The Man in my Dreams CHAPTER 6


Nang makaalis sina Drake at Jera, malaya ng nakakakilos si Jojo, naligo na siya agad, at hindi maalis sa isip ni Jojo kung bakit nakaramdam siya ng kirot sa dibdib ng yakapin ni drake si Jera. At samantalang si Jera at drake ay nag-fishing sila, pero lumilipad ang isip ng dalaga, sigurado siya na nag-aalala na si Mae ngayon, baka nga tumawag na si Mae sa mama at papa niya, at labis niyang pinag aalala iyon, ganun din ang land lady niyang si manang celia, ayaw naman na niyang ipilit na, kuhanin ang celpon kay drake, baka tuluyan nang magalit ito sa kakulitan niya, kaya nga sana mas mainam na ayain na niya itong umuwi, at para makabalik na rin siya sa mga magulang niya, siguro naman bago sila ikasal ay payagan siyang umuwi muna sa kanila, kaya kung sakaling hindi na, niya talaga matakasan si Drake ay hayaan na lang niya na makasal ito sa kanya..at isa pang iniisip ni Jera ay si Jojo na nasa kwarto niya, tama nga bang payagan niyang manatili si jojo doon, parang gusto niyang bumalik na ng resthouse para makita uli ito, bakit ba parang magaan ang loob niya doon sa lalaki na yun, hindi na maalis ang itsura ng lalaki sa isip niya. Mukhang naiguhit agad sa isip niya ang mukha ng lalake, at hindi nagtagal ay napansin ni drake ang pananahimik niya.
.
Drake ; mukang malalim na naman yong iniisip mo.
Jeralene : ha!! Ah eh naalala ko lang si Mae, sigurado nag-aalala na sakin yun..baka tumawag na yun kila mama at papa na hindi ako pumapasok sa trabaho, tiyak na nagpunta na yun sa boarding house, at nalaman na niya dun kay manang celia na hindi pa ako umuuwi, kaya kung maaari, ibigay mo na yung cel—(hindi natuloy ang sasabihin)
Drake : stop it!! Tama na, wag ka ng magsalita. (Asik niya) wala kang tatawagan na kahit sino!!
.
Hindi na lang kumibo si Jeralene, baka kung ano pa ang masabi niya ay, toyoin pa ang utak nito, kanina lang nilalambing siya ngayon naman, sinisigawan na naman siya..itinuon na lang niya ang isip sa pamimingwit, nakisama naman ang mga isda sa kanya, madalas siyang makahuli, kaya mejo naalis ang tensiyon niya. Napapangiti at napapasigaw kapag siya ay nakakahuli, si drake ang taga kuha ng nahuhuli niya. Nakalimutan nila ang mga namagitang tensiyon..at di nagtagal ay bumalik na sila ng bahay, at iniluto na nila ang mga nahuli, inihaw ni drake ang malalaking nahuli at sinigang naman ni Jeralene ang iba, dinamihan ni Jeralene ang sinaing na kanin, dahil kasahog doon si Jojo. At nang makaluto sila ay kumakain na din sila ng walang imikan, at nang makatapos kumain at nang mailigpit na nila ang mga pinag-kainan, ay naglagay na si Jeralene ng kanin at ulam sa plato na iaakyat niya sa taas pati ang ulam, at nagtimpla uli siya ng gatas, at saka nagpaalam na siya kay drake na aakyat na siya, hinatid siya ni Drake hanggang sa kwarto niya. Nangangamba siya baka hindi nakatago si Jojo sa cabinet, hindi naman niya pwedeng itaboy si drake na bumaba na ito at wag na siyang ihatid sa loob ng kwarto, baka daw kasi makahalata ito, kaya habang binubuksan ni drake ang pinto ay kagat labi siya at dinadalangin na sana ay nakatago ito..at nang mabukasan na ang pinto saka lang siya nakahinga ng maluwag ng wala ito roon, at nasa cabinet na ito.
