Hidden Wife of the CEO CHAPTER 17.2


Tapos biglang umiyak yung bata at sakin na sya nakatingin
“Mommy I think nagugutom na yung baby natin” sabi nya.
“Huh? p-pano?” medyo nag rattle ako nakalimutan ko palang kailangan ng breastfeed yung bata eh wala akong alam sa ganyan.
“Hon, sige na, sabi nung midwife kailangan daw mag breastfeed lalo na yung unang labas ng gatas sa ….hmp basta ! sumunod ka nalang ok?” medyo nailang yata syang banggitin yung word na *de*de kaya binigay nya nalang ang bata sakin at sinubukan kong sundin ang payo ng midwife samin.
“Wag kang titingin!” sabi ko kay Russel dahil iaangat ko na yung damit ko para dumede yung bata kaya napaiwas agad sya ng tingin.
“Baby rushen sige subukan natin huh? oh! ang cute! pano nagagawa yan ha? hala! ang galing mo naman!”
At yun na nga hindi ko alam kung May gatas na sa dibdib ko basta sinunod ko lang kung anong tama.
Matapos ang isang araw sa hospital na discharge nako.
Kasama na namin ang mommy at daddy ni Russel pauwi ng mansyon.
Pagdating sa kwarto nasurpresa naman ako dahil habang nasa hospital pala kami eh itong kaibigan kong si Mich andito pala sa mansyon namin.
Sinalubong ako ng yakap tapos kinarga ang baby namin
“Oh my god!! kamukha ng daddy!! ang cute naman ng inaanak ko! narinig mo yun ...


Ericka ha? ninang ako!”
“oo naman no! ”
“Hmp, CEO bibisita ako dito ng madalas ha? mamimis ko kasi tong bestfriend ko lalo na tong inaanak ko”
“Mas mabuti nga kung ganun kasi wala naman kaming ibang kasama dito,mag ha hire ako ng isang yaya para May tumulong kay Ericka.. Tsaka kung papayag ka Half day lang ang work mo but ganun parin naman ang sahod basta ba sasamahan mo lang tong asawa ko?”
“Oo naman no! mukhang pabor sakin yan! hmp CEO pwede po humingi ng isa pang request?”
“ano yun?”
“After 1 year sundan nyo na agad ha? kasi ang ganda ng lahi nyo eh! ” saad ng pilyang Michelle.
“Hoy! ga*ga to!kala mo di masakit ha? ba’t di ikaw gumawa?”
MICHELLE’S POV
Breaktime ko na sa trabaho at agad akong nagtungo sa CEO’s Office.
Pinagbuksan naman ako agad ng sekretarya nya at naupo sa harap ni CEO.
“Mich what’s bring you here?” bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.
“Sir Russel! mag reresign napo ako”
“What? why?” konot noo nya tapos tumitig ako ng seryoso.
“Sir! please! gawin nyo nakong fulltime nanny ni baby shan-shan! ” sabi ko.
“What? you mean ayaw mo na magtrabaho sa company ko because you want to be a nanny? oh come’on mich ang ganda ng posisyon mo, babagsak ka lang as nanny?”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top