, kaya lang hindi kita mabigyan” Malungkot nitong sabi.
” Bakit? Humiling ba ako sa iyo? Diba hindi?May nanarinig kaba mula sa akin tungkol sa pag anak, diba wala?” sunod sunod niyang tanong.
” Why on earth you asked me like that!” inis niyang tinalikuran ang asawa.
Naghihimagsik ang kanyang ka looban sa sinabi nito. Paano nito nakuha kausapin siya na magpa buntis sa iba. Ganon nalang ba ito ka obsessed na mag karoon ng anak?” nag sisigaw na damdamin sa galit.
Bumaba siya ng hagdanan at nagtuloy sa kusina para uminom ng tubig upang pakalmahin ang sarili.
Napasulyap siya sa orasan. Ala-una na nang madaling araw. Nawala ang kanyang antok sa sinabi ng asawa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top