.
Drake : sige, good night.
Jeralene : good night! Maaga akong gigising bukas at ako ang magluluto ah..
Drake : s-sige, ( sabay sulyap sa hawak niyang plato) talaga bang kaya mong kainin yang lahat ng yan?
Jeralene : ah eto, oo kaya kong ubusin to, mabilis kasi akong gutumin, sa mga nakakaraang gabi nga, ginugutom ako hindi naman ako makakain at wala ng kanin at ulam.
Drake : ganun ba, malalakas kasi kumain yong mga tauhan ni Kuya..pero baka tumaba ka naman niyan.
Jeralene : eh ano kung tumaba ako bakit ayaw mo.
Drake : hindi naman sa ganun, mas maganda padin naman kung sexy ka.
Jeralene : wag kang mag-alala kahit malakas akong kumain hindi ako tataba.
.
At inilapag na ni Jeralene ang tray na may pagkain sa lamesita, at napansin niyang nakatitig sa kanya si Drake.
.
Jeralene : sige good nigth na.
Drake : (lumapit sa dalaga) Pahingi muna na goodnight kiss!!
Jeralene : ha,(nagpanic ang isip) s-sige!!
.
At saka lumapit si Drake sa kanya at hinapit siya sa bewang at hinalikan sa mga labi, nailang siya sa halik ni drake, hindi siya pwedeng tumanggi dahil baka toyoin ang utak, pero ang totoo ayaw niyang makita siya ni Jojo na hinahalikan ni drake, hanggang sa naalerto si Jera dahil dama ng dalaga na nabubuhay ang kapusukan ni Drake humihimas na ang mga kamay ni drake sa may likod niya, at nagiging madiin ang mga halik nito sa mga labi niya, at bahagya na niya itong naitulak, at dumistansiya siya kay drake.
.
Jeralene : Ano ka ba drake!!
Drake : what’s wrong sweetheart pakakasal na nga tayo diba..bakit ayaw mo pa.
Jeralene : ano ka ba, diba may usapan na tayo, na kasal muna!!
Drake : sana naman ipadama mo na sa akin yong pagmamahal mo ano ba naman yong usapan na yon kong talagang mahal mo ako, kasi ako mahal naman ki—
Jeralene : kung talagang mahal mo ako maghihintay ka, kung gusto mo bukas ay bumalik na tayo, at magpakasal na tayo, pagkatapos sasama na ako sayo kahit saan mo ako dalhin, gawin mo na ang gusto mong gawin..pero kung hindi pa tayo kasal, im sorry, hindi talaga pwede!! Kaya kung pwede matutulog na ako.
Drake : sorry na, wag ka ng magalit, mahal na mahal lang kasi kita.
Jeralene : (sa isip niya,,,hmmp alam ko kung ano lang ang mahal mo sakin, ang bagay na iniingatan ko..) sige goodnigth (at pilit niyang nginitian si drake)
Drake : hindi ka na galit sakin?
Jeralene : hindi na.
.
At tuluyan ng lumabas ng kwarto si drake, at sinigurado ni Jeralene na nakalock nang mabuti ang pinto, at sabik na siyang makita si Jojo sa mga sandaling iyon, kinatok na niya ang kabinet at pinalabas na niya si Jojo, at nang bumukas ang pinto ng cabinet at dooy lumabas si Jojo ay parang may sayang nadarama ang puso niya. Hindi niya maintindihan yong nararamdaman niya.
.
Jojo ; Hi!!
Jeralene : H-hi!!
.
Parang tumigil ang mundo ni Jera ng pagkakita niya kay Jojo, bagong paligo na ito, at nakapag-ahit na din, mas lalong nakita ang kagwapuhan ni jojo ng makapag-ahit na ito, kahit na bakas parin ang mga pasa at sugat sa mukha, at suot ni Jojo ang damit ni drake na kinuha ni Jera sa kwarto ni drake, na sana hindi mapansin ni drake na wala ang ibang damit niya.
