VANESSA Chapter 6


“Moma moma “,napalingon ako sa anak kong si Stepani ,habang nag lalaba ako nasa Harapan ko naman ang mga anak ko nag lalaro .
“yes baby ko?” kamukhang kamukha ko talaga si Stepani kahit saang anggulo ng mukha niya saakin lahat namana. samantala si Stepen diko alam kung kanino ,sigiro sa Papa niya . napaka gwapo at sobrang singkit ng mata . “siguro ganyan rin mukha ng papa nila . ” bigla tanong ng isip ko .
“moma usto napo baby Pani aral naaaaa” sabi ng babygirl ko .
“baby kapag 3 years old kana po ipapasok na kita sa School ,pero sa ngayon sa bahay muna kayo mag aaral ng kuya mo at si mama ang mag tuturo okey poba yun?”
” yeheeey opo moma emuwa .” masayang sabi niya sabay halik sa pisngi ko , napaka sweet talaga.
“mama tagal tagal naman pong bumalik ni papa” nagulat ako sa pag salita ni Stepen . heto nanaman kami, ito palagi ang nag tatanong sa papa nila . wala naman akong ibang maisip na rason kundi ang mag sinungaling.
“baby diba po sinabi kona nasa malayo ang papa niyo para mag work para saatin , tapos pag naka uwi na si papa dito hindi na po siya aalis at madaming dalang gift si papa para sa inyo kaya hintayin nalang natin ang papa niyo ha . malapit na uuwi ang papa niyo ” mahabang paliwanag ko sa anak ko . nagbabadya nanaman ang luha ko kaya pinigilan ko sarili kong huwag umiyak sa Harapan ng mga anak ko ..
sinabi kulang na malapit na uuwi papa nila , kahit wala naman katotohanan . pero sa loob loob ko nararamdaman kong malapit kona siya makita at makilala dahil unti unti kona nakaklaro lahat ng mga ala alang bumabalik saakin
yung lalakeng palagi kung napapanaginipan nag ngangalang Sebastian kaya malakas ang kutob ko na siya ang ama ng mga anak ko .
JENNY POV

nasa kwarto kami ngayon ni Jessa habang nag seselpon at biglang pumasok sa isip kong e search ang pangalan ni Vanessa sa Facebook . napaka daming lumalabas ibat ibang mukha at lahi . kaya nag back nalang ako . para tumingin ng mga New post . napatigil ako sa pag Scroll ng napatitig ako sa picture na may apat na tao . tatlong lalake isang babae . at ang babaeng yun ay walang iba kundi si Vanessa . binasa ko ang caption .
” tropang solid , i miss this throwback pic nung Highschool pa tayo mga Dude . mag bigay naman kayo ng time para sa reunion natin magkakaibigan ”
yan ang naka lagay sa caption at may naka lagay pa sa picture...


nila na satingin ko mga pangalan nila kaya binasa ko ito
*BENJO MORALES*
*SEBASTIAN SANDOVAL*
*PRINCESS VANESSA CASTRO SALVI*
*JEGO MONTES
pagka basa ko sa pangalan ni Vanessa . nagulat ako at lumaki ang mata ko at napatakip ng bibig . kaya napaligon saakin si Jessa.
“ate anyare sayo ? para kang timang dyan ” sabi niiya
” omaaaaaygad . tignan moto sissy bilis, diba Vanessang Vanessa diba siya ito ?” sabi ko . pati si Jessa Nagulat
” ateeee yan ang Full name niya at yung nag post kaibigan ni ate vanessa. pagkakataon na ito para malaman ni ate vanessa kung sino talaga siya .” mahabang sabi ng kapatid ko .
gi search ko ulit ang Full name ni Vanessa kaya duon namin nkita . kung ano talaga siya . halos malaglag panga namin ni jessa sa nalaman . sobrang yaman pala ng ate Vanessa nila . tinignan nila bawat photos ni Vanessa kitang kita kung gaano ito karangya . at nakita rin nila na halos lahat lahat ng picture kasama niya palagi yung lalakeng singkit ang mata at palaging naka hakbay .
“ate satingin mo yan kaya ang tatay ng kambal ?” tanong ni jessa diko na sinagot nag kibit balikat nalang ako . pero kung titignan ang nasa larawan ng lalake, magka mukhang magka mukha sila ni stepen.
SEBASTIAN POV

pumasok ako sa Diary Room namin ni Vanessa . halos lahat ng naka paligid mukha na namin dalawa ,ang apat na sulok na Kwarto punong puno ng memories namin ni Vanessa , simula Grade 2 , mga pictures namin na pinaliit lang ang size para mgkasya sa Apat na sulok ng kwarto ginawang Wallpaper sticker ang pictured nmin. halo halo na . elementary , highschool at college life namin , isali pa ang ibat ibang pictures galing sa mga Travels namin ,bonding , Graduation , Valentines ,birthdays , monthsarry ,at anniversarry . lahat lahat walang month na hindi namin sini Celebrate at lahat ng yun may Remembrance pictures . mahilig kasi mag selfie si vanessa . kahit saan mag punta hindi talaga mawala wala sa kaniya ang Camera at Videos . kaya lahat ng Memories namin dalawa lahat nandito s Diary Room namin . kahit lamesa mga pictures namin ang naging Cover . dahil wla ng mapag lagyan ng ibag pictures . . lahat ng Effort ko at Effort niya dito namin tinatago at iniipon . wala kaming tinatapon kahit isang pirasong papel na may sweet massege .
naka upo ako sa sahig habang pinapanuod ko mga videos namin dalawang magka sama . sobrang miss na miss sya napapahagulgul nalang ako habang pinapanuod ko ang video namin nung Yayain ko siyang mag pakasal . i love her so much






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top