MISS DETECTIVE


MISS DETECTIVE
~Prologue~
Sa isang madilim na eskinita may isang babaeng walang awang pinaslang ng mga kalalakihan…Ito’y pinag sasak-sak nila na animoy hayop lamang sa kanilang paningin..
Nalala ko pa..Kung pano pat*yin ang aking pamilya..Ika-anim na kaarawan ko noon.. Habang kinakanatahan nila ako ay siya namang pag pasok ng mga sundalo o mas magandang sabihin..mga sindikato na nag papangap na sundalo..
Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nila paslangin ang kaawa awa kong mga magulang..Iyak ako ng iyak at nag mamakaawang gumising ang walang buhay na katawan ni Nanay at Tatay..
Nay! Tay! Gising napo” Ngunit hindi manlang sila...


nag salita.. Tumingin ako sa isa sa mga pumaslang sa inay at Itay ko..Tinatak ko sa utak ko ang mga pag mumuka nila..
Pre..ikaw na bahala sa bata..Isama mona sa magulang niya” saad ng isa sa mga kalalakihan kasabay ng pagtawa nila..
S-sige p-pre..susunod ako” nanginginig na saad ng isa…
Pag kaalis ng mga kalalakihan ay napansin kong kinuha niya ang ginamit nilang papaslang sa pinaka mamahal kong magulang..
W-wag po..pliss po” pag mamakaawa ko.. ngunit tumawa lang Ito kasabay ng isang malakas na putok ng baril
Whaaa!!” Sigaw ko kasabay ng pandidilim ng aking paningin…
*Too be continued*






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top