.
Jeralene : (kinuha ang tray at inabot sa binata) kumain ka na.
Jojo : salamat, (inabot ang tray na may lamang pagkain)
.
Napalunok pa ang dalaga, ng bahagya niyang maramdaman ang pagsagi ng mga kamay ni Jojo sa kamay niya, parang may kuryente pang gumapang sa pagkatao niya. Nagtama ang kanilang mga mata, hindi pa naalis ang pagkakatitig sa kanya ni Jojo kaya si Jera nalang ang unang umiwas.
,
Jeralene : sige na kumain kana, para mapatay na yong ilaw, kasi sabi ko kay drake matutulog na ako.
Jojo : ah sige.
.
Paminsan minsan ay sumusulyap si Jera kay Jojo, hindi na siya mabilis kumain, dahil nakakain na ito kanina, napawi na ang gutom nito. Sa isip ni Jera Jojo He’s a real handsome, kung gagaling ang mga pasa at sugat sa kanyang mukha, siguradong mas may itsura ito kay drake, at saka parang pamilyar daw sa kanya si Jojo parang nakita na niya ito hindi niya lang alam kung saan, at si Jojo naman ay nahuli niyang nakatingin ang dalaga sa kanya, at hindi inaalis ang tingin nito sa kanya.
.
Jojo : kain ka, (alok niya)
Jeralene : H-ha, s-sige tapos na!(binawi niya agad ang tingin) bilisan mong kumain baka kumatok uli si Drake.(dugtong pa niya)
Jojo : oo (at binilisan ang pagkain)
.
Hindi tuloy malaman ng dalaga kung paano itataboy ang pagkailang dito, at hindi niya din alam kung bakit kailangan niyang maramdaman iyon,.nagpunta na lang ang dalaga sa banyo at nagshower na lang ito ng mabilisan, at pagkalabas niya sa banyo ay tapos nang kumain si Jojo, nagpunta na din...


ng banyo si jojo upang magsipilyo, nagkabanggaang braso pa ang dalawa ng magkasalubong sa may malapit sa pagpasok sa banyo papalabas si Jeralene at papasok naman si Jojo.
.
Jojo&jeralene : ay sorry!!(panabayan pa nila)
.
Habang nagsipilyo si Jojo ay ipinaglatag naman ni Jeralene ng higaan si Jojo sa may lapag, upang maiunat naman niya ng mabuti ang kanyang likod, At nang matapos nang magsipilyo si Jojo ay nagpunta na siya sa ginawang higaan ni jeralene para sa kanya at nahiga na siya doon, at pinatay na ni Jeralene ang ilaw, ngunit matagal na silang nakahiga ay hindi pa sila makatulog. Paminsan minsan ay tinatanaw niya si Jojo na nasa lapag, at ganun din si Jojo sa kanya tinatanaw din siya kung siya ay nakatulog na. Iyon ang unang pagkakataon niya na matulog sa kwarto na may kasamang lalake, at isa pa kaya hindi siya makatulog ay iniisip niyang baka pumasok si drake dun sa kwarto niya at makita doon si Jojo, kahit na nakalock ang pinto, at kahit na may safety lock ito sa loob, ang isiping nasa labas lang si Drake ang mas lumiligalig sa kanya,.kaya Idinadalangin niya sa May Kapal na sana, wag malaman ni drake na nandito sa loob ng kwarto niya ang bihag ng kuya nito, sigurado siyang hindi siya mapapatawad ni drake pag nalaman na tinutulungan niya ang bihag ng kuya nito, pero hindi naman niya kayang ipahamak si Jojo, hindi niya kayang isipin na may mangyayaring masama kay jojo.at hindi nagtagal ay nakatulog na si Jojo, samantalang siya ay gising na gising pa. at ngayoy titig na titig siya sa mukha ni Jojo na ngayoy tulog na tulog, sapat ang ilaw ng lamp shde para maaninag ang itsura nito, tila ba nais niyang kabisaduhing mabuti ang anyo nito, upang makita ang mga pagbabago ng anyo habang gumagaling ang mga pasa at sugat. Ilang araw din na naitago ni Jeralene si Jojo sa kwarto niya, at para hindi magtaka si drake na kung bakit tumakaw siya sa pagkain at lagi siyang nagdadala ng pang snack niya sa kwarto, ay sinisikap nalang niyang magpanik ng pagkain kapag wala si drake doon, o kaya naman inaaya niyang mamasyal si Drake upang makakilos si Jojo doon ng mabuti, at hanggang sa nagbalik na ang sigla nito, at medyo gumaling na ang mga pasa nito, at napag pasyahan na ni Jojo na umalis na doon.
