Amarigo Residence
“Kamusta ang pag aaral mo, Hija?” tanong ni Mrs. Regina sa anak at hinalikan nito sa pisngi si Susie. Kauuwi lang nito galing sa University.
Nag iisang anak si Susie ng mag asawang Regina at Alfaro Amarigo. Ang Daddy ni Susie na si Mr. Alfaro ay isang successful businessman. Nagmamay ari sila ng iba’t ibang establishement sa buong America. Meron din silang ilang business sa Pilipinas.
“Great, Mom!” pagsisinungaling na sagot ni Susie pero ang totoo ay naiinis siya bago umuwi galing University.
“Do you want to come with us? Dadalawin namin ng Daddy mo ang Tita Reina at Tito Armando mo” yaya ng Ginang kay Susie.
“No, Mommy. I will stay home at may gagawin pa po kasi ako” sagot ni Susie. Wala naman talagang gagawin si Susie gusto lang niyang iwasan si Ryan.
“Okay Baby. I need to go, naghihintay na ang Daddy mo sa sasakyan” paalam ni Mrs. Regina sa anak.Humalik ulit si Susie sa ina. Ayaw niyang sumama kasi ayaw niya makita si Ryan. Kanina pa kasi siya nito kinukulit sa University. At baka tuluyan na, siyang magalit dito dahil sa kakakulit nito sa kanya. Kinakausap niya ito at hinaharap dahil kay Raven. Dahil kapatid ito ng lalaking mahal niya.
“Take care Mommy” bilin nito sa ina. Tumango lang ng ulo si Mrs. Regina bilang sagot at ngumiti kay Susie.
Pagkaalis ng Mommy ni Susie ay pumunta na siya sa kanyang kwarto. Habang nakahiga sa kanyang kama ay naalala niya si Raven. Nagsinungaling si Susie nuong sinabi niya na hindi nito mahal si Raven, ang totoo ay mahal na mahal niya ang bestfriend niya.
Gusto ng Daddy ni Susie na makapagtapos muna siya ng kolehiyo bago pumasok sa isang seryosong relasyon. Hindi nito pipigilan kung sino man ang magustuhan ng anak basta nakapagtapos na siya sa kolehiyo at magka Diploma. Iyon lang ang tanging dahilan kaya pinili ni Susie na huwag sabihin ang totoong nararamdaman para kay Raven. Alam niya na makakapaghintay si Raven sa kanya dahil alam niyang mahal siya nito. At iyon ang pinanghahawakan ni Susie na salita mula kay Raven, ang sinabi nitong mahal siya ng bestfriend niya.
Namimiss na niya si Raven. Kinuha nito ang picture ni Raven na nakaipit sa notebook niya at dinala sa dibdib. Nasaktan din naman siya nuong nireject niya si Raven at tanging si Maria lang ang nakakaalam ng nararamdaman niya para ky Raven. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa pag iisip kay Raven.
––—-
Ilang buwan na ang nagdaan at malapit na ang graduation ni Susie. Excited na siyang umuwi ng Pilipinas at makita si Raven. Gusto na din niyang sabihin sa mga magulang niya na gusto niya si Raven. Humahanap lang siya ng tiyempo para sabihin ito. Hindi niya nakikita si Ryan sa University. Iniisip niya na baka nagalit ito ng mapansin na iniiwasan niya si Ryan.
“Siguro busy iyon kaya hindi ko nakikita” nawika ni Susie sa sarili. Nang bigla siyang sikuhin ng kaibigan niyang si Maria.
“Anong iniisip mo diyan, ha?” usisang tanong ni Maria. Napansin kasi nito na tila malalim ang isip ng kaibigan.
“Siguro si Papa Raven na naman iyan, ano” tuksong nitong dugtong.
“Heh! Hindi no. Napansin ko lang lang hindi ko kasi nakikita si Ryan sa University” nagtatakang sagot ni Susie.
Ilang araw na lang kasi ay gagraduate na sila. Magkaiba sila ng course ni Ryan, Engineering si Ryan, si Susie naman ay Business Management ang course. Kahit sa practice ng graduation ay hindi nakikita ni Susie si Ryan.
“Ah iyon ba. Naghahanda ata sa board, exam kaya busy” sabi ni Maria.
“Paano mo nalaman?” nanlalaki ang mata na tanong ni Susie. Pakiramdam niya may hindi sinasabi si Maria sa kanya.
“Di ba barkada ni Ryan si Perry. Nabanggit niya lang sa akin na nagrereview si Ryan para sa board exam” paliwanag na sagot ni Maria.
“Okay” tipid na sabi ni Susie na hindi kumbinsido sa sagot ni Maria.
Gwapo din naman si Ryan hindi nga lang kasing gwapo ni Raven niya. Matangkad din ito at matangos ang ilong, maputi din ito. Wala siyang naririnig na naging girlfriend nito pero marami ang nagkakagusto kay Ryan sa University.
Susie, let’s go clubbing” yaya ni Maria.
“Huh, baka hinihintay na ako ni Mommy sa bahay” tangging sagot ni Susie.
“Ano ka ba? Ang kj mo naman!” pang iinis na sabi ni Maria.
“Magcecelebrate lang tayo kasi gagraduate na tayo” nakangiting kumbinsi ni Maria. Saglit na nag isip si Susie.
“Sige na nga. Hindi na ako uuwi sa bahay para magpalit ng damit. Okay naman na ang damit ko. Baka hindi pa ako payagan ni Mommy na umalis pag nakita niya ako sa bahay” mahabang litanya ni Susie.
“Okay!” masayang sigaw ni Maria at pumasok na sila sa kotse ni Maria para pumunta sa bar.
Pagkadating nila Susie at Maria sa club ay naghanap na sila ng table para sa kanila. Hindi mahilig si Susie pumunta sa ganito ng lugar dahil maraming tao, madilim, mausok at maingay sa loob ng club.
“Good evening Ma’am. Any reservation Ma’am?” nakangiting bati ng waitress sa kanila.
“No. Can you find avalaible table for two people? ” ani ni Maria.
“Okay Ma’am. This way” sabi ng waitress nag aassist sa kanila ng waitress. At itinuro ang avalaible na table para sa kanilang mgkaibigan.
“I want two ladies drink, Please” sabi ni Maria.
“Noted Ma’am. Anything you want?” sagot ng waitress.
“No, its okay, thank you” wika ni Maria. Palinga linga si Susie ng mata ng makaagaw ng pansin sa kanya ang bulto ng tao na nasa kabilang mesa lang nila....