Almost a Happy Ending.



“10 years,” mahinang sabi niya dahilan para mapabaling ang tingin ko sa kanya na kanina pa pala nakatitig sa’kin.
“10 years?” nag tatakang tanong ko sa kanya dahilan para sumilay sa kanya labi, ang matamis na ngiti.
“10 years from now. Tayong dalawa naman, ang tatayo sa gitna ng altar,” nakangiting sabi niya sa’kin. Naramdaman kong niyakap niya ako at hinalikan niya, ang noo ko dahilan para mapangiti ako.
Hihintayin ko ‘yong araw na ‘yon, Love.
—-
Lumipas, ang walong taon hanggang sa–
“Jeisha! Anong ibigsabihin nito?!”
Natigilan ako sa boses na ‘yon dahilan para mapalingon ako sa kanya na sana, hindi ko na lang ginawa. Bakas sa kanyang mukha ang sakit habang nakatingin samin.
Naramdaman kong mabilis na humiwalay sa’kin si Ethan pag katapos niya akong halikan sa labi. Matalik na kaibigan ni Kindred.
Mabilis siyang nilapitan ni Kindred at malakas na sinuntok dahilan para mapaatras ako.
Sunod-sunod na nag bagsakan ang mga luha ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Kindred, namumula ang kanyang mga mata na parang ano mang oras.
Babagsak na ‘yong mga luhang pinipigilan niya. Gustong-gusto kong mag paliwanag sa kanya pero nanatili akong tahimik na humihikbi.
“Anong ibigsabihin non? Bakit sa bestfriend ko pa?” mahinang sabi niya.
“I’m sorry.”
I’m sorry, Hindi dahil sa ginusto kong halikan niya ako. Dahil gusto kong manatiling tahimik kesa mapahamak, ang taong mahal mo sa buhay.
Mabilis ko siyang tinalikuran at tumakbo.
Para sa’yo ‘to, Love.

Lumipas, ang tatlong buwan.
“Jeisha, kausapin mo naman ako!”
Natigilan ako sa boses na narinig. Napaangat ang tingin ko sa kanya hanggang sa mag kasalubong ang mga mata namin.
“Wala na tayong dapat pag usapan,” mariin kong sabi sa kanya.
Akmang lalampasan ko siya ng hawakan niya ang kaliwang braso ko dahilan para mapapiksi ako sa sakit dahilan para bumakas sa kanyang mukha ang pag alala.
Mabilis niyang inangat ang kabilang braso ko hanggang sa makita niyang maraming pasa ito dahilan para matigilan siya.
“Anong–” hindi niya matapos-tapos na tingin habang nakatingin sa braso kong puno ng pasa.
Napalingon-lingon ako sa paligid, nakita ko sa kalayuan na palapit dito ang kaibigan ni Ethan dahilan para mataranta ako.
“Kailangan ko nang umalis.” Nag mamadaling sabi ko.
Mabilis kong hinila sa kanya, ang kaliwang braso ko at mabilis na tumakbo palayo.
Pero nabunggo ako sa isang lalaki.
Hihingi na sana akong paumanhin ngunit natigilan.
“Ethan,” bakas sa boses ko ang takot habang nakatingin sa kanya na tila nasisiyahang pag masdan akong takot na takot sa kanya.
Mabilis siyang lumapit sa’kin. Mariin niyang hinawakan ang panga ko dahilan para mapatingala ako at mag kasalubong ang mata namin.
“Ano pa bang gusto mo? Nilalayuan ko na si Kindred, nasira mo na kami. Ilabas mo na ang kapatid niya,” humihikbing sabi ko habang nakatingin sa kanya.
“Gusto ko pang saktan si Kindred, ipapabugbog ko siya katulad kung paano ko ginawa ‘yong sa’yo. Ang tibay mo nga dahil na kaya mo,” nakangising sabi nito sa’kin.
“Huwag mo siyang sasaktan!” humihikbing sabi ko.
“Jeisha?”
Naramdaman kong natigilan siya at tumingin sa likod ko. Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni...


Kindred habang tumatakbo.
“Kindred,” mariing sabi nito.
Malakas akong itinulak ni Ethan. Mariin akong pumikit hanggang sa naramdaman ko na lang na may mga brasong sumalo sa’kin.
Pag mulat ng mga mata ko, bumungad sa’kin si Kindred.
“Bakit hindi mo sinabi sa’kin?”
Naramdaman ko na lang, ang mahigpit niyang yakap habang mahinang humihikbi dahilan para matigilan ako at unti-unting napahagulgol.
Nahanap na ni Kindred, ang kanyang kapatid. Nakulong naman si Ethan sa ginawa niyang pag kidnapped sa kapatid nito. Narinig niya pala lahat ng pinag usapan namin ni Ethan.
—-
Dahang-dahang bumukas ang malaking pintuan ng simbahan. Mag isa akong nag lalakad papunta sa dulo kasabay ng pag tugtog ng paborito kong kanta.
Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn’t speak~~
Hindi ko alam kung bakit unti-unting nag bagsakan ang mga luha sa mata ko, siguro dahil alam kong may isang taong nag hihintay sa’kin sa dulo ng altar.
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece ~~
Maraming dumaan saming mga pag subok, hindi ko inaasahan na makikita ko ‘yung sarili kong nag lalakad sa gitnang ‘to.
So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white~~
Parang kahapon lang nangyari, kung paano kami nangangarap na balang araw. Haharap kaming dalawang mag kasama sa altar habang sabay na nangangako.
And from now ’til my very last breath
This day I’ll cherish
You look so beautiful in white
Tonight ~~
Napatigil ako nang lakad, hindi ko alam pero nanlalambot ang tuhod ko.
What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I
Say to the world~~
Pinag masdan ko ang paligid, bakas sa kanilang mukha ang pag tataka. Hanggang sa napahawak ako sa tyan ko, naramdaman kong may nahawakan akong basa dahilan para matigilan ako saglit.
You’re my every reason
You’re all that I believe in
With all my heart I mean every wor—
Tumigil ang kanta kasabay ng pag putok ng baril dahilan para magulantang ang lahat at mag kagulo sa narinig na putok pero natigilan ang iilang malapit sa’kin ng dahan-dahan akong napaluhod hanggang sa may sumigaw malapit sa’kin.
“May dugo!”
Nanlalabo na ang paningin ko at nahihirapan na akong huminga hanggang sa nakita ko si Kindred na tumatakbo patungo sa’kin. Nakita kong sunod sunod na nag bagsakan ang mga luha niya ng makita ang kalagayan ko. Ipinatong niya ang ulo ko sa hita niya.
“Jeisha, huwag kang pipikit!” humihikbing sabi niya habang mahina niyang tinatampal ang pisngi ko.
“M-Mukhang h-hindi n-na–” nahihirapang sabi ko dahil sumusuka na akong dugo.
“A-Ako t-tatagal,” mahinang sabi ko sapat na para marinig niya.
“Jeisha naman. Huwag mo naman akong iwan ng ganito,” humihikbing sabi niya habang nakatingin sa mata ko.
“I-I’m s-sorry,” nahihirapang sabi ko. Sinubukan kong hawakan ang mukha niya na tila kinakabisado at ngumiti sa kanyang malungkot.
“Tumawag kayong ambulansya!” Huling rinig kong malakas niyang sabi bago tuluyang nilamon ng dilim ang paligid ko.
—-
Work of Fiction.
Photo not mine.
Plagiarism is a crime.
Written by Raine Aesthe Scriven.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top