.
Samantalang sa mga sandaling iyon ay nag-iimbistiga na ang kapatid ni Jera na si Jomel at ang kaibigan nitong pulis, nireport na nila na nawawala ang ate niya, at minsang kausap ni Jomel si Mae.
.
Mae ; Pero ang duda ko na gagawa doon ay si Drake na boyfriend niya na hiniwalayan niya, baka hindi matanggap ni drake na nakipagkalas sa kanya ang ate mo.
Sherwin : maaring suspek nga siya sa pagkawala ng ate mo pare.
Jomel : kailangan kung puntahan yong drake na yun!!
Mae : Jomel napaka mapanganib ang drake na yun, baka mapagtripan ka pa.
Sherwin: pare ako ang bahala dun, basta tawagan kita, kung anong balita, hihingi ako ng tulong sa mga kasamahan ko pang pulis at inireport ko na din sa ibang istasyon at ibinigay ko na din sa kanila ang mga picture ng ate mo..tawagan kita kung may balita na.
Jomel : pare salamat!!
Mae : kung gusto mo Jomel magtanong tanong tayo sa mga ibang kakilala namin ng ate mo, magpapaalam muna ako sa trabaho na hindi muna ako papasok at tutulong ako sayo sa paghahanap..
Jomel : sige ate mae..salamat!
Sherwin : paano pare una na ako. Wag kang mag-alala pare mahahanap natin yong kapatid mo.
Jomel : sige pare salamat!!
Mae : halika na jomel, sumabay ka na sakin, daan muna tayo sa trabaho ko at paalam muna ako kay boss.
Jomel : sige ate mae.
.
At umalis na din ang dalawa, nagpunta muna sila sa bangkong pinapasukan nila mae at jera upang humingi ng leave kahit na mga ilang araw lang.
At habang nasa labas si Jomel at hinihintay niya si Mae ay may narinig siyang nag-uusap na dalawang babae.
.
Babae 1 : alam mo nakakatakot na yong panahon ngayon, madami nang masasamang tao.
Babae 2 : bakit namam?
Babae 1 ; kelan lang may babaeng kinidnap jan sa may kanto, diyan ata nagtatrabaho sa bangko yun. Sa takot ko baka pati ako tangayin ay tumakbo na lang ako buti nalang at may nakita agad akong taxi kaya nakasakay ako agad..
Babae 2 : nakakatakot nga. Kaya dapat hindi tayo nagpapagabi.
.
Nilapitan nga ni Jomel ang dalawang babaeng nag-uusap.
.
Jomel : miss may nakita ka kamong kinidnap na babae??
Babae1 : oo meron, kinidnap ng naka-van na kulay red..kaso hindi ko na nakita yong plate number dahil nagtatatakbo na ako nun sa takot. Hindi ko na din alam ang gagawin ko.
Jomel: eto ba yong babaeng nakita mong kinidnap? (At ipinakita niya ang litrato ng ate niya na naka-uniform na suot niya ng mawala ito)
Babae1 : oo siya nga yong babae na yan, siya nga!
.
Nagimbal si Jomel sa mga sinabi ng babae, kinidnap ang ate niya, naiyak na lang si Jomel at saktong paparating si Mae, nagtaka ito kung bakit bigla itong umiyak.
.
Mae : anong nangyare Jomel?
Jomel : ate mae, nakidnap ang ate ko, nakita niya,(tinuro ang isang babae)
Mae : nakita mong kinidnap itong nasa picture?(at pinakita muli ang picture ng kaibigan)
Babae 1: oo kinidnap isinakay ng sapilitan sa red na Van..
Mae : si Drake!! Jomel tama ang hinala ko si drake ang may kagagawan nito si Drake (umiiyak niyang sabi)
.
Sigurado siyang kay drake yong Van na iyon. Dahil minsan na din siyang nakasakay doon.
.
Mae : Miss yon bang kumidnap eh maputi at maganda ba ang katawan at may bigobigote ng konti.
.
Babae 1 : hindi, mahahaba ang buhok nong dalawang lalaki na naghila sa kanya pasakay ng van, yong isang lalaki. Hanggang balikat yong buhok yong isa naman lagpas balikat yong buhok na kulot at puro tatoo ang mga braso..
Mae : mga barkada ni Drake yun..hindi ako maaaring magkamali Jomel, si drake ang may kagagawan ng pagkawala ng ate mo.
.
Tinawagan ni Jomel si Sherwin at sinabi ang nalaman nila sa Dalawang babae..at hindi nga nagtagal ay pinuntahan nila sherwin ang bahay ni Drake upang imbitahin sa prisinto,, ang katulong ang nakausap nila at hinanap nila si drake
.
Katulong ; ay naku sir wala po dito si sir drake, limang araw na pong hindi umuuwi dito, baka nasa resort po niya sa may pangasinan..
Sherwin : ganun ba, alam mo ba ang eksaktong address ng resort ng amo mo??
Katulong : ay sir hindi ko lang po alam kung saan sa pangasinan, parang sa Bo—- (hindi natapos ang sasabihin ng tawagin siya ni George)
.
Lalabas sana si George ng makita niyang may mga pulis sa labas ng gate kaya bigla siyang nagbalik sa loob.
.
katulong : sige mga sir papasok na ako tinatawag na ako ng amo ko.
.
At umalis na nga sila sherwin doon, Pagpasok ng katulong sa bahay ay tinanong agad ni george sa katulong kung sino ang hinahanap ng mga pulis.
.
George : sino daw yong hinahanap nila?
Katulong : sir, si sir drake po ang hinahanap nila!
George : bakit daw ba nila hinahanap si drake?
Katulong : hindi ko lang alam sir, hindi naman po sinabi.
George : ano naman ang sinabi mo kung nasaan si drake,.
Katulong : (natakot sa itinanong sa kanya, kung bakit nasabi niyang nasa resort ito) ah sir ang sabi ko po wala dito, at hindi ko po alam kung nasan si sir drake..
George : sige mabuti kung ganon!!sige bumalik ka na sa trabaho mo.
Katulong : opo sir..
.
At sa mga sandaling iyon ay may kinausap si George sa celpon si Fred..
.
Fred : boss plakado na ang plano, nakaabang na kami dito baka mga ilang sandali lang ay makuha na namin ang babaeng yun dun nalang muna namin dadalin sa lumang ware haus..
.
George : sige siguraduhin niyong wag kayong papalpak dyan, napakawalan natin yong tarantado niyang kuya, ngunit siya hinding hindi na siya makakatakas,,siguradong ibibigay nila kahit na gaano kalaking pera. para sa nag-iisang anak na babae…hayop ka Jojo tingnan natin ang galing mo ngayon kung ang magiging kapalit mo ay ang kapatid mong si Andrea!, Tingnan ko lang kung di ka mabaliw sa pag aalala..
.
Itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top